Soulmate Chapter 02

2 0 0
                                    

**

"Lucky enough to have you."

CHAPTER II

Ang mga sumunod na araw ni Cindy ay mas naging busy siya dahil na rin sa mga school work nila.

Pero kahit ganun pa man ay sinisikap pa rin niyang magkaroon ng libring oras para sa kanyang nag iisang boy best friend. Tulad ngayon may try-out si brennan at one on one match ito sa mga kakagraduate lang na basketball player ng school nila laban sa mga freshman.

To: Brennan (Bae)

Let our bet begin *smirk*

***Message Sent***

Agad naman hinanap ni Brennan si Cindy pagkabasa nito sa text ng kanyang best friend kumaway si Cindy para agad siyang makita ni Brennan. Napangisi si Brennan at agad na nagreply sa text ni Cindy sakanya.

1 message recieve

From: Brennan (Bae)

Prepare your pocket bae. cause I'll win this match.

Nakagawian na nilang magkaibigan ang magpustahan. Tulad ngayon kapag nanalo si Brennan talo sa bet si Cindy, kapag naman natalo si Brennan panalo sa bet si Cindy. Ang premyo ay 5 blank coupons, ang isa coupon halimbawa si Cindy ang nanalo puwedeng gamitin ito ni Cindy kay brennan depende sa gusto niyang ipagawa kay Brennan at walang magagawa si Brennan kundi sumunod sa gusto ipagawa ni Cindy sakanya.

At di nagtagal ay nagumpisa na ang one on one match ni Brennan sa dating basketball team captain ng college varsity nila. Naging maiinit ang laban dahil kahit freshman palang si Brennan ay naging basketball team captain rin siya nung Junior at Senior high sila ni Cindy.

End Game: 47-46

Nilapitan ni Cindy si Brennan na ngayon ay nakaupo sa bench at hingal na hingal sa tindi ng laban nito.

Kinuha ni Cindy sa bag niya ang chargeable mini electric fan niya at tinutok kay Brennan at kinuha ang towel na nakasabit sa leeg ni Brennan at pinatong ito sa ulo ni brennan para mapatuyo ang buhok nito na basang-basa ng pawis.

"nakapagdecide ka na ba kung ano ang 5 blank coupons mo?"- Brennan

"di pa pagiisipan ko muna mabuti hahahah"-Cindy

"grabe, bae please lang maawa ka sa wallet ko hahaha"-Brennan

Natalo si Brennan ng isang puntos laban sa dating team captain ng Varsity team nila.

"Let me think about it bae hahaha"- Cindy

Hinintay ni Cindy si Brennan sa parking lot ng school nila, tapos na rin kasi ang klase nila ngayon araw at wala naman talagang class schedule ngayon si Brennan pumasok lang ito dahil sa try-out ng basketball team nila.

...

"So how's your class?"- Brennan

Tanong niya kay Cindy habang nagdri-drive.

"*sigh* too many school work to do. Eh ikaw?"-Cindy

"same. Madami rin kaming assignment and project for prelim."-Brennan

"hindi. I mean, are you sure you can handle school and sports at the same time, Senior high is a bit more different on college."-Cindy

"oo naman ako pa. Bakit mamimiss mo ba ko kapag naging busy ako?*wink*"- Brennan

"neknek mo! Isa pa time will come we'll be rarely see each other."- Cindy

"Those time won't come bae, so don't say that."-Brennan

Imbes na sagutin niya si brennan ay isinandal nalang niya ang kanyang ulo sa bintana. Ramdam kasi niya na unti-unti ng nawawalan ng oras ni Brennan sa pagkakaibigan nilang dalawa dahil bukod busy ito sa school ay busy rin ito sa panliligaw kay talieyah.

Alam ni Cindy na sa laban sa pagitan ng Girl Best Friend at Girl Friend ang laging talo ay ang best friend.

"oh umuwi ang kuya mo?"- Brennan

Tanong niya Cindy pagkakita sa kotse ng kuya nito.

"Akala ko ba may business trip siya sa Europe?"- Brennan

"pinauwi siya ni mama, darating kasi ang bestfriend ni mama galing States gusto kami makita ni kuya."- Cindy

"Ganun ba? Ay oo nga pala oh, binili ko kanina pumunta kami ni Talieyah mall."-Brennan

"nice, Salamat. Cge una na ako."- Cindy

Bababa na sana si Cindy sa kotse pero hinawakan ni Brennan ang braso niya.

"you okay?"- Brennan

Nabakas kasi ni Brennan sa mga mata ni Cindy na parang malungkot or parang may iniinda ito sakit sa katawan niya hindi lang nito pinapahalata.

"oo naman. Medjo inaantok lang, inabot kasi ako ng 2am pagtapos ng project namin eh."-Cindy

"2 am? Akala ko ba bukas pa pasahan nun puwede mo naman gawin ngayon."- Brennan

"I use my free time today to watch you lose your match hahah, cge na mauna na ko. Huwag kang magaalala iidlip ako sandali bago dumating ang mga bisita ni mama."- Cindy

Bago pa man makakontra si Brennan ay agad na lumabas si Cindy sa kotse ni brennan at kumaway muna rito bago tuluyan pumasok ng bahay nila.

Alam ni Brennan na dinagdag lamang ni Cindy ang pagkatalo niya para maiwasan ang pagalala nito sa dalaga, alam niya na ang talagang ibig sabihin ni Cindy ay

"I use my free time today to watch your match."

"*sigh* how can I entrust you to other guys if you are being like that"-Brennan

***

SoulmateWhere stories live. Discover now