ten︱narration

8 2 0
                                    

   2:30pm

   Ilang beses na akong tumingin sa orasan ko rito sa kwarto‚ ang tagal mag-3!

   Atat na atat na akong makita si Vailen‚ at singhalan ’yong nakakuha sa kaniya. Bakit ngayon niya lang ibabalik? Almost 2 weeks na kaya simula no’ng hinanap namin nila ate Hannah ’yon.

“Ano? May hawak no’ng diary mo ’yong doon sa na-wrong sent ka?” pagtatanong ni ate Hannah sa akin.

“Opo. Hindi ko alam kung paanong hindi niya pa binalik‚ ang dami-dami ko kayang isusulat kay Vailen‚” sagot ko sa kanila. Sinabi ko kasi kay ate Hannah na maibabalik na ’yong diary ko‚ hindi ko alam kung paano niya nahila sila ate Yazmin at Ishi papunta rito.

“What if destiny?” pagtatanong ni Ishi. Bukod sa digital artist siya‚ hopeless romantic din siya kaya naniniwala siya sa destiny na ’yan.

“Oo nga! Grabe ka na‚ Sam‚ hindi ko naman alam na may kaibigan akong mala-wattpad ang buhay‚” sambit ni ate Yazmin kaya napatingin ako sa kaniya‚ kaming tatlo pala. “Oh‚ bakit?”

“Kaibigan? Ako po?” paniniguro ko na ikinatawa niya.

“Oo nga‚ pati si Ishi! Pag-aaksayahan ko ba kayo ng oras kung hindi?” masungit na pagtatanong niya pero walang talab sa akin ’yon. Bff na kami ni ate Yazmin! Ano kayo ngayon?

   Bigla namang tumawa si ate Hannah na nasa gilid ko‚ “Mamaya na kayo mag-celebrate diyan. Tingnan mo ang oras‚ Sam‚” sambit niya kaya agad akong napatingin.

   2:43pm

   Hala! Pupunta na ba ako? Med’yo mahaba-habang lakaran din ’to lalo na’t nasa tabi ng SBT building ang pinagtutuluyan namin.

“Alis na. Good luck‚ Sam! Balitaan mo kami‚ ah?” sabi sa akin ni Ishi na masiglang kumaway pa.

“Dito muna kami‚ ang sarap ng atmosphere dito‚” dagdag ni ate Yazmin kaya tinanguan ko sila.

   Padagdag na ng padagdag ang mga kaibigan ko!

***

   2:58 pm na ako nakarating sa rooftop. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung papasok ba ako or ano.

   Pero pumasok na rin naman agad ako dahil si Vailen ang usapan dito. Pagpasok ko ay napansin ko ang lalaking nakatayo sa gilid. Kinabahan ako bigla‚ sa buhok niya pa lang na violet‚ alam na alam kong si Sir Josh ’yan. Paano na? Imposibleng hindi niya ako makita rito‚ e labag nga sa contract namin ’yong pagpapakita sa kanilang lima hangga’t hindi natatapos ang kickoff tour nila.

   Dali-dali kong kinuha ang phone ko para sana i-text ’yong taong may hawak ng diary ko na next time na lang pero napadako naman ang tingin ko sa hawak niya.

   Pink notebook‚ si Vailen kaya ’yon?!

   Ano? Paano napunta sa kaniya ’yon?

   Binasa niya kaya? Anong ginawa niya sa diary ko habang hawak niya? Malamang binasa nga.

   Nakapagdesisyon na akong umalis na lang habang hindi pa niya ako nakikita at magt-text na lang ako na sa susunod na lang pero bago pa man ako makalabas ng rooftop ay tinawag na niya ako.

“Samantha?” Patay na nga.

   Ayaw ko pang mawalan ng trabaho!

“P-po?” pagtatanong ko nang hindi siya hinaharap.

“Ikaw ’yon? ’Yong may-ari ng diary?” paniniguro niya na naging dahilan para harapin ko siya. Nasa kaniya nga si Vailen!

“O-opo‚ salamat po sa pagsauli ng diary ko‚” sagot ko agad at akmang kukuhain na ang diary pero iniiwas niya sa akin.

   Ano ba! Bakit ganito?

“Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit nakuha ko ’to?” pagtatanong niya na mukhang hinahamon ako.

   Ngumiti ako ng matamis bago nagsalita‚ “Hindi na po‚ ang mahalaga po ay ibabalik mo na po.”

“Come with me para makuha mo ’tong diary mo‚” sambit niya at tuluyang lumabas ng rooftop.

   Pakshet. Naaasar ako.

   Pero paano nga ba napunta sa kaniya ’yon? Naghintay lang ako ng ilan pang segundo para lumabas at masundan siya. Ang sabi ko nga sa sarili ko‚ gagawin ko ang lahat para makuha ko si Vailen. Sigurado naman akong ang last page niyan ay tungkol sa pagtatanggal nila sa akin sa trabaho‚ bakit hindi ko paagahin?

   P’wede naman‚ ’di ba?

   Sa pagsunod ko sa kaniya ay namalayan ko na lang na tinitingnan siyang sumakay sa kotse niya na kalaunan ay sinakyan ko rin. Ano ba ’tong ginagawa ko? Tama pa ba?

“Tinted ’yan kaya hindi ka nila makikita. Hindi ka pa mawawalan ng trabaho‚ trust me‚” sambit ni Sir Josh kaya napatingin ako sa kaniya.

“Bakit mo po ba ginagawa ’to? P’wede mo naman pong ibigay na lang sa akin ’yong diary ko para matapos na po‚” ani ko na ikinatahimik niya. Ay‚ sorry.

“Let’s just say na I want to get to know you‚” pagsagot niya na lalong nagpagulo sa isip ko.

“What? I mean‚ why?”

“Stop asking‚ hindi ako makakapagdrive ng maayos kung tanong ka nang tanong‚” masungit na tanong niya kaya napatingin na lang ako sa labas.

   Kung siya ’yong nakakuha‚ ibig sabihin ay number niya ’yon?! Personal number niya kaya ’yon?

***

   Mag-iisang oras na ang nakalipas nang maramdaman kong huminto ang kotse sa labas ng isang minimalist coffee shop. Tiningnan ko si Sir Josh para malaman kung seryoso pa ba siya sa ginagawa niya pero hindi na ako nagkaroon ng chance dahil nakatingin lang din siya sa akin.

   Pakshet naman.

“Let’s have a coffee‚ I’ll tell you exactly why I have this‚” he said‚ smiling‚ kaya wala akong nagawa kundi ang tumango kahit na alam kong delikado ang trabaho ko rito.

   Makita lang nila ako na kasama si Sir Josh‚ malamang kakalat na sa buong bansa ’yon at imposibleng hindi malaman sa SBT ’yon.

   Ayaw ko no’n.

   Pero‚ “Sige po‚ Sir. Para makuha ko na ang diary ko.”

Flying Without Wings ¦ SB19 JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon