Paano ba maglagay ng photo sa multimedia?? Hindi ko kasi alam eh tinry ko naman I paste yung link. Pero di gumagana eh.. Haist... Tulong naman oh.
Btw wla pa pla akong character para kay Chloe at Angela. Sino bang bagay?? Suggest naman oh.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 4
Hindi na ako nakatulog kaya naman sobrang mugto na ng mga mata ko..
Ang pangit ko tuloy...
Pinatungan ko ng concealer yung mata ko. Ayan nawala na. Maganda na ulit na ako... hahaha. Joke. Vain lang talaga ako. Pero di masyado.
Tiningnan ko ang wall clock at... OH M!! Ma lalate na ako. Graduating pa na man ako kaya di talaga pwedeng ma late. MLS pala ang course ko.
Bumaba na ako ng hagdan para mag breakfast.
Simple lang naman ang family namin... kaya di rin masyadong bongga ang breakfast ko. Ano lang baked spag, croissant, crispy pata, chicken curry, bacon at may hot chocolate pa.
O diba?? Haha... simple dw?
Hehehe... joke lang
Fried chicken lng tska rice.
Pero diet ako kaya fried chicken lang akin.
Mmmm... sarap naman, sarap talagang magluto ni manang.. Haha.. parang gusto ko tuloy mag kanin, pero NO!
"Cge ma, alis na po ako." Nag paalam na ako kay mama and I kissed her on the cheek.
"Okay, nauna na pala ang papa mo kanina.. ang tagal mo daw kasi malalate na raw siya sa trabaho."
"Okay po."
Hindi naman talaga ako hinahatid ni papa sa school, sa may kanto lang para di na ako mag tricycle. Hahaha.. kuripot kasi ako. Pero ngayon kailangan mag tricycle at mag jeep sayang naman ang six pesos oh.. Tsss.. Tagal ko kasi gumising eh.
Sa wakas andito na rin ako sa school... huhuhu... late na late na ako. Paano na to? Candidate for comlaude pa naman ako. Kaya bawal ma late.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at...
Dugdug.... Dugdug... Dugdug...
Pagkabukas ko ay...
Nagtatapunan ng mga papel ang mga kaklase ko at may iba namang nag p-pda. Grabe ha... kung maka moment lang akala mo nasa hotel. Ganito talaga kami pag walang professor parang mga bata. Di mo aakalaing graduating na pala sa college.
Hoooh... Pero mabuti nalang talaga at wala si Prof. kundi lagot.
After 5 minutes umalis na rin kami useless kasi eh. Wala ring professor.
Rafael's POV
Tinututukan ko ang singsing na ibibigay ko dapat ko kay Chloe.
Bwiset na babaeng yon!!
Okay na kaya si Chloe? I surprise ko kaya siya? Tama yun nlng para naman matuwa siya.
Pinuntahan ko si Chloe sa kanila, dala-dala ang singsing.
Sa bahay nlang niya ako mag po propose para walang sagabal.
Nag doorbell ako at lumabas ang katulong nila.
"Asan si mam Chloe mo?" Tanong ko.
"Nasa loob po sir, pasok po kayo."
Tumango na lang ako at pumasok.
BINABASA MO ANG
A Heart That Beats For Me
Teen FictionPaano pag mga puso na ang nagsalita? May magagawa ka pa ba?