Chapter 5: Piece of her hidden Pain

114 5 6
                                        

Kiera's Point of View

Naalala ko pa noong pumasok ako ng first year high school, hindi pa ako marunong magdamit ng normal at palaging maluwag at mahabang palda ang aking sinusuot. Dahil bata pa ako no'n, akala ko ayos lang na magsuot nang ganong damit pero mali ako.

Unang linggo ko pa lang sa school ay napagdiskatsahan na ako ng mga bully. Noong una akala ko ayos lang dahil walang physicalan silang ginagawa. Hindi din ako nagsumbong kay Mommy dahil alam kong mag-aalala lang sila, itinago ko din ang tungkol dito kay Shin dahil ayaw kong gumanti siya sa kanila.

Tumuntong ako sa second year, doon na nagsimula ang lahat. Tuwing umaga may naghihintay sa aking itlog, harina, putik o kung ano mang mabahong bagay na nakita nila ang itatapon sa akin. Tuwing lunch time, they grab my food at walang dalawang-isip na itapon sa basura. They do whatever they want at hindi ako nagreklamo.

Akala nila, ayos lang sa akin ang pinanggagawa nila dahil hindi ako lumalaban. Hanggang sa dumating ako sa third year.

They started to hit me, whenever they have a chance. Kahit wala akong ginagawa, basta trip nilang saktan ako.

They hit me on the face, kapag naiirita sila. They kick me, kapag galit sila. Throw me some hard thing, kapag naiinip sila.

Araw-araw umuuwi akong may galos sa katawan. Bago pumasok sa bahay ay humihinga ng malalim, pinapakalma ang sarili at pilit na ngumiti upang ipakita kina Mommy at Shin na walang nangyayari sa school. Magkaiba kasi kami ng school ni Shin kaya hindi nito alam ang nangyayari sa school.

Inusisa ko ang damit ko kung ayos pa ba o natatabunan ba ang mga galos na galing sa mga schoolmates ko. At nang mapagtanto kong ayos na. Masaya kong binuksan ang pintuan at tumambad sa akin ang naghihintay kong kapatid.

Kagaya nang dati, masigla ko silang binati at dire-diretsong naglakad papunta sa aking room. Hindi ko na kasi kaya ang sakit mula sa mga natamo kong galos at pasa at kailangan nang gamutin.

"Wala ka bang sasabihin?"

Napahinto ako ng magsalita ang kapatid ko.

Nilingon ko siya at binigyan ng inosenteng ngiti. "Anong aaminin?"

Napansin ba niya? Mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng long sleeve kong damit upang takpan lalo ang galos ko. Napansin niya ang paghawak ko sa laylayan ng damit at naglakad siyang papunta sa kinaroroonan ko.

Bigla akong kinakabahan at nagpanik kaya ang unang pumasok sa isipan ko ay tumakbo papasok sa kwarto ko. Narinig ko pa ang pagtawag nito sa pangalan ko na hindi ko naman pinansin.

Hingal kong sinarhan ang aking pintuan at sumandal doon. Muntikan na!

Muntikan na niya akong mahuli.

Mabilis kong tiniklop ang damit ko at tiningnan ang galos ko nang humapdi ito saglit.

Makikita talaga kung paano namula ang galos sa aking balat. Pinunasan ko ang luhang biglang tumulo sa aking mga mata at natawang mahina. Hindi ko akalain na umiyak ako sa sitwasyong ito. Akala ko kaya ko indain ang sakit na pambubully sa akin? Bakit umiyak ako nang muntikan nang malaman ni Shin ang kalagayan ko?

Huminga ako ng malalim at ininda ang sakit at pinahid ulit ang luhang tumutulo. Kaya mo pa, Kiera. Kaya pa!

