VII - ZETA

744 37 4
                                    

Nakatukod ang mga kamay niya sa kama habang nakayuko sa babae, ang ulo naman nito ay nasa pagitan ng mga iyon.

Nakatitig lang siya sa babae kahit madilim dahil wala pa ring kuryente. Hindi naman kumikilos o nagrereklamo ang kaharap kahit na nakadagan na siya dito. Nakalagay lang ang mga kamay nito sa dalawang gilid nito at tahimik na nakatitig lang sa kanya pabalik.

Madilim ang paligid at malamig. Naeengganyo siyang dumagan pa para maramdaman ang init nito pero hindi niya magawa.

Nalilito siya. Seconds ago, she's on top of this girl, ravishing her, feeling her, tasting her. What has gotten into her?

"Zeta.." Tawag nito sa kanya. Looks like she's patiently waiting for her. For her next move.

Mariin siyang napapikit. Ano ba tong nararamdaman niya? Mali! Babae sila pareho. And how could she just lie there and wait for her to touch her again?

She almost jumped when she touched her. Napamulat siya at mabilis niyang hinablot ang kamay nitong humaplos sa braso niya. At mula sa malamlam na liwanag ng buwan na himalang sumilay mula sa kanginang malakas na ulan, nakita niya ang nagulat na anyo ng babae.

Maganda ito. Ngayon lang niya narealize.

Nakaramdam siya ng sipa sa kanyang sikmura. Para bang sipa na nagtutulak na tikman ang labi ng babae.

Mula sa pagkakatukod, kinuha niya ang mga kamay nito at hinawakan ang mga iyon hanggang sa ulunan nito gamit ang isang kamay. Hindi ito pumalag.

She lowered herself and reached for her lips. It was sweet. Napapasong napaatras siya nang maramdaman ang labi nito. Nakita niyang nakatingin lang ito sa kanya.

Hindi niya mapigilanh tikman ito.

In a swift move, she removed herself from lying on top of her and stood up.

"Zeta, bakit?" Takang tanong nito na bumangon na rin mula sa pagkakahiga.

Bakit nga ba? Hindi niya maintindihan ang sarili. Naiinis siya rito dahil ang daldal nito at makulit pa. Wala na itong alam kundi ang siguraduhing guluhin siya. Pero ngayong tahimik ito at nakatitig lang, parang gusto niyang bumalik na lang ito sa pagiging makulit para may dahilan siya na mairita dito ulit.

"Wala. Matulog ka na diyan. Dun ako sa kabila. Siguraduhin mong naka-lock ang pinto." Matigas ang boses at puno iyon ng awtorisasyon.

Hindi niya masabing nagsisisi siya pero sigurado siyang hindi na niya uulitin pa ang ginawa.

Alam niyang ang lahat ng itinayong pader na naghihiwalay sa kanya at pake niya sa lahat ng nasa paligid ay nagkabutas. Nabutas ng babaeng makulit na nasa harap.

"Teka. Bakit? Ako na lang. Kwarto mo to. Wag ka na lumipat." May halong pagka-insulto at pagkadismaya ang boses nito.

Lalo siyang naguluhan. Para bang nadismaya ang kaharap dahil hindi niya itinuloy ang ginawa kanina.

"Walang lock ang kabilang pinto. Kaya ko ang sarili ko kung sakaling may pumasok. Ayokong maging kargo de konsensya pa kita." Malamig niyang sabi.

Zeta (ULTRA SLOW UPDATE)hihiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon