Chapter 28

25 0 0
                                    


Chapter 28

Salamin

Hindi ko naman akalaing ganito kahirap ang pag bubuntis dahil pakiramdam ko, sarili ko lang ang maasahan ko. Ilang buwan na ang nagdaan at imbes na maging matiwasay, lalo tuloy akong nahihirapan at pinapahirapan. Pinilit ko ang sarili ko na masanay na lang sa mga nangyayari lalo na at pag umuuwi si Fred para lamang ibuhos saakin ang lahat ng kanyang galit. Imbes na maging masaya pag umuuwi siya, ay bigla na lang ako sinisilaban ng takot.

Kitang-kita ko ang repleksyon ko sa salamin. Ang lahat ng pagbabago sa itsura ko hindi lang dahil buntis ako. Ang mga piklat at pasa na unti-unting humihilom ay nadagdagan ng sariwang mga sugat at nangingitim na mga pasa sa buo kung katawan. Pagod at panghihina ang nararamdaman ko Physical man o emosyonal. Parang gusto kunang sumuko, Parang gusto kunang tumakbo, Parang gusto ko na lang mag pahinga at higit sa lahat parang gusto ko na lang mamuhay ng payapa katulad ng dati.

Naaawa ako sa sarili ko sa tuwing tumitingin ako harap ng salamin. Sa tuwing na kikita ko lahat ng mga pasa at pilat na nag papaalala saakin sa lahat ng napagdaanan, pinagdadaanan, daanan ko. Kahit anong gawin ko mas pinipili ko na lang na masanay sa panibago kung buhay para kahit papano mabawasan lahat ng sakit at pagdurusa pero kahit anong gawin kung pagsasanay sa sarili, hindi naman nababawasan lahat ng nararamdaman kung hirap

'Patawad anak ko kung ilang beses kanang muntik na mapahamak ng dahil saakin. Kahit anong iwas ang gawin ko para hindi ka madamay ay wala akong magawa-gawa. Kaya patawarin mo si Mama anak kung hindi kita nagagawang ipaglaban. Patawad anak kung napakahina ko, kung dumating tayo sa ganitong sitwasyon. Gusto ko lang naman bumuo ng sariling pamilya kasama ang taong Mahal ko. Masama ba yun?

Gusto ko lang naman anak maging masaya kasama ang Daddy mo. Kaya sana mapatawad at maintindihan mo ako sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko.

Kapit ka lang anak ha? Hindi tayo susuko hanggang sa matanggap tayo ng Daddy mo. Kapit ka lang anak, dahil ikaw na lang ang natitirang ilaw ko sa gabing madilim. Ikaw na lang ang natitirang kinakapitan ko. Ikaw na lang natitirang pag-asa ko anak, kaya kapit ka lang ha?

Dalawang buwan na lang at makikita na kita. Dalawang buwan na lang anak, kunting tiis pa at pakatapos non, sisiguraduhin kung hinding-hindi ka na mag-titiis habang sinusuyo natin si Daddy anak. Sigurado ako na pag nakita ka ni Daddy, matutunaw lahat ng galit na nasa puso niya at magiging masaya tayong pamilya'.

Pinunasan ko ang mga luhang kanina pa umaagos sa mga pisnge. Saka pilit na ngumiti sa harap ng salamin habang hinahaplos ng dahan-dahan ang malaki ng tiyan. Parang naiintindihan ng anak kung anong nararamdaman ko dahil sumipa ito na para bang pinapakalma ako.

Ang kaninang pilit na ngiti ay napalitan ng totoo at masayang ngiti.

'Oo anak, magiging okay din si Mama.'

Lumabas na ako bathroom na kakaayos na ng sarili at maghahanda na para matulog. Nakasuot ako ng maluwang na Night gown pang buntis at sinuklay ko ng dahan dahan ang hanggang baywang kung buhok na umaalon-alon. Nang natapos ay humiga na ako sa kama ng dahan dahan saka ipinikit ko na ang aking mga mata.

Madaming mga nangyari ngayong araw katulad din ng mga nagdaang buwan na naka on leave so Fred para lamang gawin akong libangan. Ngayon kahit papano ay makakahinga na ako ng maluwag dahil umalis siya kanina para pumuntang abroad dahil may kailangang asekasuhin.

Kailangan kong ipahinga man lang ang katawan ko para kahit papano hindi ako tuluyang mawalan ng lakas at ulirat. Walang makakapagsalba saakin kundi ang sarili ko mismo. Wala akong Contact kay Freya dahil nang huling beses naming mag-usap ay naabutan ako ni Fred na umiiyak habang nag susumbong sa Kay Freya lahat ng mga nararanasan ko sa piling ng Asawa. Kaya naman sinira ni Fred ang Cellphone ko at nawalan na ako ng Contact sa kanya. May mga araw na dumadalaw ang kaibigan pero hindi siya pinapapasok ng Guardia dahil iyon ang utos ni Fred.

 The Consequences of Loving Lucifer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon