III - ZETA

625 29 1
                                    

Zeta is the 6th letter of the Greek alphabet..

--

Hapong-hapo na naupo siya sa isa sa mga mesang naroon, pinili niyang maupo sa ibabaw ng mesa. Dumagsa ang mga customer ng gabi at tamang-tama na naroon siya kaya nakitulong na rin siya.

"Wag ka riyan maupo." Sabi ni Sir Tim kasabay ng pagtapik nito sa kanyang braso.Hindi siya nakinig kaya patuloy pa rin siyang naupo sa ibabaw ng mesang iyong.

Lumapit si Sir Tim sa pinto kung saan naroon ang sign nila. Binaliktad nito iyon upang makapag-close na. Saka ito lumapit at nilikom ang pinagkainan sa isang mesa.

Naupo lang siya habang nakatingin. Nagpapahinga.

Anim naman ang crew nito sa restaurant pero hindi ito katulad ng ibang mga may-ari na turo lang ng turo, tumutulong si Sir Tim. Mas madalas pa ngang maghugas ito.

"Zetarina, sabing wag ka riyan mau--" Naputol ang sasabihin nito nang tumunog ang pinto nila, senyales na may pumasok.

"Hello po." Nakangiting sabi ng isang babae.

"Closed na kami." Walang emosyon na sabi ni Zeta.

"Zeta!" Suway sa kanya ni Sir Tim. "Anong maitutulong namin, Hija?" Baling nito sa bagong dating.

"Kasi nagbabakasakali po ako na pwede pong mag-apply dito. Working student po." Sabi nito habang kinakabahan. Mahigpit nitong hinawakan ang folder na hawak, mukhang hindi ito sanay sa trabaho o mag-apply.

"Bakit, Hija? Hindi naman sa panghuhusga pero parang hindi ka sanay sa trabaho." Sabi ni Sir Tim. Ganoon rin pala ang tingin nito sa babae.

Matagal na hindi nakapagsalita ang babae. Parang nagulat ito at hindi na malaman ang isasagot.

"Hija--"

"Sir, gagalingan ko po! Aaminin ko pong wala po akong alam pero willing po akong matuto. Gagawin ko po ang lahat." Halos maiyak na ito habang sinasabi iyon. "Kailangang-kailangan ko po to. Sobrang kailangan ko po." At narinig nila ang pagpiyok ng boses nito dala ng emosyon.

Napatingin siya kay Sir Tim. Tinitingnan niya kung madadala ba ito sa drama ng babae at mukhang tama nga siya. Nadala na ito.

"Sige, Hija. May dala ka namang mga resume at iba pang requirements diba? Iabot mo na lang sa akin tapos ay mag-umpisa ka nang magligpit. Tumulong na ka rito dahil tanggap ka na." Sabi nito habang winawagayway ang isang kamay.

Zeta (ULTRA SLOW UPDATE)hihiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon