CHAPTER 13

2 0 0
                                        

"Reden, bakit ba tayo nagtatago? Ano bang nangyayari? Sabihin mong naglalaro lang tayo ng taguan!" Sunod-sunod kong tanong sa lalaking katabi ko. Nandito kami ngayon sa isang storage room, naka-upo at nakayuko kami parehas sa likod ng pinto. 

Rinig na rinig ko ang mga mabibigat na yabag ng paa mula sa labas dahil sa mga taong nagtatakbuhan. May mga naririnig din akong mga pagsabog at mga putok ng baril kaya mas lalo akong kinakabahan. 

"Lower down your voice. If they caught us, we're dead." sabi niya at marahan na sumilip sa may pinto. 

Anong gusto niyang gawin ko? Mag-relax? Walang gawin? Tumawa sa mga nangyayari? Eh baliw pala talaga 'tong lalaking 'to eh! 

Napapikit ako nang makarinig ng malalakas na putok ng baril at pinatong ang magkabilang palad ko sa magkabilang tenga ko sabay napahiyaw ng mahina. Waaaaaah! Mamamatay na talaga ako! Kung alam ko lang talaga edi sana niramihan ko na 'yong kain kanina! 

Naramdaman kong may mainit na palad ang kumuha ng kaliwang kamay ko at hinawakan ko ng mahigpit. 

"Sinama kita dito, para mas makilala mo ko. I want you to know who I am." sabi niya at binigyan ako ng isang makahulugang tingin.

"Naguguluhan ako, Reden. Ano ka ba talaga? Sino ka ba talaga?" tanong ko sa kaniya. 

"I'm part of an underground organization, Adrianne. We kill people, I-i kill people and terminate others businesses. That is my real job. " sabay umiwas ito ng tingin. "This is the real me, Adrianne. I'm sorry." dagdag niya. 

Sandaling napatulala ako dahil sa mga sinabi niya. Ang dami kong gustong itanong sa kaniya. Kung alam ba 'to ng mga bata? Bakit gano'n ang trabaho niya? Ano 'yong underground na 'yon? Kaso napagdesisyunan ko na lang na huwag na muna itanong dahil baka ako pa ang mabaril niya kapag nagkataon. 

"Bakit ka nags-sorry? Tara na, tapusin mo na 'yang trabaho mo." tapik ko sa kamay niya.

Hindi ko din alam kung bakit ko nasabi 'yon. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon pero tsaka ko na itatanong ang lahat sa kaniya kapag nakauwi na kami. Kapag tapos na ang lahat ng ito. 

Tinignan niya ako ng may pagtatakha. Pero mas nanaig ang pagkagulat doon. "What? Hindi ka galit?" takhang tanong niya. 

"Huh? Bakit ako magagalit? Anak ba kita? Hindi naman. Buhay mo 'yan, labas na ko d'yan." Totoo naman eh. Hindi ko naman siya kaano-ano, so bakit pa ko mab-bothered 'di ba? 

Napailing na lang ito. Umiwas man ito pero kita ko ang pagngiti niya. "Crazy woman." mahinang sambit niya. 

Nasabihang baliw pa! "Ano na? Ano ba ang pwede kong gawin para matulungan ka? May extrang baril ka ba d'yan? Pahiram naman" sabi ko sa kaniya pero pinitik niya lang ang noo ko. Napa-'aray' ako at agad kong hinimas ang parte kung saan niya ako pinitik. Bwiset na 'to!

"Just stay behind me and watch my back. Hindi ka pwedeng humawak ng baril. Okay?" sabi niya at napailing na lang sabay humarap na sa may pinto tsaka sumilip ulit. "We're going to the 2nd basement." sambit niya.

"The only way to make it to the basement that fast is to take that elevator." turo niya sa elavator na nasa kabilang side. "But we're not going to use that." sabi niya. 

"Ha? Bakit? Sabi mo dapat---"

"It is not a wise decision to use an elevator in a circumstance like this. Something or someone can just come up. So, we're gonna use stairs." sabi niya at tinuro ang katabing pinto ng elevator. 

Bwisit na 'to. Tinuro-turo pa 'yong elevator, hindi naman pala 'yon ang gagamitin! 

"Sige, oo na lang. Tara na?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Subdued and Tamed (Le Foncé Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon