Kabanata 13

116 8 2
                                    

One Sided

"Bro pa kopya ako ng lesson, di ako nakinig kanina" sabi ni Dash sa kambal.

Dalawang araw na pagkatapos ng insidenteng naganap.Hindi na ako nagtanong pa sa mga bagay bagay at bumalik na din si Alex sa dati—kapag ibig kong sabihin na dati, hindi yung puro smile smile lang siya kundi yung parang ewan lang. Basta, hindi ko mahulaan paiba iba emotion.

Hindi na din kami masyadong nagkikita nina Supremo dahil sa maraming pinapagawa samin ng mga professors, at alam ko din pati sila busy din sa tagtag na activities na pinapagawa.

Besides malapit na midterm examination namin, kinakailangan na din namin maghanda. It feels like everyday we're in prison cell, dito na nga lang kami kumakain sa loob pagbreak, and, sa lunch time palaging may practice.

"Kai!" tawag sa'kin ng leader ko sa contemporary arts.

"Oh bakit?"

"Yung roleplay mo, ikaw na lang yung babae sa amin ayaw kasi ni Felix" sabi nito. Tinignan pa si Felix ng masama pero tinarayan lang nito.

Hindi naman sa ayaw ko pero pano pagnalaman nila na—...hays bahala na nga.

"Kung wala na talagang tatanggap sige aangkinin ko na" kumintab naman mga mata nito tsaka ngumisi nang loko.

"Kai! Mamaya magpapractice daw ng sayaw" sabi nino. May sayaw din pala kami, modern dance sasayawin nanguha pa nga kami ng trainor kasi wala masyadong magaling sumaway sa grupo namin.

At kung mamalasin ba naman seperated kaming apat nina Alex at ang dalawang kambal.

***

"Alright! Again! You guys don't even have an energy within you, how are you supposed to get a line of nine when you all dance so ill!" said the trainor.

"Di naman ninety habol ko basta makapasa na lang" someone from behind murmured. Narinig iyon ni Kuya Josh kaya tinitigan ito ng masama. Our classmate was petrified.

Ayan complain pa more pa nga.

"You think I'm doing this for my own accord? Listen kid, binabayaran niyo ko and my job is to give you the satisfaction that you all deserve to get and from what I observed—I think you don't deserve any. Mababa ang tingin mo sa sarili mo when in fact, all of you can do better than that. Don't think of this as just some kind of playfully game, think of this as your future"

Ayan tuloy napagalitan kami. Pero tama naman si Kuya Josh, his our trainor. I heard first year pa lang to and he's taking civil engineering but on the other hand he can do multitasking. Dancer, matalino, at may angking kagwapuhan pero strikto.

"Tama si Kuya Josh, pagbutihan naman natin to. Stop feeling embarrased about it, let's feel the music and dance" sabi ni Ali samin. Nakumbinsi niya naman agad kami, matik talaga toh.

Nagpractice kami buong maghapon kulang pa yata dalawang oras. Andito kami ngayon sa gymnasium, and finally break na namin. Wala kaming klase sa tatlong subject kaya more free time to practice, they said may nag held daw meeting for the teachers.

"Guys, I have class at three kaya di ko kayo masusubayan dun pagbutihan niyo na lang until I come back. The professor is calling for me" paalam ni Kuya Josh.

"Salamat Kuya and don't worry we won't let you down" said Ali may pa wink pang nalalaman.

A minute later everyone was out getting some water from the canteen except kami ni Ali, feeling ko nga ang awkward.

Valle University Where stories live. Discover now