Lumipas ang ilang araw na gano'n pa rin ang set-up namin sa bahay. Araw-araw hinahatid ko ang kambal sa school nila bago ako pumasok sa school ko. Si Eos parang nakainom palagi ng enervon sa sobrang hyper, si Matt naman minsan tahimik minsan nakikikulitan din. Weird talaga 'tong dalawang 'to. Manang-mana sa tatay nila. Speaking of tatay, gabi na nga lang kami nagkikita pero mukhang badtrip naman siya nitong mga nakaraan, hindi ako makabuwelo baka bigla akong barilin eh.
Tapos kapag nauwi siya, maliligo agad siya. Minsan lalabas siya ng kwarto at sa study room niya siya mag s-stay. Busy-busy-han ba.
"Oh, sige na bumaba na kayo." sambit ko sa kanila at hinawakan ang kamay nila para alalayan sila sa pagbaba. Sinukbit ko din ang bag sa likod nilang dalawa.
"Mom, do I look good?" tanong ni Eos sakin. Tumungo naman ako para tignan siya at tumango.
Nginitian ko siya, "Oo naman, ang gwapo gwapo mo kaya!" puri ko sa kaniya.
Nag pout ito, "Handsome than Matt?" tanong n'ya muli.
Mahinang pinisil ko ang pisngi niya, "Sus. Parehas kayong gwapo 'no! Kambal kaya kayo." sagot ko sa kaniya. Ayaw ko namang sabihing oo, mas gwapo siya, edi nagtampo naman si Matt. Tsaka isa pa, kambal sila.
"You're crazy, Mattheus." napapailing na sabi ni Matt sa kaniya.
"Stop crying for God's sake, Eurelle! Pumasok ka na ng room mo!" napalingon kami sa babaeng nakapameywang at sinisigawan ang anak niyang umiiyak, mukhang ayaw pumasok. "I told you, you need to study well, okay?" dagdag pa nito.
Hindi lang ako pero marami rin kasing mga tao sa labas ng school na nakakakita sa kanila.
"Probably because she got B from the other day and her mom doesn't like it. Eurelle, she was sick yesterday, right?" napalingon ako sa sinabi ni Matt at binalik ang tingin sa mag-ina.
"Yup." sagot ni Eos sa kapatid.
Nakakuha ng B? Anong gusto niya A? A+? Nakakaawa naman 'yong bata. Ke-bata-bata palang pine-pressure na ng magulang sa pag-aaral. Hindi tuloy niya ma-enjoy ang childhood niya. Napailing na lang ako at nagsimulang maglakad papalapit sa mag-ina.
"Excuse me hehe, mukhang masama ang pakiramdam ng anak mo. May clinic naman ata sa loob--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita niya ito agad.
"And who are you?" mataray na tanong nito.
"Mommy ako nila Matthew at Mattheus--"
"Oh, so you're the mother of those troublemakers, well, I don't effin' care as long as my Eurelle won't be bothered by your kids. And please, wag kang makielam. Ako ang nanay--"
"Wala naman akong pakielam sa'yo bilang nanay ni Eurelle, ang saakin lang, mukhang hindi maganda ang pakiramdam niya kaya siya iyak ng iyak." putol ko sa sinasabi niya at humarap kay Eurelle na umiiyak pa din at pinupunasan ang kaniyang mga mata. Naupo ako ng kasing lebel niya at dinampi ang palad ko sa noo niya. "Nilalagnat ka nga." usal ko at tumingin sa nanay niya na mukhang nagtitimpi sa gilid ko.
"Let's go to clinic! Ugh, this is so frustrating!" Bigla niyang kinuha ang kamay ng anak niya at padabog na pumasok ng school.
Unti-unti ako tumayo at hinabol ng tingin ang mag-ina. Lumingon din ako sa mga tao sa paligid, nakita ko silang tumatango-tango habang ang iba naman ay napapailing dahil sa inasal ng nanay. Hindi naman kasi talaga tama 'yon. Dapat isipin din niya ang kalusugan ng anak niya. Hays.
"You're cool." sambit ni Matt sa gilid ko habang tinatanaw din niya ang mag-ina.
"You're really the best mom." manghang sabi naman ni Eos.
BINABASA MO ANG
Subdued and Tamed (Le Foncé Series #1)
ActionReden Sanchez, a cold blooded man who owns multiple of bars and casino around the country. A man who struggles with controlling his rage and having constructive emotional expression, problems with expressing emotions in a calm and serious way. Ignor...
