CHAPTER 03

17 8 0
                                        

"Let's eat, mommy. Alam naming gutom ka na po." Ani ni Matthew habang pagpasok ko ng dinning area. Pinaghila niya ako ng upuan habang si Mattheus naman ay nakaupo na. 

"Salamat, Matthew." Sabi ko sa kaniya at naupo. 

Nangiangat ko ang tingin sa kanila ay napansin kong parehas silang natigilan. 

Eh? Anong meron? 

"B-bakit?" Tanong ko sabay ngumiti sa kanila. 

Sumagot si Matthew, "How do you know...you--you recognized me." Hindi makapaniwalang sambit niya sabay tinignan si Mattheus na katabi niya. 

"That's odd. Everyone always mistaken that I am Matthew and he is Mattheus." Kwento naman ni Mattheus. "But you, mom, you recognized Matthew that easy." Dagdag pa nito. 

Tumango-tango naman si Matthew sakin at hatalang amazed pa din. 

Sinandukan ko sila ng kanin pati na din ang plato ko. "Huh? Syempre alam kong siya si Matthew at ikaw si Mattheus. Kahit kambal kayo, at magkamukhang-magkamukha kayo, may pinagkaiba din kayo 'no." Sabi ko sa kanila at nilagyan ang pinggan nila ng bacon at egg. Syempre, pati saakin. Gutom na din ako 'no. Kagabi pa ako walang kain. Grabe tapos bacon at egg lang ang pagkain dito? 

"Bakit si--" Hala! Hindi ko alam ang pangalan niya! "--daddy niyo ba, nalilito sa inyo?" Pagpapatuloy ko na lang. 

Huhuhu, mahirap na magkamali. Baka kung anong masabi ko mamaya bigla akong barilin ng tatay ng mga 'to. 

"If you do something or say something that made our engagement exposed, I will kill you. Understand?" 

Hays! 

"We don't know..." Si Matthew ang sumagot. "Dad barely talk to us. You know, he's always outside. He always work late." Kaswal na kwento nito. 

"He rarely go home, mommy. But thank God, you're here. May makakasama na kami everyday, right, Matthew?" Masayang sambit ni Mattheus.

Tumango lang naman ang kapatid niya at pumikit. 

Magp-pray ata ito. Nakita kong gumaya si Mattheus kaya gumaya na din ako. Pumikit ako at pinaglapat ang palad ko. 

Tama 'yan boys. Pagpray niyo ang tatay niyo. 

"Uhm, uy, 'di ba may amnesia pa ko, pwede ko ba malaman ang pangalan ng tatay niyo?" Nakakahiya man tinanong ko na sa kanila. Kasi naman hindi ko pa alam ang pangalan niya. Kapag siya pa ang tinanong ko baka barilin ako.

"Reden Silas Sanchez. That's his name. I am Mattheus Laster and his full name is Matthew Sin." Si Mattheus ang sumagot habang gumagawa ng mataas na building gamit ang lego. 

Reden Silas Sanchez. 

Tumango-tango ako habang nakikilaro na lang din sa kanila. Pansin ko lang, si Mattheus lang palaging sumasagot at nagke-kwento sakin. Si Matthew lowkey lang. Pacold person naman 'tong bata na ito, manang-mana sa pinagmanahan. Napakadalang sumagot. 

Hindi ko malaman sa batang ito, kapag nagkakatinginan kami umiiwas agad ng tingin. Parang may gusto siyang sabihin na ewan. 

Buti pa si Mattheus. 

Hapon na pero wala kaming ginawang tatlo kundi maglaro ng lego. Kung hindi maglaro ay mag drawing, silang dalawa. Wala akong talent diyan. Si Matthew, nagtimpla ng juice niya. Sabi ko ako na, ayaw pumayag. Edi don't 'di ba. 

Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kay Auntie. Sa Café. Lalo na sa naiwan kong sweldo. Huhuhu. Sayang pa din 'yon. Isang linggong dugo't pawis ko din ang nilaan ko 'don. 

Subdued and Tamed (Le Foncé Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon