special chapter
Napangiti ako nang makita ko ang mukha ni Josh sa phone. Another tv guesting na naman para sa kanila‚ sinong hindi magiging proud?
Tahimik kong tinahak ang kinaroroonan ni Sofia at habang nakatutok ang mga mata ko sa cellphone ko. Pinanonood ko kasi ’yong live streaming ng It’s Showtime‚ nandoon sila eh.
“Anong plano‚ babaita? Kumain ka na ba?” bungad na pagtatanong niya sa akin.
“Uso sumagot‚ Clari‚” pagsasalita niya sa gilid ko.
Thanks to all my friends and families!~
Ang galing-galing niya talaga.
“SAMANTHA CLARIELLE FERRER!” Naalis ang tingin ko sa cellphone ko nang sumigaw si Sofia.
“Bakit ka sumisigaw? Inaano kita?” pagtatanong ko‚ wala naman akong ginawa ah.
“Una sa lahat‚ hindi ako sumigaw. Ang oa talaga ng tenga mo kahit kailan‚ ’no? Saka itanong mo kaya sa sarili mo kung bakit feeling mo sinisigawan na naman kita‚” masungit na pagsagot niya kaya tiningnan ko siya ng masama.
“Wala naman akong ginagawa‚” pagsagot ko kasi totoo naman! Wala naman talaga.
“Ay‚ true ka riyan‚ bes! Pati nga pagpansin sa akin hindi mo ginagawa‚” sarcastic niyang sagot kaya napasimangot ako. “Anong sinisima-simangot mo?”
“Pinapanood ko kasi sila Josh!” pagdedepensa ko sa sarili ko na tinawanan niya.
“Halos araw-araw naman kayong nagkikita. Eh tayong tatlo? Ilang buwan na namang hindi nagkita-kita‚” sagot niya kaya napaisip ako.
Anong tatlo? Dadalawa lang kami ah!
“Nakauwi na si Ate Ashlei?” pagtatanong ko na tinanguan niya lang. “Bakit hindi mo sinabi agad? Nasaan siya?”
“Kanina ko pa talaga sinasabi sa ’yo‚ ’di ka lang nakikinig‚” sagot niya at pabirong inirapan ako.
“Nasaan nga siya?”
“Atat ka‚ ’te? Pahiram akong susi‚ pupuntahan natin siya‚” pagsagot niya kaya walang pag-aatubili kong iniabot sa kaniya ang ang susi ng kotse ko.
***
Tumigil ang sasakyan namin sa parking lot ng isang five star restaurant.
“Nandito siya?” paniniguro ko kay Sofia pero mukhang may period talaga siya dahil kanina niya pa ako sinusungitan.
“Ano bang sabi ko kanina? Pupuntahan natin siya‚ ’di ba? Kung wala pala siya rito‚ bakit nandito tayo?” pamimilosopo niya. See?
“Ang sungit-sungit mo! Nagtatanong lang ako‚” sambit ko pero isa na namang kasungitan ang natanggap ko.
“Pang-ewan ’yang tanong mo‚” sagot niya bago ako iwan sa loob ng kotse.
Lord‚ bigyan niyo pa po ako ng maraming-maraming pasensya.
Hindi pa kami nakakapasok ay nakita ko na agad ang figure ng body ni Ate Ashlei. Kahit ilang buwan siyang nandoon sa USA dahil nandoon ang kaniyang fiancé‚ kilalang-kilala ko pa rin ’yong body figure niya.
“I missed the two of you!” pagsalubong sa amin ni Ate Ashlei nang puntahan namin siya sa table niya. “Have a seat‚” pagdadagdag niya sa sinabi niya.
“Kami rin‚ ’te‚” sagot ko at umupo na dahil ayaw kong mangalay.
“Spokening dollars ka na rin‚ ’te? H’wag namang gano’n‚ halos magkabuhol-buhol na ’yong utak namin sa kakaintindi kay kuya Markian no’ng nagpropose siya tapos pati ikaw?” mahabang litanya ni Sofia na ikinatawa naming tatlo.
Confirmed‚ may dalaw nga.
“Girls‚ anong magandang wedding theme?” paninimula niya kaya napatingin kaming dalawa kay ate Ashlei.
“Ikakasal na agad kayo?”
“Akala ko next year?” pagtatanong naming dalawa ni Sofia sa kaniya.Sabi niya‚ next year pa talaga.
“Well‚ gusto na kasi nila mommy and the thought na we’re sure of each other naman na‚ bakit hindi na lang namin padaliin ang kasal tutal doon din naman kami dadating?” pagsagot niya kaya tumango na lang ako. Wala naman akong magagawa‚ mukhang wedding theme na lang naman ang kulang nila.
“Uhm‚ something like connected sa fortune cookie?” Sofia answered out of nowhere and smiled at me.
What?
“Ay‚ speaking of fortune cookie. This is for the two of you!” pagsasalita ni ate Ashlei at ipinakita sa amin ang fortune cookie na korteng puso.
Hanggang ngayon pala ay naniniwala pa rin sila sa ganito.
“Akin ’to?” pagtatanong ni Sofia sa kaniya nang bigyan siya nito. Hindi na nagsalita si ate Ashlei at tinanguan na lang si Sofia. Iniabot naman na ni ate Ashlei ang fortune cookie na para sa akin pero imbes na sabayan si Sofia na kumain ay pinanood ko siya.
“Try mo‚ Sam. Masarap‚” sambit ni Sofia at binasa ang papel na nakapaloob sa cookie.
“The right ones will never leave you but if they did‚ they’ll always come back‚” pagbasa niya bago tumango-tango bago tuluyang nagsalita‚ “Correct naman. Look at you‚ ate Ashlei‚ you’re always coming back to us and you‚ Sam‚ you never left me alone.”
Sasagot pa sana ako pero sinenyasan ako ni ate Ashlei na kainin na ’yong sa akin kaya ginawa ko. Hindi nagtagal ay may nakuha na rin akong papel dito kaya dali-dali ko itong binuksan at binasa.
“Will you be my girlfriend?” pagbabasa ko sa papel na ’yon kaya napatingin ako kay ate Ashlei. “Ano raw‚ ’te?”
Imbis na sagutin ako ay natawa silang dalawa sa akin.
Anong nakakatawa roon?
“Ano raw ’yon?” pag-uulit ni Sofia sa tinatanong ko bago siya magpeke ng ubo.
“Will you be my girlfriend‚ Samantha?” Napatigil ako sa boses na narinig ko. Kilala ko ’yong boses na ’yon‚ kilalang-kilala.
“Josh!” pagtawag ko sa kaniya na ikinatawa niya. “Bakit nandito ka? Nasa set ka ng Showtime‚ ’di ba?”
Lalo naman siyang natawa‚ “Spaced out na spaced out ka ata buong biyahe niyo?” at nagtanong sa akin.
Bakit? Matagal ba kaming nagbiyahe?
“So‚ Sam‚ what do you think?” pagtatanong niya sa akin.
Napangiti ako‚ sino ba namang tatanggi sa isang Josh Cullen Santos? “Of course‚ yes!”
BINABASA MO ANG
Flying Without Wings ¦ SB19 Josh
Fanfiction❮ DIARY SERIES #1 ❯ ╴╴╴ ❝ I've been all through the country‚ I don't know that your heart is where I'll permanently be. ❞ ╴╴╴ started: January 07, 2023 finished: January 12, 2023