NAKATAKBO BA AKO NG GANITO KALAYO?
Galing ko naman, hahaha para pla akong si Flash ang bilis ko tumakbo... ANG BILIS! HAHAHA... Kung kaya to kanina siyempre kaya ko rin ngayon!
Nagsimula na akong lumakad papalayo sa dump site. Ang baho pala doon, GRABE! Di ko ma explain! Tiningna ko ang relo ko 10:20. Yes! 10:30 pa klase ko.
LAKAD...
LAKAD...
LAKAD....
Eh, nakit nakakapagod na ngayon?
Tss... naman eh!
"O, miss! Miss! Sakay na!"
Haaay... SALAMAT.
Mabuti na lang may tricycle na dumaan at sumakay rin agad ako.
"Sa WP University po"
Bakit parang nag-iba ang mukha ng driver at pasahero nung sumakay ako? Siguro ang haggard ko na? Kasalan kasi to ng mokong na iyon eh. Bahala na nga.
************************************************************************************************************
Salamat naman at mabilis si kuya driver at nakarating agad ako. Time check: 10:27. May three minutes pa, nasa second floor lang rin kasi room ko ngayon.
Tumakbo na ako papasok at nakarating agad sa labas ng classroom.
SILIP...
SILIP...
YES!
Wala pa si prof! Nagmadali naman akong pumasok.
"Ang baho!"
"What's that effin smell?"
Huh? Eh, wala naman eh. Baka mga bunganga lang iyon nila naamoy na nila. HAHAHA...
"OMG! Tinaaaaaaaa.... You're here and you're not late!" Sabi ng bestfriend ko na naka lunok ng mega phone sa sobrang lakas ng boses.
Tumakbo siya papalapit sa akin. She was about to hug me.
"Why do you smell like that?"
"Huh? Ako ba?" Lumapit ako sa kanya.
"Don't ever come near me, NOT until you smell like that?"
Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase ko habang tinatabunan ang mga ilong nila.
"Eeeew... I can't believe you did that. Gosh! I really can't!"
Bestfriend ko ba talaga siya?
"Ikaw ha, akala ko ba magkaibigan tayo! Anong klase kang kaibigan ha? Porket ba di mo lang gusto ang amoy ko, dahil galing akong du-"
Hindi niya ako pinatapos. "Shhh... Don't ever mention that out loud. BTW I was just kidding even though you smell like like shit, and look like one. I still love you okay? And FYI, I'm like used to all the putrid smell, like we're medical technologists remember?"
Then she hugged me.
Aweee.... Kaka touch naman.
Naupo na kami ni Angela, at tamang-tama naman dumating na ang prof.
"Okay class, ready or not, we'll have a long quiz. Pass these papers." Bungad ni ma'am.
OMG! Tama nga pala, kaya nga pala ako nagmamadali eh hinahabol ko itong long quiz. Pero di naman talaga ako ang- aral eh.
NGA-NGA!
Wala na akong ibang matakbuhan kundi si God na lang. I prayed silently before I started answering.
Okay lang naman pala eh, ginaya lang ni ma'am kung ano yugn assignment namin. Buti na lang ako ang gumawa non kaya madali ko lang na-retain. At isa pa, malakas ako sa Diyos eh. Bait talaga ni Lord!
At sa wakas, tapos na rin ako.
*After 3 minutes*
"All done? Pass your papers forward, late papers will not be accepted." Our professor commanded.
Pinasa na nga namin ang mga papel namin at pinauwi na rin kami ni prof.
Umalis na kami ni Angela aat naglakad papuntang hallway.
"Tina, do you wanna go change?" Si Angela
"Uhm. Di na siguro, wala rin akong extra eh."
"Oh, don't worry. I have one. I won't let you go around smelling like that. We're still going to the mall, remember?"
Wow, grbe lang ha. Grabe lang tologo. Grabeng nakakanosebleed na tong babaeng 'to eh. Hindi ko nga alam kung ba't ako nakatagal dito sa kanya. Pero, na appreciate ko talaga siya, kahit sanay na'ko. Don't get me wrong ha, mga bata pa lang kasi kami mapagbigay na si Angela, kahit gaano pa niya kagusto ang isang bagay, basta hiningi ito sa kanya, ibibigay agad. Di nga lang masyadong halata, ang mean kasi ng ulagi niya sa mga ayaw niya eh, pati mukha niya parang strikta.
"Okay, thanks. Pero Angela pwede bang mag-tagalog ka din pag may time? May feeling kasi akong dudugo na ang ilong ko anytime." Diretsong sabi ko, habang pinipigilan ang pagtawa.
"But I don't wanna sound funny." Sabi niya sa isang melo dramatic tone.
"No, no you won't. Just try it."
"But you speak english. How come I'm not allowed?" Pagmamaktol niya.
"Hindi naman sa ganon pwede ka namang mag english eh. Huwag lang lagi, ilamg years ka na dito. Hayaan mo masasanay ka rin in time." Inexplain ko sa kanya.
"Hmmm..Ow, siguh ne nguh! I'm gonna do this cuz you're my bestfriend." Pa bulol niyang sabi.
Tama nga siya nakakatawa siyang pakinggan. Pero di ko na iyon sasabihin sa kanya, baka ma-offend, tapos 'di na siya magtagalog ulit. Trainign rin kasi iyan. Halimbawa mapadpad siya sa isang place na di masyado ganon kagaling mag-english ang mga tao. O, eh di LAGOT!
Nakarating na nga kami sa locker namin at pinahiram na ni Angela ang damit niya.
"Ikaw, 'di ka magbibihis?" Tanong ko.. Nagbihis kasi talaga siya after class.
"No, I only have that, and I know ummm..." She crossed her brows. "Mes kelangun mona iyan, than me." Wow ha. O di ba nag-tagalog siya?
Naglakad na ako papuntang C.R. Grabe talaga, napaka-selfless talaga nitong batang ito. Di ko nga maatim, kung ba't siya iniwan ng tangang boyfriend niya.
Nakapagbihis na nga ako at inayos na namin ni Angela ang mga sarili namin. Nag-suklay lang kami at nag-apply ng face powder. Hindi naman talaga kami mahilig mag make-up eh, at isa pa si Angela para nang naka make-up lagi. Rosy cheeks, red lips, curly lashes. Ako naman maputla, maputlang-maputla. Pero wala pa rin akong pakialam, dapat kasi NATURAL BEAUTY.
WEH??
HAHAHA...TAMAD LANG!
Lumabas na nag kami ng school at sumakay na ng taxi. Pero hindi naman talaga kami nag tataxi lagi, minsan nag je-jeep lang, maarte rin kasi 'tong si bestfriend ayaw ng siksikan. Wala kasi kaming sasakyan pareho, eh sa tinatamad kaming mag driving lessons? Busy rin kaya ang buhay kolehiyo......
------------------------------------------------------------------------------------------------------->>>> SI ANGELA
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Okay. VOTE AND COMMENT PLEASE, I REALLY NEED SUGGESTIONS
-niallloves
BINABASA MO ANG
A Heart That Beats For Me
Teen FictionPaano pag mga puso na ang nagsalita? May magagawa ka pa ba?