"Okay, Class Dismissed." Saad ng professor namin at agad umalis.
Nagulat ako ng biglang sumulpot si Veron sa aking harap.
"Anong nangyari? Tinanghali ka ata ngayon." Umupo ito sa nasa harapan ng desk ko.
Nilagay ko na ang mga gamit ko sa loob ng bag ko.
"Like as usual, sinermonan ako ni Mom." Saad ko namn habang inaayos ang mga libro ko.
Sinukbit ko na ang bag ko at agad naman tumayo si Veron mula sa pagkakaupo saka sumunod sa akin.
"Tita is right. You should take your medicine on time, mahirap na baka bumalik 'yang sakit mo." She said.
Magsasalita pa sana ito ng itaas nito ang hintuturo niya at inilagay sa labi ko.
"Huwag ka nang magsalita pa. Alam kong hindi ka kakain. Kaya kakain ka sa ayaw o sa gusto mo."
Bigla na lamang ako nitong hinila papunta sa kung saang parte ng campus namin. At hindi nga ako nagkamali, dahil papunta lang naman kami sa cafeteria.
Kaya naman ay agad kaming umukupa ng pang dalawang tao na upuan.
“Just stay here, okay? Ako na ang bibili nang pagkain natin.” Ngumiti ito sa akin at agad akong iniwan.
Bumuntong hininga na lamang ako at inayos ang aking mga gamit. Umupo na lamang ako at kinuha ang aking libro at saka nagsimula ng magbuklat at magbasa.
Maya-maya pa ay napansin kong biglang umingay ang buong cafeteria na wari'y may paparating na artista. Agad akong natigilan ng makita kong paparating na rin si Veron na dala ang aming pagkain.
Nilapitan ko ito at agad kong kinuha ang dalawang smoothie na nasa tray.
“Hey, umupo ka na lang muna. Kaya ko naman eh.” Saway sa akin ni Veron.
Humiling na lamang ako at hindi pa nagpatinag.
“You know, what? Parehas na kayo ni Mom ang oa niyo masyado.” Umiling iling ako at pagkatapos ay inilapag ang smoothie na hawak ko.
Inilapag din ni Veron ang tray sa lamesa, kaya naman ay umupo na rin ako.
“Alam mo kumain ka na lang.” Ngumiti ako at kumuha ng isang sandwich at hiniharap kay Veron.
“Here, oh! Say ah!” Nilakihan ko ito ng mata.
Kaya naman umirap na lang ito at saka kumagat.
“Okay, you won again.” Saad nito at agad na sumimsip sa kaniyang smoothie.
Agad naman akong napahagikgik sa naging reaksyon niya.
Mag uumpisa na sana akong kumain nang mapansin kong nahulog ng lalaki ang isang pirasong papel. Napatingin ako kay Veron na abalang abala sa kaniyang cellphone habang kumakain. Kaya naman pinulot ko na lang ito.
Austria, Reigan Harvey C.
Ito ang nakasulat sa maliit na papel.
Kaya naman agad akong tumayo at sandaling na tigilan, dahil bigla na lang nawala sa paningin ko ang lalaking nagmamay ari ng papel na hawak ko.
I suddenly saw Veron staring at me like she was worried. She immediately stood up and walk towards me.
“Is there a problem? May nararamdaman ka ba? May masakit ba sa'yo?” She said.
I smiled.
“I'm fine. Let's just eat.” I squished her hand.
“Huh? okay.” Saad nito na inimo'y naguguluhan.
YOU ARE READING
She will be Loved
RandomWhat love really does it mean? Ano nga ba ang ibig sabihin ng 'LOVE' ? Ito ba ay pagpapakatanga sa isang tao, pag habol sa isang taong ni minsan ay hindi ka nalinga, o paghihintay sa isang taong minsan ka ng sinaktan at binalewala. Ang pag ibig ay t...