♠ [TGC] 4

174 8 0
                                    

[DESIREE]

Kung alam ko lang talaga na sa crush nilang dalawa kami pupunta edi sana hindi na ko sumama. Tapos matatapos ang sabado ko ng puro kwento tungkol sa crush nila ang topic. Dalawang oras na din yun.

Next time nga mag-iisip muna ko.

"Ate Irene ang wafuu kaya nilang magpinsan tapos ang ganda pa ng boses."

"Yung tipong para ka ng nasa heaven?"

"Oh my G talaga Ate Cha."

"Sana si L ang maging future husband ko."

"Akin si K my Loves."

"I wish to be his queen forever."

"What are you saying Ruth? Walang forever."

"Kami ni K may forever."

"Kami ni L may Happily Ever After."

"Sa mga kwento lang yun."

Salita pa sila ng salita kaso di ko na pinapakinggan. Limang beses na kasi silang ulit-ulit. Tapos yung accent nila? NO COMMENT.

Tinatanong nyo kung nasan kami? Eto kami sa park, nag-aabang kasama ng ibang So-Called-Fans ng "The LK Duos" daw which compose of dalawang magpinsan namely Lei and Ken yata pero no one is allowed to call them like that. They're so maarte naman. Ano ba yan nacoconyo na ko. *batok sa sarili*

Nagpaalam muna ko sa dalawa na mag-iikot lang. Syempre ano namang gagawin ko dun di naman ako fan. Umupo muna ko sa isang swing medyo malayo din to dun sa mini stage.

Ang saya ng ambiance habang nagswi-swing.

Hindi ko tuloy mapigilang mapakanta tutal wala namang ganong tao dahil nandun lahat sa Music Tour.

Alam mo bang may gusto akong sabihin sayo.

Magmula ng makita ka naakit ako.

Simple lang na tulad mo ang pinapangarap ko. Ang pangarap ko. Ooohh~

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na pumikit. Naalala ko pa nung kinantahan ako ni ex neto.

Kaya sana'y maibigan mo ang awit kong ito para sayo.

Dahil simple lang ang pangarap ko mahalin ang katulad mo.

Sana ay mapansin mo ooohh~ Dahil..

Simple lang ang pangarap ko maging ikaw at ako ang tanging ligaya ko..

Simpleng tulad mo ooooh~

Napadilat naman ako ng may marinig akong pumalakpak. Oh my G to the F. Wait a minute? Dialogue ng kambal to wah tapos pinaghalo ko? Dapat talaga lumayo layo ako sa dalawa na yun.

Ooops! Ngayon ko lang naalala Nakakahiya! Pano ba naman may isang lalaki ang nakatayo sa harap ko habang titig na titig sa kin. Piling ko tuloy pulang pula na ko.

"You're voice is so angellic." Puri nya sa kin tapos tinanguan ko lang sya. F na F ko pa naman yung pagkanta. Asar talaga.

"Lei and you are?"

"Desiree --" Pinutol nya yung sasabihin ko. Saan ko ba narinig pangalan nya? Pamilyar kasi. Yan problema sa kin makakalimutin masyado lalo na sa mga pangalan.

"Nice name." With matching patango-tango pa sya. Di man lang ako pinatapos.

Naramdaman ko na tumabi sya sa katabing swing.

The Gangsters ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon