Kabanata 07

118 11 5
                                    

<Valle Day>


Napasulyap ako kay Dash matapos kong marinig pangalan ko. Ngumisi ito sa akin at umupo sa tabi ko.

"Mamaya na laro punta ka ha?"

"Sino ba mga kalaban niyo?" tanong ko habang kinukuhaan ng yelo si Ash. Gusto niya kasi malamig na tubig kaya ibubuhos ko sakanya yelo, di biro lang.

Andito sila ngayon sa dorm at tsaka time check six ten pa ng umaga. Apaka excited.

Hindi ko din maiintindihan kung bakit nangingiti ako sa pagkatitig sa yelo pero bukod dun ay hindi ko naman maitatanggi na excited na din ako sa laro nila mamaya.

Ngunit meron pa rin bumabagabak sa isipan ko, isa lang naman misyon ko at ang sabi ko ay aalis din ako kaagad. Hindi lang yun, yung taong nagtext sa akin hindi numero ni Dash. Kinakabahan ako sa mga sunod sunod na nangyayari pero gusto ko din ipakita na maganda intensyon ko kahit napakababaw ng dahilan ko.

Napailang na lang ako sa kakaisip ng kung ano di bale na lang basta sa ngayon saya muna ang uunahin.

Ngumiti ako bago humarap sa kanila at binigyan si Ash ng malamig na tubig.

"Kalaban natin taga ibang strand, isa na dun yung magaling magbasketball si Leonel tsaka si Supremo mga ABM student yun! Pero syempre wala pa rin tatalo sa galing ko, mas gwapo tapos mas magaling pa" pagkukwento ni Dash.

"Alam ko mabuti pang wag ka na lang makisama sa laro sa susunod. Mapapahamak lahat ng team player dahil sayo" biro ko naman napaka suplado talaga lalaking to.

"Baby you haven't seen me play" sabay kindat napangiwi tuloy ako. Tumawa na lang ang gago pagkatapos.

"Eat your breakfast already" tugon ni Alex na may kasamang pagkaseryoso sa tuno sa pagkabigkas niya.

Kumain na lang kami hanggang sa matapos at pumunta sa Unibersidad maliban kay Alex, sabi niya papaiwan muna daw siya.Nagsuot kami ng green and white tshit na may logo ng University namin dahil required daw pero pagkapasok namin sa main gate ng campus meron pa rin nakahoodie o nakajacket pwede naman since walang nagsabing bawal atleast nga yung hoodie nila ay either puti o berde.

"Ano una sa listahan?" tanong ko sa kanila habang tumitingin sa selpon.

"Parade, performance on stage mga students from different strand, teachers and others. Morning only and sports sa hapon" paliwanag ni Ash.

"May mga pagkain din yan sa mga iba't ibang clubs. They'll be selling goodies"sabi ni Dash. "Oh! Huy! Freece!" tawag niya sa lalaking malasimple porma. He was skinny nakasungglasses ito.

"What is it moron?" he asked while glaring at Dash. "And by the way don't call me by my first name we're not even that close" pahabol nito. Angas ha.

"Oo na mahal na reyna ikaw na po. Ano nga pala meron sa club niyo? Balak namin kumain dun mamaya" ngisi ni Dash sabay akbay sa akin.

Tinignan naman ako ng nagngangalang Freece tsaka bumalik uli tingin nito kay Dash. "Iced Coffee jelly, friedrice with siomai either steam or fry, cheesesticks and dynamites,and some burger with fries." sabi niya sabay talikod sa amin. Nagutom tuloy, sapat na yun sana lang sulit mala budget meal.



Nung nagsimula na parade, umupo na lang kami at nakitinginan na lang sa kanila. Mga highschool students lahat meron mga drummer, lyrist, at mga kalalakihang nagshoshow dance basta di ko na lang ikukuwento.

Pagkatapos ng parade sa campus, mga performance naman halos lahat naghiyawan sa galing ng mga tao sa stage. Halos nga nakafocus attention sa unahan napabuntong hiningi tuloy ako dahil sa gutom biro lang naiihi ako.

Valle University Where stories live. Discover now