Chapter 6 [Day5]

53 1 0
                                    

Samantha P.O.V

Good to know na may deal kami ng ilong na to !! Nagkaroon tuloy ako ng instant katulog slash poging malaki ang ilong na maid slash hostage ko. Oh diba sosyalin ng codename ni Jungkook.

Lumabas na ako sa kwarto ko at dali dali kong ni-lock kase nagbabanta si Jungkook kumuha ng isa sa mga collection kaya ni-lolock ko na sya kahit kaming dalawa lang ang tao dito sa bahay.

Pumunta na ako sa kusina ng may narinig akong kumakanta.

"Finally Ariel Happen to me one wash clean sa labada for just 7.50"

Oh wag kayo napakanta din kayo no.

Natawa na lang ako sa narinig ko, at pumunta ako kung saan man nanggagaling yung kumakantang yun. Kaya pumunta ako sa may washing area at bumungad sakin ang isang lalaking naka sando shirt at kinukusot ang mga labahin niya.

"Oh Finallyyyyy wooooooooooaaaah"

Natatawa ako sa ichura niya kase kumakanta siya habang may matching dance step pa. Kaya napatawa na lang ako ng napakalakas kaya natigil siya sa ginagawa niyang dance step.

"Oh bakit ka tumatawa" tanong niya sakin habang nakakunot ang noo niya.

"Kase naman . . HAHAHA bakit kailangan may dance steps pa. . . . HAHAHAHA" sabi ko sa kanya habang hindi ko masabi sa kanya ng maayos dahil tawa ako ng tawa.

"Yaaaaah ayoko na nga di nako maglalaba bahala ka na diyan laban mo na yang panty mo" tsaka siya aktong tatayo sa kinauupuan niya pero pinigilan ko siyang tumayo.

"Hep !! Sailormoon o tatayo ka?" tinignan na lang niya ako ng masama at saka ulit siya umupo at naglaba na lang ulit.

"Kung di lang dahil sa sailormoon na makukuha ko sayo, hindi lahat gagawin ang mga to." sabi niya at saka niya nilabhan ang mga damit namin. Mabuti naman at sumunod siya, kaya nginitian ko na lang siya at saka umalis. Pero hinawakan niya yung kamay ko.

"Yaaaaaah yung totoo Maid mo ba ako o Hostage" sabi niya sakin.

Pero napa smirk na lang ako sa kanya.

"Kung hostage kita, edi sana ni-rape at tinorture na kita" tinignan na lang niya ako ng masama at bigla na lang napa smirk na mukha siyang may binabalak na masama. Lumapit siya sakin, papalapit sa mukha ko.

Ayy potaness wag mong sabihing nagets niya yung rarapin ko daw siya kaya ganito ang gagawin niya sakin. Tuloy pa din siya sa paglapit niya sa mukha ko.

Oh my gaaaaahd yung mukha niya 1inch na lang ang pagitan namin, kaya konting galaw ko ay magkakadikit na ang aming mga labi. Kaya napapikit na lang ako dahil ayokong magmukhang tanga sa magiging first kiss ko.

Ng naipikit ko ang mata ko, parang wala akong naramdamang labi, asan na yung inaasahan kong dadampi sa mga labi ko T.T

Narinig ko na lang tumatawa si Jungkook at napahawak na lang siya sa tiyan habang tumatawa ng napakalakas.

Juice colored pinagti-tripan ata akong ilong na to hah. Kaya hindi ako nagpatalo sa kanya, kaya i teased him by leaning on his ear and try to whisper to him.

"Alam mo hindi naman ako sabik sa halik mo eh, I just want you to make sure na ikaw talaga ang rarapin ko" ako lang ba o pati siya kinilabutan sa mga sinabi ko sa kanya.

Tsaka ako tumayo at pumunta ng kusina dahil kanina pa ako nakikipag landian dito sa katulog slash poging malaki ang ilong na maid slash hostage ko.

Bago pa ko magluto ay pinunasan ko muna yung lamesa dahil ubod ng dumi, naghanap muna ako ng basahan na ipapamunas ko. Pero wala akong nakita ni isang basahan, pero may isang nakapatong na kulay red dun sa tabi ng lamesa.

Sa wala namang may may-ari nun ginawa ko ng basahan.

Habang pinupunasan ko ang lamesa bigla na lang pumunta ng kusina si Jungkook na tila may hinahanap na bagay, aligaga siyang hinahanap yung bagay na yun.

"Sam may nakita ka bang gamit dito" turo niya pero di ko siya tinitignan dahil busy ako sa pagluluto ng favorite kong egg.

"Saaaaaaaaaaaaaaaam" sigaw niya sakin at nabaling naman ang tingin ko sa kanya.

"Ano ba yon" sigaw ko din sa kanya habang tinignan ko siya. Pero bmasama ang ang tingin niya sakin.

"Bakit mo ginawang basahan yung brief kooooo" sigaw niya sakin habang mukha siyang papatay ng tao habang hawak hawak yung brief niyang . . . .

Omonaaa wag mong sabihing yung pinamunas ko na kulay red is brief niya pala.

"HEHEHE sorry kala ko basahan eh." sabi ko sa kanya habang napakamot sa ulo at nag peace sign. Pero mukhang di pa din ata sapat yun dahil mukhang galit na galit siya.

"Hindi ka man lang magtanong, ginawa mong basahan tong brief ko T.T" binulatlat niya ang brief niyang kulay red. Natawa na lang ako ng napakalakas dahil sa nakita ko sa brief niyang kulay red.

"Ano ba yan iiyakan mo pa yang brief mo butas naman" tawa ko sa kanya at sinamaan naman niya ulit ako ng tingin saka siya nag-walkout dala dala ang brief niyang may butas sa gitna.

Bago pa siya makalabas may isinigaw pa siya sakin. "Iluto mo na din ako ng Egg nakakagutom maglaba ng panty at bra mo, nakakadiri pa naman" Ano daw, gusto niya atang isangag ko ilong niya ng makita niya hinahanap niya.

Tinapos ko na lahat ng dapat lutuin at saka ko inihain lahat ng mga niluto ko.

"Jungkoooooook luto na yung ilong mooooo ay este yung ulam moooo" sigaw ko sa kanya at agad naman siyang pumasok sa loob ng kusina at naka ngiti naman na siya ngayon.

"Tapos na ba yung mga labahin mo?" tanong ko sa kanya pero umiling na lang siya at tsaka niya ako hinatak papuntang lamesa kung saan nakahanda ang pagkain namin.

"Tsaka na yung nilalabhan ko, kakain na muna ako nagugutom na ako eh." sabi niya na parang isang batang gutom na gutom.

Habang kumakain kaming dalawa di ko maiwasang mapatingin sa kanyang ilong ay este sa kanyang mga mata.

Jusmiyo de fulgoso, bat ganito ang lalaking to. Para bang nang-aakit ang kanyang mga mata. HUHUHU

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at di ko na lang siya tinignan. "Sam say Aaahh . . . " bigla na lang niya akong tinawag at aktong susubuan niya ako ng kinakain niya.

Hindi na ako nakatanggi pa dahil malapit na sa bibig ko ang kutsara kaya kinain ko na lang yung isang kutsarang pagkain na binigay niya.

"Oh isa pa." aktong susubuan niya ulit ako, pero pinigilan ko siya.

"Teka muna nga bakit puro ako, ikaw naman" gumanti ako sa kanya at saka ako kumuha ng isang bacon at saka ko pinakain sa kanya. Patuloy lang ako ng pagkain sa kanya, kahit mabilaukan na siya, ginusto niya yung ganun eh di pagbigyan ko na nga.

Para kaming tanga na nagpapakain sa isa't isa, yung tipong mag-asawa lang ang peg. Wala akong pake kahit parehas na kaming mabilaukan, na-enjoy naman naming dalawa eh.


---------



Boom ang boring na naman ng update ni Author-nim HAHAHAHAHA xD Pasensya na po sa mabagal na update. Busy po talaga ako Mianhe *le bows 360 degree*

Oh by the way #BTS2ndWin na pala woooooooh ang saya saya. Ipagpatuloy pa po natin ang paghasik ng lagim. Para po sa BANGTAN ang gagawin natin mga co-army

HAHAHAH xD


Enjoy my update, Don't forget to vote and comment <3

Kidnapping a BTS Member : JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon