XII

0 0 0
                                    

Marami ang nakabasa sa mga pahayag ni Jose at namulat ang kaisipan tungkol sa kalagayan ng bansa. Kabi-kabilang karahasan, Disinpomarsyon, Korapsyon at Katiwalian. Dahil sa mga pahayag na ito, hindi na muling pipikit ang mga namulat. Mas lumaki at dumami ang tumutuligsa kay Manalo. May bali-balita na magkakaroon ng isang Pambansang Protesta upang mapatalsik ang rehimeng Manalo. Agad naka-abot kay Jose ang balitang ito at sa huling pagkakataon ay sasama siya sa protestang ito. Wala ng ibang makapagpapapigil kay Jose sa pag-aaklas kahit pa ang kamatayan. Nagtipon-tipon na ang lahat ng raliyista at ilang sandali na lamang ang inaantay upang masimulan na ang protesta.

BANG!: Ikalawang YugtoWhere stories live. Discover now