♠[TGC] 10

86 7 15
                                    


[DESIREE]

Nandito pa rin ako sa room namin kahit break na. Naguluhan lang kasi ako. Himala ata at hindi pumasok yung tatlo.

Samantalang kasama ko naman si Xhuin kanina. Andameng weird ngayon.

Bigla ko tuloy naalala yung cellphone ko. Hindi pa nga pala naibabalik ni Kien.

Paano ko yun makukuha? Argh.

Patapos na yung break namin at dahil hindi ako nakakaramdam ng gutom ay hindi na ko kakain.

Nandito na din sa room si Jaden, Justine, Shanen at Mig.

"Girls! Nabalitaan nyo na ba?" Nagmamadaling sigaw ni Bea.

"Ang alin ba?" Tanong naman ni Mig.

"Si Aira Sanchez daw hindi na itutuloy yung pag-aaral dito." Huh? Bakit naman kaya?

"Bakit daw?" Tanong naman ni Shanen.

"Kasi sumusuko na ata sya kay V. Dahil may iba na daw itong mahal."

"Sino naman kaya?" Tuloy pa din sila sa pagkwekwentuhan. Hanggang sa mapunta yung topic nila dun sa nangyari kanina.

"Sino kaya yung buhat buhat kanina ni X?" Ehem!

Bigla naman akong napaubo. "Oh Irene, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Jaden. Tinanguan ko naman sya.

"Calling Ms. Desiree Anne Rodriguez. Please go to the principal office now. Again, Ms. Desiree Anne Rodriguez please go to the principal's office now." Mula po yung boses dun sa speaker.

Tumayo na ko at pumunta na sa principal's office.

*knock*

"Come in." Boses yun ni Sir Steve.
Pagkapasok ko ay nakita ko agad ang makisig nyang mukha.

"Bakit po sir?" May nasesense akong hindi maganda.

"Nagkaroon ng faculty meeting kanina. At hindi daw nila nagustuhan yung ginawa ng tatlo."

"Ano po ba ginawa nila?" Biglang nalungkot si sir.

"Akala ko good idea yung pagdadala ko dito sa kapatid ko pero mukhang hindi pala. Ayaw ng payagan ng mga teachers na pumasok sa Diamond Section yung tatlo." Damang dama ko yung lungkot sa boses nya.

"Nagkaroon daw ng bad records yung section nyo."

"Gusto ko lang talaga kasi na maayos silang makagraduate ng high school."

"Sir siguro po hindi po talaga bagay yung tatlo sa Diamond. Pero pwede pa naman po sila sa Section 2. Ang Jade." Napailing naman si sir.

"Sinuggest ko na din yan sa kanila. Pero wala."

"Sir kung sa 13th section po kaya? Ang Chrysoberyl?" Bigla namang napangiti sya ng bahagya.

"Ayon sa nabalitaan ko. Ang 13th section ay mas kilala sa tawag na worst section."

"I know sir. I will take the responsibilities." Bigla namang nagliwanag yung mukha ni sir.

"I really owe you a lot Z." Z? Paano nalaman ni sir?

"Ho-how did you --" Nanginginig at kinakabahang tanong ko.

"I know everything about you. Don't worry. I'll keep it a secret."
Napangiti naman ako. Kahit anong gawin ko ay may katapusan ang lahat ng ito. Lahat ng sikreto ay nabubunyag.

The Gangsters ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon