Allie's POV
Today is January 16. My birthday at siyempre pag may birthday, ibig sabihin kainlangan mong magblow out sa mga katrabaho mo kung hindi mas uulanin na naman ako ng tsismis. Haist.
"Miss Allie!"
Tiningnan ko ang tumawag sa akin. Ganun na lang ang effort na ginawa ko sa pagpigil na maglaway. Panu ba naman ang tumawag lang naman sa pangalan ko ay si Khiel Drew Weisz. Kasamahan ko siya sa trabaho. Isa sa mga best I.T technologist namin at pinakagwapo sa opisina. Akala ko nga nung una ay artisat ito sa ibang bansa. Ang gwapo gwapo kasi niya. Matangkad rin siya parang NBA player ang height at maganda rin ang pangangatawan.
"Miss Allie?"
"H-Huh....ahh bakit yun Khiel?"
Ano ba yan! Nakakahiya!! Mukhang ang tagal ko atang natulala sa lalaking ito!!
"Sabi nila boss Jhon birthday niyo raw ngayon! Happy birthday miss!" then he smiled.
My gosh!! mas bagay sa kanyang maging commercial model ng close up kaysa maging I.T technologist namin.
"Ah eh salamat...sige mauna na ako sayo baka malate pa ako mayang hapon." Pagkatapos kong sabihin iyon ay dali dali akong umalis sa harap niya.
Ewan ko ba baka kasi mas lalo akong mawindang pagtumagal pa ako dun.
Mahilig pa naman ako sa lalake. Hep,Heppp!!!!! I mean mahilig lang akong mag fantasize about men hindi lumandi ahh...Hindi ganunang aking personality!!!
Habang umaandar ang multicab na sinasakyan ko papuntang mall ay hindi ko mapigilan ang isipin ang king naging nakaraan at ang ngayon ko. 28 na ako, dati ang sabi ko pagdating ko ng 25 may pamilya na dapat ako at mga anak ngunit hanggang ngayon maski boyfriend ay wala ako.
I sighed kung hindi lang talaga nangyari YUN ehde sana may asawa at baka sana may mga anak na rin ako.
"Manang paabot ng bayad"
Naglaki naman ang butas ng ilong ko sa estudyanteng nagpapaabot ng bayad. Manang!!!! Ako MANANG!!!!! Excuse me 28 pa lang ako noh!! Di porket naka eyeglasses ako at nakapang office attire ako ay manang na ang pwedeng itawag sa akin!!!!!
"Ale!! Ito rin po paabot" sabi pa ng isang lola na kakasakay lang.
Ano ba yan!!! Mukha ba talaga akong manang?!!! PASTILLAN!!! Bakit ko ba kasi naisipang umupo malapit sa driver!!!!
Khiel's POV
Haist! Nakakainis bat ba mukhang natakot na naman sa akin si Allie? Gwapo na man ako Ahh. Maayos naman ang pagkausap ko sa kanya kanina? Hindi kaya dahil miss ang tawag ko sa kanya imbes na ma'am? pero 2 years ko na namang ng ginagamit na pantawag yun sa kanya ahh? Haist....
![](https://img.wattpad.com/cover/39208680-288-k962517.jpg)
BINABASA MO ANG
Sexy love
Chick-LitWhat if one day you woke up and realize that you're no longer a virgin and found out that the handsome hunk beside you is 3 years younger than you? Pastillan!!! pwede bang irewind na lang ang oras?!!!!