Chapter 19

6 1 0
                                    

Inihatid na ako nila Earl at Julia pauwi sa aming bahay at doon ay nakasalubong namin agad ang aking mga magulang. Doo'y sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Mama. Hindi ko alam kung bakit tila alam na nila ang nangyari marahil ay tinawagan o ipinaalam na nina Earl ang lahat bago kami nakauwi.

Kinausap ako ng aking mga magulang at habang nangyayari iyon ay tuloy tuloy din ang pagpatak ng aking luha kasabay ng bawat paghikbi na tila ba walang katapusan. Dumating pa sa puntong ikinukumpara ko ang aking sarili kay Carl na labis namang ikinagulat nina Mama at Papa.

"So ano kuya, susuko kana agad?"

Tanong sa akin ni Jade.

Nagulat naman sina Mama at Papa sa sinabi niya. Bahagya namang napangiti si Papa ng dahil doon.

"Hindi mo pa nasusubukan lahat, aayaw kana"

"Sayang naman yung feelings mo para sa kaniya kuya kung hindi niya malalaman"

"Saka bakit mo ikukumpara ang sarili mo kay kuya Carl eh magkaiba naman kayo!"

Dagdag pa ni Jade.

"Alam mo anak, tama si Jade bakit hindi mo na aminin sa kaniya?"

"Natatakot ka ba na baka ayaw niya sa'yo?"

"Baka kapag pinagpalipas mo pa, mahuli na ang lahat para sa inyong dalawa!"

Sabin ni Papa sa akin.

"Isa pa anak, huwag na huwag mo ikukumpara ang sairli mo sa iba."

"Eh ano naman kung wala ka ng mga bagay na meron si Carl?"

"Meron ba siya ng mga bagay at katangian na meron ka?"

Dagdag pa ni Papa.

"Ang pogi kaya ng kuya ko, mabait at responsable pa"

"Kung ako kay ate Anna, ikaw ang pipiliin ko"

Sabin pa ni Jade.

"Sus nambola pa ang bunso ko!"

Tugon naman ni Mama sa kaniya.

Napangiti naman ako sa mga bagay na sinabi nila.

Napag isip-isip kong tama silang lahat. Kailangan kong ipaglaban ang aking nararamdam. Ilang beses man akong matumba kailangan ko parin bumangon at magpatuloy. Napagtantong hindi ko dapat ikumpara ang sarili ko sa ibang tao. Marahil ay wala ako ng mga bagay na meron sila ngayon, pero sinabi ko sa sarili ko na hindi na iyon magtatagal pa. Kaya naman nadagdagan ako ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang mga bagay na nasimulan ko hindi lang para sa akin kundi para sa mga taong mahal ko.

Niyakap ko silang lahat at unti unting naglaho ang kawalang pag-asa sa aking puso.

Mabilis na lumilipas ang bawat araw. Buong tiyaga kong sinubukan ng paulit ulit na kausapin si Anna pero paulit ulit din akong nabibigo. Pinupuntahan ko siya sa kanilang bahay, sa classroom o kahit saan ko pa siya makita pero madalas ay magulang o kaklase niya lang ang naaabutan ko at kapag sinuswerte ay naabutan ko siya ngunit hindi naman niya ako pinapansin. Hindi rin siya nagrereply sa mga chat or text ko sa kaniya. Maging si Julia o Earl ay hindi niya rin pinapansin kapag sinusubukan nila siyang kausapin patungkol sa akin.

Sinubukan ko rin ang mga bagay na alam kong makakakuha ng kaniyang atensyon pero kadalasan ay para lamang akong anino na hindi niya napapansin,dinadaan-daanan at ni minsan ay hindi ko na ulit narinig na tawagin niya ako sa pangalan ko. Madalas pa siyang magalit kapag ako ay lumalapit. Malimit ko rin silang makitang magkasama ni Carl,ngunit kahit na ganon ay hindi parin ako nawawalan ng pag-asa. Sa mga oras na napapagod at handa na akong sumuko ay inaalala ko ang mga nakaraan, mga masasayang ala-ala na siyang nagiging dahilan at nagpapaalala sa akin kung bakit ako nagsimula at kung bakit dapat akong magpatuloy.

Bagay Kayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon