Chapter 15

15 0 0
                                    


Chapter 15

Pictures

April na kaya naisipan ko na umuwi ng bahay pansamantala dahil na kakaburyon naman masyado sa Hotel lalo pa at minsan na lang kami magkausap ni Fred dahil nagtatampo ako sa kanya.

Nakakausap ko na siya ng matino at nag papahiwatig na rin ako sa kanya, pero puros Isabella na lang ang bukang bibig niya. Si Isabella magaling mag luto kahit Mayaman. Si Isabella mahilig sa ganto ganyan.

Ang sakit lang sa parte ko dahil ako ang hinihingian niya ng advice kung anong pwedeng eregalo rito dahil nagkabalikan na raw at Malapit na ang anniversary nila.

Kaya naman kailangan ko muna ipahinga ang sarili ko dahil kada magkikita kami at mag-uusap, si Isabella parin. Nakakatampo rin naman kasi.

Ano pa ba ang aasahan ko, Lamang na lamang si Isabella kaysa saakin.

Hindi ko nga alam kung bakit ninanggap ko pa na maging magkaibigan kami eh puro sakit lang naman ang dulot saakin. Ako na nga ang gagawa ng Moves tapos siya naman si Bulag at Hindi ako Makita.

Natapos na ang renovation at ito rin ang paalam ko sa kanya. Hindi ko alam kung babalik pa ba ako don, lalo na at malas bumibisita si Isabella. Sobra-sobra na ang inis ko sa gold digger na yun.

Hihintayin ko lang siya na magkamali ulit at saka ako gagawa ng hakbang para mapasakin na si Fredrick Lucifer. Baka kung gumawa ako ng ibang hakbang, baka naman mapansin na niya ako. Hindi bilang Mapple Aquino na share holders ng pinag-tratrabahuan niyang hotel/resort kundi bilang Mapple Aquino na Mahal na mahal siya.

I did my very best, I try to flirt and do the tutorial i saw in YouTube but it doesn't work. Faithful lang talaga siya kaya hindi ko makuha-kuha ang atensyon niya.

Pero hindi parin ako sumu-suko at hito ako ngayon at nag papaturo kung paano mag luto.

Nabanggit niya na magaling mag luto si Isabella kaya dapat matuto rin akong magluto para may chance na magustuhan nya rin ako.

Subalit heto at first try ko palang, nag kanda Paso na ang kamay ko at natalsikan pa ako ng mantika sa prinipritong hotdog kanina kaya ayon at sunog ang naluto ko.

Wala akong katalent-talent sa pag luluto okay?

.....

Tatlong araw na akong nag-aaral mag luto pero wala paring pagbabagong nangyayari. Kung hindi sunog kadalasan naman ay hilaw pa ang naluluto ko.

Kaya para hindi masayang, kinakain ko na lang.

Today is April 4, Wednesday Afternoon.

Pang-apat ko ng araw dito sa Mansion at Pang-apat na araw na rin akong naka steady sa pa priprito ng hotdog. May improvement naman na nangyare at ang magandang balita Tama lang raw ang pagkakaluto, puri saakin ni Manang Lupe.

At dahil masaya ako sa kinalabasan, inako kunang ako na ang mag gogrocery dahil na out of stock kami lalo pa't simula ng bumalik ako sa Pinas ay Hindi ako nakapagrocery para sa Mansyon.

 The Consequences of Loving Lucifer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon