IV - ZETA

524 30 1
                                    

Napahikab siya habang hinihintay ang pagkain na inorder niya. Dinner na. Maya-maya lang ay dadami na ulit ang tao sa restaurant ni Sir Tim.

"Kumusta ang araw mo?" Tanong ni Sir Tim habang nagbabasa ng kanyang dyaryo. Nakaupo ito sa tapat niya. Kung titingnan mo, mapapagkamalan mong waiter lang si Sir Tim dahil naka-puting Chef's jacket at white apron lang ito palagi.

"Ok lang." Maikli niyang sagot. Ipinatong niya ang mukha sa dalawang palad at tumingin sa paligid.

Hindi naman nakaligtas sa paningin niya ang pagsulyap ng babaeng part-timer sa kanya na ikinairita niya.

"Wala ka pa--"

"Kung may kinalaman man yang tanong mo sa magulang ko, wag mo na ituloy." Putol niya sa sasabihin nito. Alam niyang dun ang punta ng tanong nito kaya inunahan na niya.

Sumandal siya sa upuan saka humalukipkip. Wala siyang ganang marinig ang lahat ng mga balita o kahit ano tungkol sa mga magulang niya.

"Dyaske kang bata ka." Sabi nito saka itinupi ang dyaryong hawak at mabilis na ipinalo sa kanya. Huli na nang umiwas siya.

Napakamot siya ng ulo kung saan tumama ang dyaryong hawak nito.

Magsasalita pa sana siya nang dumating ang inorder niya. Mabilis pa sa alas-kwatro nang lantakan niya ang kinakain.

"Ikaw bata ka, hindi pa ako tapos magsalita, sumisingit ka na agad. Wala ka talagang galang sa matatanda." Ngulngol nito peri hindi na pinansin.

Ipinasok na niya nang ipinasok sa bibig ang pagkain dahil sa gutom. Alam niya halos gulat na gulat na nakatingin sa kanya ang mga nasa kabilang mesa dahil sa paraan niya ng pagkain pero wala na siyang pakialam. Kailangan niyang unahin ang sikmura kaysa sa kahihiyan.

"Ano ba yan, Zeta. Magdahan-dahan ka nga. Lunukin mo muna yang nginunguya mo bago ka ulit sumubo." Mukhang naaalibadbaran na si Sir Tim sa kanya.

Napatigil siya sa pagkain. Tiningnan niya ang kinakain at halos nasa kalahati na agad iyon. Nag-angat siya ng tingin kay Sir Tim saka nilunok ang nginunguya.

"Dapat ba magsimula na akong magtrabaho ng totoo?" Tanong niya sa kaharap.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Sir Tim dahil hindi nito nakuha ang ibig niyang sabihin.

"Dapat ba magtrabaho na ako? Yung kumikita para hindi ako pabigat." Sabi niya.

"Alam mo, Hija. Sa totoo lang, kailangan ko nga ng katulong pa rito sa restaurant dahil dumadagsa ang mga customer pero dahil andito ka madalas, nakakaluwag kami. Malaki kang tulong sa amin. Pero kung sa tingin mo ay kailangan mo nang kumita, ok yang naisip mo." Mahaba nitong paliwanag na hindi naman niya pinakinggan lahat. Ang huling sentence lang ang naintidihan niya.

Zeta (ULTRA SLOW UPDATE)hihiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon