Prologue

173 1 0
                                    

“Elle, sweetie. Don't forget to take your medicine on time, okay?” Saad ni Mom habang inaayos ang kaniyang kwelyo sa harap ng aming malaking salamin.

I was smiling while typing a message.

To: Veron

Oo naman. Mamayang uwian.

“Elle? Did you hear me? Why are you smiling? ” Tumingin sa direksyon ko si Mom na tapos na pala sa pag aayos nang kaniyang kwelyo.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya at saka inayos ang pagkaka tali nang kaniyang neck tie.

“Yes, Mom. Sa totoo lang kabisadong kabisado ko na ang lahat ng linyahan mo sa akin araw- araw.” Ngumiti ako.

“And... done.”

Hinarap ko si Mom sa aming malaking salamin. She is so pretty, her skin toned is white, her black and wavy hair. Even her big eyes and thick eye brows was just like me.

She held and squished my hands.

“I was just worried, sweetie. Ikaw lang ang mayroon kami ng Daddy mo...” Pumungay ang mga mata nito.

I am the only child of this family.  Ever since na talaga eh, gustong gusto ko na nang nakababatang kapatid. Pero siguro nga ay hindi na mangyayari pa iyon at naiintindihan ko naman na sa edad ni Mom ay hindi na kaya pang madalang tao.

“I know, Mom. Pero malaki na ako para baby- hin niyo pa. I am already 18... duh!” Pag iinarte ko.

Tumalikod ako at umaarteng nagtatampo. Kaya naman nagulat ako sa susunod na ginawa ni Mom.

Bigla lang naman niya ako kinurot sa pisngi!

“Kahit naman malaki ka na ay ikaw pa rin naman ang baby namin ng Daddy mo.” Tumawa ito.

She is so clingy talaga. Pero thankful ako kay God na I have a mother like her. Even though, she's always busy at her work. Si Dad naman ay malimit na lang namin kung makasama. These past few months kasi he's been busy to our business, to his out of town agenda, at kung ano ano pa. Pero naiintindihan ko naman na he need to sacrifice everything. Hindi lang siguro sila magkatulad ni Mom na kayang maging multi tasker.

Napanguso na lang ako at hindi na nakapagsalita pa. Maya maya ay nagpaalam si Mom at agad na nag tungo sa kanilang kwarto ni Dad.

Narinig kong tumunog ang phone ko at kaya naman ay dali dali ko itong binuksan.

From: Veron

Alright! :)

Veronica is my childhood bestfriend. Simula bata pa lang kami ay kami na talaga ang magkasama. Nakakalungkot man sabihin, pero ulila na siya simula pagkabata at ang tanging bumubuhay sa kaniya ay ang kaniyang sarili. Yes, you read it right. Bata pa lamang ay mulat na siya sa reyalidad, marami na siyang mga na pagdaan at masasabi kong talaga namang na pag tagumpayan niya itong harapin. And as her bestfriend i am so proud of her.

Nabigla ako nang sumulpot si Mom sa aking harapan, dala ang kaniyang shoulder bag at syempre, ang kaniyang laptop.

“Elle, let's go. Mahuhuli ka na.” Pinasadahan pa niya nang tingin ang kaniyang wrist watch at saka bumaling sa akin.

Omg, it's already 7 a.m! Damn it!

“O-okay, Mom!” I shouted.

Agad akong tumakbo papunta sa aking kwarto at sabay hablot sa color beige kong bag na nasa small sofa ko. Muntik pa akong gumulong sa hagdan sa pagmamadali, dahil naririnig ko lang naman ang  pag busina ni Mom. Napakagat pa ako sa tinapay na nasa mesa na dapat ay lilinisin na ni Ate Julieta.

She will be LovedWhere stories live. Discover now