II - Zeta

720 31 1
                                    

"Zeta." Tawag sa kanya ni Sir Tim nang makita siya na nakaupo sa gilid.

Nagliwanag ang mukha niya nang makita ang dala nito.

"Ayusin mo nga ang buhay mong bata ka." Sabi agad nito pagkalapag sa dalang tray ng pagkain.

Agad niyang nilantakan ang dala nitong kanin at ulam.

Si Sir Tim ang may-ari ng restaurant sa tapat ng eskwelahan nila. Malinis iyon at masarap ang pagkain. Kaya dun siya madalas tumatambay. At mas madalas ring inaabutan na lang siya nito ng pagkain. At bilang sukli, pumupunta siya roon pag may free time siya para maglinis at tumulong.

"Maayos naman ang buhay ko ah." Sagot niya habang panung-puno ng pagkain ang bibig.

"Maayos ba yang itsura mo na yan? Putok ang nguso mo at ang hilig mo sa away. Gawain ba yan ng babaeng maayos ang buhay? Atsaka wag ka ngang magsalita habang ngumunguya. Hindi ko gustong makita kung paanong nginunguya mo yang kinakain mo." Sabi nito na alam niyang itroduksyon pa lang sa sermon na gagawin nito.

Nilunok niya ang kinakain saka muling nagsalita.

"O bakit? Ano ba dapat ang maayos na buhay ng babae? Kailangan nakabestida at parang nagsasabog ng bulaklak habang naglalakad?" Sagot niya rito.

Hindi niya kasi makuha ang konsepto ng isang babaeng maayos. Dapat ba mahinhin at hindi makabasag pinggan para walang masabi ang mga tao? Dapat ba maayos ang pananalita at kilos? Kung ganun nga, pwes, hindi niya kaya. Nakakasakal yun. Ayaw niya ng kahit anong kaartehan na yun.

"Hindi ko sinabing ganun. Ang sa akin lang, wag ka na gumawa ng kahit anong ikapapahamak mo. Tsaka pwede bang mag-aral ka ng maayos! Sayang ka dahil matalino ka pero sa mga walang kwentang bagay mo ginagamit." Sabi ni Sir Tim na parang tatay na nangungunsumi sa anak.

Susubo pa sana siya nang makitang walang laman ang pinggan niya. Teka. Nasaan na ang pagkain niya?

"Asan pagkain ko?" Tiningnan niya ang paanan dahil baka nahulog iyon nang hindi niya namamalayan.

Tinitigan niya si Sir Tim dahil baka kinuha nito ang laman ng pinggan niya.

"O, bakit ako ang pinagbibintangan mo? Tsaka, Zeta, halos nilimang subo mo lang yung dinala kong pagkain." Sabi nito sa kanya.

Zeta (ULTRA SLOW UPDATE)hihiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon