Chapter 13

4 1 0
                                    

Nabigla sina Mama at Papa ng makita nila akong basang basa sa ulan. Noong una ay sinbukan kong magdahilan sa kanila pero hindi sila naniwala sa akin.

"Yung totoo Jaylen!"

Sabi ni Papa sa akin.

At doon nga ay kinuwento ko ang buong nangyare. Niyakap naman ako ni Mama ng malaman niya ang lahat.

"Kuya baka naman nagkakamali ka lang"

"Nag-ooverthink ka lang siguro"

Sabi ni Jade habang nakaupo sa salas at pinakikinggan ang aming usapan.

"Jade,dami mong alam ah!"

Sagot ko sa kaniya.

"Oo nga naman anak, tama naman si Jade"

"Ilang beses mo na bang nakitang ganon si Carl at Anna diba?"

Sambit ni Mama sa akin.

Napaisip din ako ng malalim sa sinabi nila sa akin. Napagisip-isip kong tama sila hinusgahan ko agad ng wala pa namang sapat na pruweba.

"At saka, hindi naman kayo kuya bakit ka nagseselos?"

Pabirong sabi ni Jade.

"Oy hindi ako nagseslos ha, sino nagsabi sayo?"

Sagot ko sa kaniya.

"O sya sya, tama na yan. Umakyat kana Jay at maligo baka magkasakit ka pa niyan!"

Sabi ni Mama sa akin.

Dahil sa pag-uusap namin na iyon ay naliwanagan ang isip ko. Nagkaroon ako kahit papaano ng kaginhawahan ng pakiramdam. Pero hindi ko pa rin tuluyang maalis sa isipan ako ang nakita ko kahapon.

Maya maya pa ay natapos narin akong maligo at sama sama naming pinagsaluhan ang aming hapunan. Pagkatapos noon ay umakyat na ako sa kwarto at natulog.

Kainaumagahan ay nagising akong masama ang pakiramdam. Ang sakit ng ulo at ang taas pa ng lagnat ko. Dahan dahan naman akong lumabas para maghilamos at doon ay nakasalubong si ko si Mama.

Napansim niyang masama ang pakiramdam ko kaya agad niya akong kinamusta. Pagkatapos kong maghilamos ay agad niya akong pinilit na kumain para makainom ng gamot.

"Sabi ko naman sayo anak eh, dapat hindi kana naglakad nang umuulan, tingnan mo tuloy nilagnat ka!"

Sabi ni Mama sa akin.

Hindi ako nakasagot noon dahil masama na talaga ang pakiramdam ko. Buong maghapon din akong nasa kwarto ng araw na yon nang bigla na lamang may kumatok sa pintuan.

"Jay anak, may bisita ka"

Sabi ni Mama.

Pagbukas ng pintuan ay pumasok si Earl at nangumusta.

"Yan tinatablan karin pala?"

Napangiti na lamang ako sa sinabi niya.

"Salamat Earl"

"Para saan?"

Sagot niya.

"Sus, kahapon kasi kung wala ka don baka naging iba yung takbo ng mga pangyayari mabuti nalang at nandon ka"

Tugon ko naman sa kaniya.

"Wala yun, napansin ko lang kasi kaagad"

"Nagsimula yun noong nagpapicture silang dalawa hindi ba?"

"Sa tingin ko ang nasa isip mo noon ay bakit parang may iba hindi ba?"

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Earl.

Bagay Kayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon