Kiera's Point of View
Natapos ang history class namin ngunit ang paningin ni Shin ay nasa labas pa rin ng bintana. Hinahayaan ko lang siyang makapag-isip-isip kahit hindi ko alam kung ano ba talaga ang problema niya. Ganiyan siya palagi kapag may problema, kilala ko siya e.
Huminga ako ng malalim at tiningnan ang pagpabas ng iba naming kaklase. Lunch break na kasi pero hindi ko magawang maiwan itong kapatid kong nag-e-emote. Napahawak ako sa tiyan kong biglang tumunog. Gosh! Gutom na si tummy.
Kailan pa kaya babalik sa katinuan 'tong isang 'to nang makakain na ako ng tanghalian.
Pabagsak kong sinampak sa lamesa ng aking upuan ang mukha ko dahil sa inis. Nilingon ko si Shin nang magsalita ito.
"If you want to go to the cafeteria, just go. Don't let yourself hungry because of something that didn't deserve your attention." aniya nito sa akin habang hindi nakatingin. Ngumuso ako, ang moody talaga ng lalakeng 'to!
Sarap niya talagang batukan, hindi daw deserve ng attention ko ang something. Che! Siya lang naman ang tinutukoy niya e. Padabog akong tumayo sa aking upuan at mabilis na lumabas ng classroom.
Bahala siya jan! Siya na nga ang sinasamahan, siya pa ang magagalit. Hindi ko na talaga siya kakausapan. Pramis! Mamatay man ang malaking lobo na humabol sa 'min.
Palinga-linga ako sa paligid dahil pansin ko ang pagkonti nang mga estudyante, nakaramdam ako nang may hindi tama. Pero dahil wala akong pakialam kung bakit ay hinayaan ko na lang dahil gutom na talaga ako. Hindi na kinaya ni tummy ang hapdi nang tiyan kaya napag-isipan ko na lang na tumakbo papuntang cafeteria.
Pagdating, nandoon lahat ng estudyanteng kanina ko pa hinahanap. Nakaupo silang lahat habang masayang kumakain, nagtatawanan at nagkakantyawan. Huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa counter para kumuha ng makakain ngunit hindi pa man ako nakakalapit ay may bigla bumangga sa akin, kadahilanan kung bakit ako natumba.
Hindi man lang sila humingi ng pasensiya at agad na naglakad na para bang hindi ako nakikita. Huminga ulit ako ng malalim tyaka bumangon, pinagpag ang nadumihan kong skirt at nagpatuloy sa paglalakad.
Ngunit kagaya nang kanina ay may nabangga na naman ako, ang masama pa niyan ay natapunan ng juice ang uniform ko pantaas at nabasa. Hindi pa rin sila humingi ng paumanhin at naglakad na para wala lang ako. Parang mali na 'to e.
Nilingon ko ang taong bumangga sa akin kanina pero patuloy lang ito sa paglalakad. Tiningnan ko ang basa kong uniform. Ngayon ko lang napansin na pare-pareho pala kaming lahat na estudyante ng kulay na uniform. Sky Blue ang kulay nang aming upper uniform na may collar. Ang lining ay pa-box at sa kanang chest part ay ang logo ng Academy. Sa itaas ng logo ay may isang star na nakalagay doon na nagpapahiwatig na isa kang freshman. Dalawang star naman sa sophomore at tatlo sa senior. Apat naman sa Royalties. Nabasa ko din sa papel na binigay sa akin bago pumasok sa Academy na may five star daw na mas mataas pa sa mga Royalties.
Pinili ko na lang na ipagpatuloy ang paglalakad papuntang counter kahit na basa na ako. Gutom na talaga kasi ako at hindi makakaya ni tummy na walang pagkaing papasok sa kaniya. Ngunit nakailang hakbang pa lang ako ay nakaramdam na naman ako ng malamig na likidong nahulog mula sa ulo ko. Pababa sa 'king mukha at sa uniform na tuluyang nabasa.
Rinig ko ang pagtawa ng bawat estudyante sa bawat sulok ng cafeteria. Anong pakulo ba 'to?
"Wow! Guys look! There's a beggar in the center of cafeteria." Napatingin ako sa taong nagsalita. Nakangisi siyang naglalakad papunta sa kinaroroonan ko habang hawak ang isang maliit na stick na nagliliwanag ang dulo.
Rinig ko ang halakhakan ng mga estudyanteng nakarinig at ang iba sa kanila ang pag- boo sa akin. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko dahil sa hiya.
YOU ARE READING
Cloud Academy ll: The Lost (On-going)
FantasyBook 2 of Cloud Academy Date Started: August 25,2020 Date Ended:
