Naramdaman ko ang pag-angat ko mula sa pagkakahiga ko sa sofa. Ilang beses akong kumurap bago makita ng malinaw kung sino ang bumubuhat sa akin. Si Gian at mukhang kakauwi lang niya galing sa trabaho.Sobrang daming ginawa kanina kaya ang pag-upo ko sa sofa na dapat ay pahinga lang ay naging tulog na. Napatingin ako sa orasan na nasa malapit na pader at alas dos na pala ng madaling araw. Tinignan ko si Gian na mukhang inaantok na at idinikit lalo ang sarili sa kanyang dibdib. I missed him.
"Change your clothes," sabi niya nang maibaba ako sa kama namin. Halos lumuwa ang mata ko nang tumalikod ito sa akin at hinubad ang kanyang dress shirt.
"Use the bathroom I'll just change here." aniya.
Kumuha lang ako ng pamalit na damit saka naman dumiretso sa banyo para mag shower at magpalit ng damit. Nag skin care na din ako dahil iba ang stress ko ngayon sa trabaho at parang mag be-break outs ata ang mukha ko.
After taking a shower I went outside to drink milk. Hindi ko naabutan sa kwarto si Gian at baka nasa living room ito at nagbabasa ng mga information about sa ilang pasyente niya. Minsan ay nagigising ako para uminom ng tubig at kapag wala siya sa tabi ko ay madadatnan ko siya sa dining room at may tinatapos na mga report o kung ano man ang tinatype niya sa kaniyang laptop. Kapag naaabutan ko siyang nasa dining room ay agad niya akong aayain pabalik sa kwarto at tatabihang matulog.
I yawned after closing our bedroom's door. Gian's papers are all over the coffee table sa living room at nakabukas din ang laptop nito. Nang dumiretso ako sa kusina para kumuha ng gatas ay nakita ko naman siyang nagsasalin ng tubig sa kaniyang baso.
"Your warm milk..." inabutan niya ako ng mug na may mainit na gatas. I smiled and gave him a quick peck on the cheek.
"You have work to finish?" I asked. Tumango siya at inubos ang tubig na iniinom.
"Just some case reviews. It won't take much time so I'll sleep right beside you after I finish my remaining work," he reached for my cheek and pinched it.
Naupo na siya sa sofa at sinimulan ang trabaho niya. I grabbed my mug of warm milk and sat beside Gian. Hindi ko naman siya guguluhin, gusto ko lang siyang panoorin sa ginagawa niya.
May distansya pa ng konti saming dalawa at nang lingunin niya ako ay tinapik niya ang konting space sa pagitan namin senyas para lumapit pa ako sakanya. I smiled and moved a bit closer to him while I drink my coffee and watch him read those papers.
Nang matapos kong inumin ang gatas ko ay inilapag ko ito sa lamesa. Medyo inilayo para hindi madikit sa mga papel ni Gian. Isinandal ko ang likuran sa sofa at niyakap ang throw pillow na katabi ko habang iniintay siya.
Hindi na rin naman kami magkikita ng matagal bukas kaya gusto kong nandito ako muna kahit tumabi lang sakanya.
I woke up on my bed with the comforter covering me and Gian. Nakatalikod ako sakanya habang yakap yakap niya ako mula sa likuran. Tinignan ko ang orasan at ala cinco palang naman ng umaga kaya nagsumiksik pa ako sakanya at niyakap din siya.
He stirred from sleeping and placed his chin above my head. I love cuddling.
And again another day for working my ass off. Mabilis lang akong naghanda dahil wala na si Gian sa kwarto at siguradong nasa dining room na siya at nag aalmusal.
Gian already cooked breakfast for us kahit na iilang oras lang ang kanyang tulog dahil alam kong madami siyang ginawang trabaho kanina. Nahiya ako bigla dahil tuwing umaga ay ganito kami, siya ang nauunang magising at kapag nagising na ako ay may almusal na. He's more tired than me.
BINABASA MO ANG
So Into You
Teen Fiction"After all these years im still so into you.." Aniya habang nakatingin sa mga mata ko. Alexine Francesca has been crushing over a guy for years. She was really shy at first but when jealousy and fear ate her up she made a move. She's s...