Sa katotohanan, kahit anong pamamaltrato sa akin ng mga schoolmates ko sa 'kin ay ni minsan hindi ko naisipang bumigay. Siguro kapag naiisip ko 'yon, pumapasok sa isipan ko sina Mommy at Shin. Pag bibigay ako, talo ako. Magiging worthless lang ang effort kong 'wag silang pansinin at magtiis. Kaya kapag kaya pa, kayanin para sa kanila.

Umiling ako, ano na naman bang kadramahan ang pumasok sa isipan ko't iyon ang iniisip ko. Tumayo na lang ako at hindi ko na pinansin ang katok ni Shin at ginamot na lang ang mga natamo kong galos at pasa.

Kinabukasan, hindi ako tinigilan ni Shin na sabihin sa kaniya kung ano ba ang nangyayari sa akin. Pero ako naman ay tiklop lang ang bibig. Dahil sa inis ko, nasigawan ko siya hanggang sa hindi na siya nagtanong pa.

Matapos 'yon, patuloy pa rin ang pambubully na ginagawa nang mga kaklase ko sa 'kin tumigil lang iyon nang may naglakas loob na taong tumulong sa akin at isumbong sila sa Principal.

Nagmulat ako ng mga mata ko, naalala ko na naman ang mga pambubully na naranasan ko noong High Schoool ako. Hindi ko lubos maisip na pati sa mundong 'to ay mararanasan ko din ang gano'ng klaseng pagtrato.

Nagtaka ako nang una kong makita ang unang kisame. Nasaan ako?

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nasa maliit akong silid at ang dingding ng magkabila kong gilid ay kulay berdeng kortina. Nasa clinic ba ako?

Hindi kasi ako sigurado dahil wala akong nakitang dextrose na nakatusok sa akin o kahit ano mang gamit kagaya ng nasa hospital. May maliit lang na cabinet ang nasa gilid ng uluhan ko.

Naisipan kong bumangon ngunit napatingin ako bigla banda sa kanang bahagi ng kama ko nang
mapansin kong may taong nakaupo doon. Pinagmasdan ko siya ng mariin dahil sa mahimbing nitong pagtulog at dahan-dahang gumalaw.

Nakaramdam ako ng matinding pagkauhaw at kukunin sana ang basong nakalapag sa maliit na kabinet na nasa tabi ko ngunit napahawak ako sa aking uluhan nang sumakit ito. Sumakit ang ulo ko kung sa'n banda ako tinapunan ng basong nabasag ng isang estudyante.

Napag-isipan ko na lang na 'wag na gumalaw dahil lumalala lang ang pagsakit ng ulo ko pag pinilit ko pa. Ang tanging ginawa ko lang ay sinandal ang akinga batok sa makapal kong unan at pumikit.

Ilang minuto akong gano'n ang position ko nang may narinig akong yapak na nagmumula sa labas ng maliit ng maliit na kwarto papunta sa 'king kinaroroonan.

Nakaramdam ako ng kaba at ang una kong ginawa ay ang magkunwaring tulog. Mariiin kong isinara ang aking mga mata at dinamdam ang ginagawa ng taong pumasok.

Rinig ko ang pag-ubo nito at siya ding paggalaw ng taong natutulog sa tabi ko. Naramdaman ko ang pagtayo nito at lumapit sa taong pumasok.

"How is she?"

"Well, her wound was healed so she will just only need to rest in a few days to fully recovered."

Pasikreto kong binuklat ang isa kong mata at sinilip ang dalawang taong nag-uusap. Malabo man ang nakita ko ay sigurado naman akong isang nurse ang kausap ni Shin. Seryoso lang ang kaniyang mukha habang kaharap ang nurse na abala sa pagsasalita.

Bigla ko na lang ipinikit ang mga mata ko nang makaramdam na naman ako ng pagsakit ng ulo. Gustuhin ko mang makinig sa kanilang pinag-uusapan ay hindi ko na nagawa dahil unti-unti na naman akong nilamon ng kadiliman.

Ang tanging huling salita na aking narinig lang ay...

"... pay them back."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cloud Academy ll: The Lost (On-going)Where stories live. Discover now