Diary Entry #2
January 19‚ 2020
7:32pmGood evening‚ my dearest diary! Mag-iisang taon na ata kitang hindi nabubuksan‚ nawala rin kasi sa isip ko na may travel diary pala ako. Ay sabagay‚ kanina lang naman ’yong first flight ko dahil katatapos ko lang magtraining last week. Ganap na flight attendant na ako ng Philippine Airlines‚ Vailen!
Oo‚ may pangalan ka na. You’re Vailen‚ my travel diary. Ang cute‚ ’di ba? That’s from the Middle English word Travailen kung saan nakuha ang word na travel. Pinag-isipan ko talaga ng mabuti ’to dahil you’re gonna be an important diary to me.
So kanina nga‚ first flight ko‚ guess what? May nakausap ako kanina at talagang napaisip ako bago sumakay sa airplane.
“First flight mo? I’m Ashlei‚ by the way‚” pagpapakilala ng babae sa tabi kong kakarating lang.
“Hi‚ Ishi! I’m Samantha and yes‚ saka kinakabahan ako‚” sagot ko at nginitian siya. She’s not new‚ hindi ko naman siya nakita sa training.
“Ay‚ don’t worry‚ I’ll guide you naman once na nasa same flight tayo. But if hindi‚ isipin mo lang na lahat ng flight attendant na kasama mo during that time ay dinaanan din ng sangkatutak na kaba sa first flight nila‚” sagot niya at nagthumbs up sa akin.
“Ilang taon ka na rito?” biglaang pagtatanong ko kasi sa pananalita niya‚ halatang sanay na sanay na siya.
“Two years na sa March‚” sagot niya kaya napatango ako. Matagal-tagal na rin pala siya. “Anong flight number mo pala?”
“Twentieth‚” sagot ko’t tumingin sa flight list na hawak ko.
“Sa Surigao? Wow‚ malayo agad‚ ah? You did a year training?” pagtatanong niya kaya tumingin ako sa kaniya.
“Paano mo nalaman?” pagtatanong ko na ikinatawa niya.
“Their trainers train people longer than average kung makikitaan ka nila ng potential to handle international flights. As of now‚ only few of us got the chance to train a year. Sa iba naman kasi‚ hindi inaabot ng anim na buwan dahil nagtraining naman na raw sila sa Aviation School na pinasukan nila‚” pagsagot niya kaya napaisip ako.
How can they see my potential and I can’t?
Dahil sa sinabi ni Ashlei‚ hindi tuloy ako nakapagfocus ng maayos at sa kamalas-malasan‚ naka-encounter pa ako ng sobrang nakakaasar na tipo ng tao.
“Can’t you move little faster? My son’s hungry!” pagsigaw sa akin ng babae habang hinahawakan ang kamay ng isang spoiled brat na tinapon lang ’yong unang hot choco na sinerve ko. Kanina pa ako nagtitimpi sa kanilang dalawa‚ sa totoo lang. Kung hindi lang ako kinakausap ni Ate Rebecca sa likod‚ papatulan ko talaga sila.
“I’m sorry‚ ma’am‚ here is your son’s hot choco and this is you coffee with one sugar in it‚” ani ko at maingat na inilapag ang mga sinabi kong inumin sa food tray nila.
“Hindi na ’to malamig. Palitan mo ’to‚” sagot ng babae kaya napapikit ako ng marahan.
“It reached its boiling point just a few minutes ago‚ ma’am‚ that’s impossible to cool down that fast‚” nakangiting sagot ko at tiningnan ang button na nasa taas nila.
“Just press the button if you need anything‚ have a good time‚” pagtatapos ko ng conversation namin at pilit na hinihiling na hindi na nila pindutin ’yon but I failed.
Hindi lang ganoon ’yong mga kaartehan nilang mag-ina‚ ilang beses ding umiyak ’yong spoiled brat while on board at minsan pa’t sinisisi kami kahit wala naman kaming ginagawa sa anak niya.
That’s all‚ Vailen‚ if anything important happened in my work‚ asahan mong ikaw ang unang makakaalam no’n.
sincerely yours‚
Samantha Clarielle‚
ang babaeng
kanina pa naaasar.***
Natawa ako sa nabasa ko‚ sinong kagaya niya bang kayang i-risk ’yong trabaho niya dahil naasar siya sa isang tao?
Siguro‚ mayaman siya.
Imbis na isipin ko kung mayaman ba siya o hindi‚ itutuloy ko na lang ang pagp-practice ko. Kailangan kong galingan – kailangan naming galingan at ibigay ang best namin sa bawat performance na gagawin namin dahil mahal namin ’tong ginagawa namin at deserve ng A’Tin ng ganoong performance.
Alam kong mali pero‚ “See you later‚ Vailen.”
BINABASA MO ANG
Flying Without Wings ¦ SB19 Josh
Fanfiction❮ DIARY SERIES #1 ❯ ╴╴╴ ❝ I've been all through the country‚ I don't know that your heart is where I'll permanently be. ❞ ╴╴╴ started: January 07, 2023 finished: January 12, 2023