Chapter 1

36 5 0
                                    

(March 5,2022)

Masayang araw sa pamilyang Delo Santos. Ngayon ay ang araw ng aking kapanganakan at nagkaroon kami ng isang simpleng selebrasyon na pinagtulong tulungang gawin ng mga taong malalapit sa aking puso.

"Happy Birthday Jaylen" Masaya nilang bati sa akin. Walang pagsidlan ang saya na aking nararamdaman dahil kumpleto ang lahat ng mga kaibigan at mga mahal ko sa buhay ngayon sa aking ika 22nd Birthday.

Andoon sina Anna Mariz Ayala o "Anna" kasama sina Tito Anthony at Tita Melody.

Nandoon din si Julia Ellise Reyes "Julia" kasama ang kaniyang mga magulang   na sina Tito Emman at Tita Janeth pati narin ang kaniyang mga kapatid na sina Edward at Joanah.

At syempre hindi mawawala si Earl Jairus Agoncillo o "Earl" kasama ang kaniyang mga magulang na sina Tito Jonathan at Tita Elma kasama rin ang kaniyang bunsong kapatid na si Jerence.

"Jaylen! Regalo ko para sa'yo! Sana magustuhan mo." Sabi ni Anna sa akin sabay abot sa akin ng isang paper bag.

Bunga ng pagkagulat, hindi ko agad nakuha ang regalong iniiaabot niya sa akin. Pero dahil sa nakakaamo niyang ngiti ay kinuha ko na ng may tuwa ang regalo na hawak niya at dali daling binuksan.

"Relo yan!Pansin ko kase wala kang sinusuot na relo kaya naisip ko na regaluhan kita. Nagustuhan mo ba?" Sunod sunod niyang banggit.

"Oo naman! ang ganda nga eh. Huwag kang mag-alala itatago ko ito para hindi magas-gasan." Sabi ko sa kanya.

"Sira ka talaga, kaya nga kita ibinili para gamitin tapos itatago mo lang." Naiinis niyang sagot sa akin.

"Oo Hahahaha, binibiro lang kita. Isusuot at Iingatan ko ito kagaya ng bilin mo, Salamat ulit!" Sambit ko sa kaniya.

Hindi namin napapansin na habang nagtatalo kami sa gitna ay masaya kaming pinapanood ng aming mga magulang, pati narin nina Earl at Julia habang kumakain.

Dumating ang gabi at pasado 8pm na. Natapos nang masaya ang selibrasyon ng aking kaarawan, kumain kami, nagkantahan at syempre hindi mawawala ang mga kulitan at biruan.

"Jaylen!

Tawag ni Earl sa akin.

"Uuwi na kami tol, nag aaya na sina Papa at Mama pauwi eh, bukas nalang ulit."

"By the way, pahiram ako relo mo minsan ha! Hahahaha." Biro niya habang papaalis.

"Kami rin Jay uuwi narin!"

Banggit ng Daddy ni Julia sa akin.

"Sige po, salamat po ng marami tito! Ingat po kayo sa pag-uwi." Sagot ko sa kaniya.

Maya maya pa ay umuwi narin ang pamilya ni Anna.

"Jay anak, uuwi nadin kami maaga pa ang pasok namin bukas ng tita mo sa opisina."

"Opo Tito, Tita! Ingat po kayo pag-uwi."

"Ingat kayo Pareng Anthony at mareng Mel." Pahabol na sabi nina mama at papa sa kanila.

"Jaylen, Happy Birthday ulit."

Muling bati sa akin ni Anna.

"Salamat ingat kayo Anna!"

Sabi ko sa kaniya.

Naging napakasaya ng araw na iyon sa akin. Buo ang barkada kasama rin ang kanilang mga kapatid at magulang.

"Jaylen anak,pumasok ka na dito sa loob. Malamig na dyan sa labas baka magkasakit ka pa nyan."

Sabi ni mama sa akin nang makita niya akong nasa labas pa habang tinatanaw ang pag-alis nina Anna.

Bagay Kayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon