♠[TGC] 9

92 4 11
                                    

[DESIREE]

Mahirap mabuhay ng may pagsisi. Yung mga bagay na alam mong kaya mo namang gawin pero hindi mo pa din nagawa.

Sana isa na lang itong panaginip. Dahil ngayon, hindi ko na mahanap ang sarili ko. Lahat na lang ba ng taong mahahalaga sa buhay ko ay kailangang umalis? Ang sakit sakit na.

Pinunasan ko na yung luha ko. Pagkagaling ko sa bahay nila Moo ay dumeretso agad ako dito sa apartment ko. Nung nabasa ko yung letter nya ay halos madurog na ang mundo ko.

Paano na ko neto? Bigla ko tuloy naalala yung cellphone ko na na kay Nathaniel.

Siguro tinetext o tinatawagan ako ni Moo. Ang hirap namang maging mabait. Kahit sana nakausap ko man lang sya.

Aaminin ko, OO, siguro? Gusto ko na nga si Keehan. Hindi ko lang maamin sa sarili ko dahil ayokong masira yung pagkakaibigan namin.

Sobrang sakit. Pangatlong beses ko ng nararanasan itong klase ng sakit na to. Siguro panahon na nga.

Balak ko na sanang tawagan sya pero naalala ko wala pala kong cellphone.

Parang kanina lang ang saya saya ko habang kasama si Stephen. Napadako naman yung tingin ko sa bracelet na suot ko. Naalala ko tuloy yung alok nya na magpanggap bilang girlfriend nya.

Kung pumayag kaya ako? Tutal sanay na sanay naman na kong magpanggap. Talent ko na nga ata yun.

Lhiana? Hmmm. Not bad. Kailangan ko munang ituon yung isip at puso ko sa ibang bagay.

Way rin siguro to ni God para mawala yung feelings ko sa taong alam kong hindi ako kayang mahalin dahil may mahal syang iba.

Humiga na ko sa kama ko.

Moo, alam kong babalik ka. At sa pagbalik mo, sisisguraduhin ko na wala na kong nararamdaman sayo.

Ipinikit ko na ang aking mga mata ngunit ang pagtulo ng mga luha mula rito ay hindi pa din tumitigil.

-

Pagkagising ko ay nag-ayos na ko dahil may pasok pa ko. Sana lang walang makahalata ng lungkot na nadarama ko ngayon.

Dahil wala na si Moo ay napilitan akong sumakay ng jeep. Kailangan ko na kasing magtipid muna! Lalo na ngayon na wala na kong ibang matatakbuhan kapag nagigipit ako.

Bumaba muna ko sa 7/11 dahil hindi pa ko nag-aagahan.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta muna ko ulit sa counter. Bumili ng coffee. Sobrang sakit pa din kasi ng ulo ko.

"Ma'am 15 mins pa po. Okay lang po ba?" Tinanguan ko lang sya dahil hindi naman kami close.

"Ma'am you're name is?" Pagkakaalam ko hindi naman tinatanong yung pangalan kapag 7/11?

"Lhiana." WHAT? Ano sabi ko? Lhiana? Kailan pa napalitan ang pangalan ko?

Pagkatapos ng tanungan portion namin ni kuya ay umupo muna ko. Medyo madami din yung nandito ngayon. Yung iba kumakain, yung iba nagbabasa habang nagcocoffee, yung iba naman nagpapaaircon lang.

May isang pumasok na lalaki. Wearing all black. Di mo makikita yung mukha nya pero makikita mo agad na ang lakas ng dating nya.

Umorder sya sa counter ng Slurpee? Grabe naman. Umagang umaga. At dahil ang mga crew dito ay mababagal ay ni choice sya kundi umupo sa harapan ko.

As if I care. Tss.

Lumipas ang 15 minutes at sa wakas ay dumating na ng coffee ko. Medyo malapit na din kasi akong malate.

The Gangsters ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon