𝐏𝐑𝐎𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄

131 28 0
                                    

Chandelier's pov:

"Buksan mo na anak, dali!!!" Pagpupumilit sa'kin ni mama habang niyuyogyog ang balikat ko na para bang nawalan ako ng malay. Ma, kalma!

I'm currently sitting along with my mom and dad sa harap ng laptop ko sa dining table. We're waiting sa result kung sino ang napiling scholar ng school na papasukan ko.

Nag entrance-exam kasi ako for scholarship due to lack of budget. My parents couldn't afford college so...i have to make my own move and scholarship is the only ticket to graduate college. Besides, ayoko naring maging pabigat sa parents ko, they're spoiling me too much even tho pagod na pagod na sila sa kakatrabaho para lang maibibay ang mga pangangailangan ko.

My dad works at a factory na malapit lang sa'min while my mom, she's an online seller.

Maliit man ang kita, never naman nag-kulang sakin ang mga magulang ko, lalo na sa pagmamahal at time kahit pa gahol na sila sa oras kaka-kayod sa trabaho.

But my parents were getting older, i don't want them to work for my needs and wants anymore. At saka, tumatanda narin naman ako, it's time for me to stand on my own feets without my parents support.

Oras na para tumayo ako gamit ang sarili kong mga paa ng walang alalay ng aking ama't ina.

"Eto na nga po! Wait lang! Ang hina kaya ng net!" Usal ko sa mama kong atat habang kinakalikot ang laptop. Ma hindi naman tatakbo yo'ng laptop ko.                                                   

The email, na isenend sa'kin ng school started to load after ko itong pindutin. My heartbeat increases along with the percentage of the loading line, panigurado ako na gano'n rin ang nararamdaman nila mama at papa.

"This is it, the moment of truth" i sarcastically said sa dalawa kong katabi na kanina pa nagdarasal.

Bumungad sa'kin ang greetings from the school, "Hello Chandelier, this is the result of the scholarship entrance-exam."
Inis-scroll ko pa ang message pababa at patuloy na nagbasa hanggang tumambad sa'kin ang salitang, "Congratulations!!! You are the chosen one among 208 examinees."

Nanlaki ang mga singkit kong mata sa aking nabasa, hindi ko narin napigilan ang pagtulo ng aking mga luha.

"Ma, Pa, A-ako po ang napili!" I happily said kahit pa mala waterfalls na ang luha ko. Both of my parents hugged me and cried along with me. "Congratulations anak! Proud kami sa'yo ng mama mo" mangiyak-ngiyak na sabi sa'kin ni papa. It's my first time seeing him cry, he cries like a baby.

Alam kong tears of joy ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko pero bakit biglang napalitan ng lungkot ang saya na nararamdaman ko?

Maybe my heart realized that i may have the scholarship i want, pero malalayo naman ako sa dalawang pinakamamahal ko sa buhay ko. Much more, saan ako titira pag lumuwas ako sa maynila??

ANG BAHAY AMPUNAN NI ALENG CARMILITAWhere stories live. Discover now