Soulmate Chapter 01

5 0 0
                                    


"When will I meet him?"

CHAPTER I

Binuksan ng kanyang kaibigan ang kortina na pumapanpan sa sinag ng araw sa bintana ng dalaga para ito ay magising.

Napangisi ang kaibigan ng dalaga dahil kasabay ng pagtama ng sinag ng araw sa mukha ng dalaga ay siyang biglang pagtakip nito ng unan sa kanyang mukha.

"Good morning bae."- Him

Wika ng kanyang kaibigan sabay upo sa maliit na sofa na nasa kuwarto nito.

"bae naman eh! ang aga mong mambulabog." - Her

Reklamo nito habang naka-pikit ang kanyang mata.

"Anong maaga. Alas-syete na po kaya."- Him

"Alas-syete palang pala. Alas-otso palang naman pasok natin."- Her

Muli napangisi ang kanyang kaibigan sa tinuran ng dalaga dahil alam nito na magigising mismo ang diwa ng dalaga sa mismong salitang binitawan nito.

"WHAAA!! LATE NA AKO!"- Her

"correction bae, late na TAYO. Kaya pakibilisan puwede? *smirk*"- Him

inis nyang binato ng unan ang kanyang kaibigan dahil alam niyang tama ang tinuran nito.

Ganito madalas ang routine nilang magkaibigan sa umaga.

Si Cindy Walter at Brennan McLaren ay matalik na magkaibigan simula pagkabata. Kapuwa galing sila sa mayaman na pamilya. Pero ang estado nila sa buhay ay hindi mo mababakas sakanilang dalawa. Pareho na silang nasa college ngayon, si Cindy ay kumuha ng kursong nursing habang si Brennan naman ay kumuha ng kursong medtech dahil plano niyang maging doctor.

Tumayo si Brennan para pagbuksan ang taong kumakatok sa pintuan ng kuwarto ni Cindy, dahil kasalukuyan naliligo si Cindy. Pagkakita ni Brennan sa taong kumakatok ay agad niya itong hinalikan sa pisngi, dahil ayaw na ayaw ng mama ni Cindy ang pagmamano dahil nagmumukha daw siya matanda. Sa edad ng ina ni Cindy ay hindi mo ito mahahalata sa itsura at katawan nito ngayon, mukha pa itong nasa mid 30's

"oh Tita, Good morning po."- Brennan

"Good morning Bren, Tara kumain ka na muna habang naliligo si Cindy."-Mrs. Walter

"Naku tita alam nyo pong hinding- hindi ko po tatanggihan ang luto nyo."- Brennan

"Naku napaka bolero mo talagang bata ka. CINDY! DALI-DALIAN MONG BATA KA LAGING NADADAMAY SI BREN SA PAGIGING LATE MO."- Mrs. Walter

***

at dahil late na nga silang best friend sa unang araw nila bilang 2nd year college student ay nagmamadaling bumaba ng hagdan si Cindy agad naman kinuha ni Brennan ang kanyang bag dahil alam niyang sa kilos ng kanyang kaibigan ay wala na itong balak kumain.

"Ma! Alis na po kami."- Cindy

"Tita salamat po. Sa uulitin po hahaha."- Brennan

Hindi na pinigilan ng ina ni Cindy sa pagmamadali nito, dahil alam niyang pinagdala ni Brennan ng pack breakfast ang kanyang anak.

"Huwag ka ng mag ayos wala naman magbabago sa itsura mo, panget ka pa rin."- Brennan.

Pang-aasar niya kay Cindy na kasalukuyan nag li-lipstick habang siya ang nagdri-drive.

Hindi pangit si Cindy dahil kilala ito bilang isa sa Campus Queen nung sila ay nasa Junior at Senior high pa. Maging siya ay isa sa Campus King.

SoulmateWhere stories live. Discover now