CHAPTER 12

6 0 0
                                        

Wow!  Ang gara naman dito! Ang taas ng chandelier at ang dami pa! May second at third floor pa! Tapos ang lawak din ng lugar. Mas malaki ito sa bahay ni Reden! Grabe, kung ako ang naglilinis dito hindi siguro ako tatagal ng isang linggo.  Ang laki eh, pati kasu-kasuan ko susuko dito eh.

"Ang ganda dito, Reden. Ano bang meron dito? Birthdayan ba?" tanong ko sa lalaking katabi ko na kanina pa tahimik sumula nang pumasok kami.

Inilibot ko ang paningin ko sa lugar. Medyo madami na ding mga bisita at mukhang mayayaman! Ang gaganda ng mga suot eh.

"Yeah."

"Edi pwede tayong mag-Sharon mamaya?" tanong ko at lumingon sa kaniya.

Kumunot ang noo niya, "Sharon?"

Tumango ako, "Oo, Sharon. Balutin mo ako~ Magbabalot mamaya ng mga pagkain pag-uuwi na. Paano mo ba magegets? Hmm. Take-out! Magt-take out ng mga Shanghai!--"

"Shh. I got it. I got it. Lower down your voice. This is a formal occasion, Adrianne. Walang nagt-take out dito. " paliwanag niya.

Napasimangot ako dahil sa sinabi niya, "Ay ganon. Sayang naman." akala ko naman may pasalubong kami para sa dalawang bata. Ganun kami sa probinsya kapag may birthdayan sa kapitbahay o sa kabilang baryo eh, nags-Sharon para may ulam na hanggang gabi.

Kawawa naman kasi sila, naiwan sila sa bahay. Siguradong naga-attitude na naman si Eos don. Hays.

"Zup, Sanchez! 'Wag kang masyadong kabahan. Always remember, nandito lang ako." umakbay ito kay Reden at kumindat. "Hi, miss beautiful. " bati niya sabay ngumiti saakin. Tumango lang ako at ngumiti din pabalik.

"Laurente, take off your arm, or I'll do it for you.."

"Relax, man. Pinapatawa lang kita eh. Nga pala, ikaw ang magiging watcher ngayon--"

"Alright. Umalis ka na."

"Pangatlo ka na, Sanchez ha. Bakit ba ang susungit niyo ngayon ha?! Kainis. Makalayas na nga." Inis itong kumamot sa ulo sabay bumaling saakin at ngumiti ulit. "Bye, miss beautiful." paalam niya sabay umalis.

"Don't mind him." sabi ni Reden.

"Sige. Sabi mo eh." kaswal na sagot ko at nilibot ulit ang paningin sa loob ng mansyon.

Dumadami na ang mga bisita. Kaya bang panoorin lagat ito ni Reden? Watcher daw eh. Siguro kaya niya ako sinama dito para maging watcher din kasama niya.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at iniharap sa kaniya. "Adrianne, the reason why I brought you here is for you to know me better. And... I want to make it up with you for what I did in the past." sabi niya at umiwas ng tingin. Kapag binabanggit niya mismo ang pangalan ko, parang naninibago ako na hindi ko maexplain yung feeling.

Ngumiti ako sa kaniya. "Wala na yun. Past is past na. Medyo makulit ka din no?"

Umiling ito ng bahagya, "Listen very carefully, Adrianne. I can't say everything to you this instant, but I ask that you trust me no matter what. Just me." seryosong saad niya kaya naman napatango ako ng maraming beses.

"Sige, huwag kang mag-alala. Gagalingan ko maging watcher kagaya mo." Sus. Nasakal na niya ako't lahat-lahat, nahiya pa siyang magkwento tungkol sa pagw-watcher niya. 

"What?" 

Sasagot na sana ulit ako kaso may lalaking umakyat na sa stage at kinuha ang mic. 

"Good evening, everyone! Thank you for attending Mr.  Liam Villegas fiftieth birthday. Happy birthday, sir. Everyone, take your seat, please." napalingon ang lahat sa nagsalita sa stage.

Subdued and Tamed (Le Foncé Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon