Chapter 25

9 1 0
                                    


Pagkauwi ko ay nakita ko sina Julia na naghihintay sa labas ng pinto ng nirerentahan kong silid. Masaya naman nila akong sinalubong na dalawa bago kami pumasok at magkuwentuhan sa salas.

"What took you so long sis? mukhang na-enjoy mo ang paglabas ah!"

Sabi ni Julia sa akin.

"Oo nga eh"

"Hindi ko namalayan ang oras"

"Tutok na tutok ako sa binabasa ko kaya siguro"

"Saka to be honest, ang ganda ng pagkakaisip ng business na yun. Mula sa design sa loob at sa labas, sa crews, different flavors ng binebenta nila, the books and every detail of that cafe caught my heart really well"

"Feel ko babalik ulit ako next time"

Kuwento ko sa kanila.

Napangiti naman ang dalawa sa pagkukuwento ko.

"Kaya pala, nagtagal ka eh"

"Mabuti nalang at walang nakakilala sayo"

Sabi naman ni Earl sa akin.

"Wala naman, hindi naman masyado marami ang tao isa pa nakabalot ako mula ulo hanggang paa, itong magaganda kong mga mata lang ang nakalabas"

Biro ko sa kanila.

Natawa naman sila at napansin ko na panay ang eye contact ng dalawa at napapangiti na lamang sa aking pagkukwento.

"Bakit may problema ba?"

Tanong ko sa kanila.

"Ahh wala, naka punta narin kami doon ni Earl noon"

"Maganda nga at babalikbalikan mo yung mga ibinebenta nila"

"Same for the crews as well, although may naencounter na kami doon na medyo masungit at tahimik"

Sabi nila habang tumatawa at nagtitinginan.

Napaisip naman ako at bigla kong naalala yung lalakeng nakaupo ilang tables sa harap ko.

"Alam mo parang nakita ko narin yang sinasabi mo?"

"Yung lalakeng nakaupo sa reserved table?"

"Yun nga ba?"

Tugon ko sa kaniya.

"Hahahahaha"

"Oo sya nga"

Sabi nila habang panay ang pagtitig sa isa't isa na para bang may alam sila na hindi sinasabi sa akin kung ano.

"Alam nyo ang weird nyo ngayong dalawa"

"Kumain na ba kayo?"

Tanong ko sa kanila.

"Actually hindi pa, kaya nga may dala kaming mga lulutuin eh"

"Dito nalang tayo kumain"

Sabi ni Julia.

Tinulungan ko na si Julia magluto habang si Earl naman ay nasa valcony, nakaupo sa harap ng kaniyang laptop at tila may kausap sa kaniyang cellphone.

"Napaka busy na ni Earl no?"

"4 years ago, parang puro kalokohan at pagbibiro lang si Earl"

"But now look at him, he's soon to be your Husband"

Sabi ko kay Julia.

Napangiti naman si Julia sa sinabi ko.

"That's how he is, siguro nakuha nya ako sa mga jokes at witty lines nya but the real reason why I fell this hard for him ay dahil sa pagiging seryoso nya sa ibang bagay lalong lalo na when it comes to someone na mahalaga sa kaniya."

Bagay Kayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon