Chapter 4

14 1 2
                                    

Araw ng Biyernes namin natanggap isa -isa ang results ng kada subjects at natuwa kami sa naging resulta!

"Jaylen pasa ako sa lahat ng subjcets ikaw ba?"

Masayang pagkatanong ni Earl sakin.

"Ako din!"

Sagot ko naman sa kaniya.

Mangiyak-ngiyak ako nung nakita ko ang results. Nagbunga ang aming pagsisikap at mga pagpupuyat pati narin ang sama sama naming pagrereview.

"Nakapasa tayo, isang taon nalang!"

Sabi ni Earl sa sobrang tuwa.

Nang maguuwian na naisipan ulit naming pumunta sa room nila Julia at Anna.

"Tol tara kina Anna sabay sabay na tayo ulit pauwi, kamustahin narin natin sila!"

Sumama naman si Earl at sabay namin silang pinuntahan.

Nakita namin si Julia na tumatakbo at biglang yumakap kay Earl.

"Ugh, Julia...."

Tugon ni Earl.

Bigla naman bumitaw si Julia at nag sorry kay Earl. Natulala naman ako noong mga sandaling iyon sa pagka bigla.

"Sorry sorry Earl nadala lang ng emosyon!"

Sabi ni Julia kay Earl.

"Kamusta kayo? Ano balita, pasa ba?"

Tanong ni Julia sa amin.

"Oo pasa kami parehas sa lahat ng subject!"

Sabi ni Earl kay Julia.

"Si Anna kaya?"

Tanong ko sa kanila.

Pinuntahan na namin si Anna at nag-abang sa kaniyang paglabas.
Dumating ang oras ng labasan at nakita ko si Anna na masayang nakangiti habang lumalapit sa amin.

Hindi ko namalayan na nakangiti narin ako noong pagkakataon na iyon.

"Ganda ng ngiti ah alam ko na kung bakit"

Sabi naman ni Julia kay Anna.

"Congrats Anna"

"Proud ako sayo you did great!"

Bati ko sa kaniya.

Nang mga sandaling iyon hindi ko inasahan na sa pangalawang pagkakataon ay yayakapin ako ni Anna.

Sa pagkakataon na iyon ay nakumpirma ko sa sarili ko na gusto ko si Anna.

"Sorry Jay nagawa ko na naman!"

Sabi niya sa akin.

"Okay lang!"

Sagot ko sa kaniya sabay lagay ng dalawa kong daliri sa kaniyang noo at sinabing....

"Nandito lang ako para sayo!"

Natulala kaming bigla at panandaliang nagkatitigan.

"Guys tara kaya mag mamasyal sa mall?"

Sabi ni Earl.

"Alam mo maganda yan nagiisip kadin pala"

Hahahahaha~

Biro ni Julia kay Earl.

"Pero di muna siguro ngayon kakapagod eh saka hapon nadin, hindi natin masusulit"

Sabing muli ni Julia.

"Oo nga tama si Julia, bukas nalang tayo tutal sabado naman"

Sagot naman ni Anna.

Bagay Kayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon