[BREE]
[ "hoy babaeta ka san kana?" ] napakatinis talaga ng boses ni thea makabasag eardrums. kala mo nakalunok ng megaphone eh.
"malapit nako huwag kang mag-alala"
bagot na sagot ko rito.["hoy bilisan mo parating na si ma'am, mapagalitan ka na naman. pano kasi palagi ka nalang late."] at nasermunan panga ko pshhh.
["yah² ano pa bang bago?"]
ngumisi ako ng marinig ang palatak nito. psh di na nasanay.hanep talaga lunes na lunes pero heto't late na naman ang lola niyo. pano ba naman adik sa wattpad eh yan tuloy tsk.
walang gana akong naglalakad sa pasilyo ng building namin ngayon. pinagtitinginan nga ako ng mga schoolmates namin pero hindi ko nalang sila pinansin. sanay naman nako. halos araw-araw ba naman akong late duh. and wala talaga ako sa mood pumasok dahil nga puyat ako. alas dos nako ng madaling araw natulog dahil tinapos ko pa ang zombie apocalypse na binabasa ko sa wattpad kaya ayun ang ending? mukhang zombie na rin ang lola niyo mga beh aistt buhay. pero okay lang maganda parin naman. choss sorry na honest lang.
"gurll narinig mo ba yung balita?"
"alin dun gurll?"
"may nakatakas daw na pasyente kagabi sa elford hospital. yun bang private hospital na tanging mga scientist lang ang pwedeng makapasok. sabi-sabi na yung babae daw ay namataan sa isang grocery store malapit sa halifar subdivision. nagwawala ito at nanghahabol ng tao. ewan di ko sure basta sabi ng nakakita ang putla daw ng itsura nito. kulay puti yung mga mata at bakat-bakat ang ugat sa lahat ng parte ng katawan. ewan ko nga kung totoo ba yung sabi-sabi na kinagat nito ang isang customer. yun kasi sabi ng witness ehh. sa ngayon di pa matukoy kung bakit ginawa ng babae yun."
"luhh talaga? creepy naman."
"oo nga ehh katakot."
" ouh eh asan na yung babae ngayon?"
"yun na nga hinuli siya ng mga pulis para ibalik sa elford ng sa ganon hindi na makapangperwesyo ulit."
"hay buti naman kung ganon"
napailing nalang ako sa narinig kong usapan ng dalawang babaeng nasa likuran ko. mga marites nga naman. tiyaka ano daw nangangagat? HAHA ano yun parang zombie lang ganurn duh. but seriously imposible yun. Zombie? nah i'm sure walang ganon. kahit naman fan ako ng walking dead and favorite genre ko ang horror ay maniniwala na agad akong totoo ito. i know theres no such thing like that. zombie doesn't exist really. will in book? yes. but in reality? NO.
binilisan ko nalang ang paglalakad ko dahil ilang minuto nakong late and i'm really sure na nagsisimula ng magturo ngayon ang prof. namin sa math. si miss gloria asuncion. ang pinaka-terror na subject teacher namin. kala mo palaging may dalaw. halos araw-araw nakasigaw. kahit wala ka namang ginagawang mali sisigawan ka, parang tanga lang tsk.
*TOK TOK TOK*
i knock three times ng marating ko ang room namin. at hindi rin naman nagtagal ng bumukas ito at bumungad sakin ang nakataas kilay na si ma'am asuncion.
aistt here we go again."your late again ms. amethyst. what is your lame reason again this time?" sarkastikong tanong nito. nakataas ang kilay at masamang nakatingin sakin. pshhh kala mo naman maganda.
hindi nako nag-abala pang sumagot at magpalusot since hindi rin naman niya bibilhin.
mukang nahalata niyang wala akong balak sumagot kaya nagpatuloy nalang siya.
"get inside! next time that you'll be late again in my class, remember this ms. amethyst. i will drop you in my subject!" mataas ang boses na saad nito bago tumalikod. agad naman akong nag make-face bago sumunod papasok.
nakita ko pang magpigil ng tawa ang mga kaklase ko dahil sa ginawa ko. nag thumbs-up rin sakin sina shane. nag wink nalang ako saka dumeritso ng upo mabuti nalang talaga at nasa last raw and malapit sa bintana ang pwesto ko kaya presko ang hangin. and nice rin ang view.
YOU ARE READING
THE SLAYERS (Z Apocalypse)
Hororin times when disaster came, be brave enough to face them. be smart enough to make plan how to scape. and be fearless to fight those living walking dead. I AZIANA BREE AMETHYST And I will kill those shits and burn them to ashes. I will never give u...