Ilang linggo na ang lumipas at naging maayos ang takbo ng pagkakaibigan namin ni Gian. Ganun parin naman ako, kumakalabog ang dibdib kapag kasama ko siya pero sinusubukan kong huwag ipahalata. Nag-aral kami ni Gian ng ilang beses at naging maganda naman ang resulta. Hindi naman kami palaging magkasama para mag-aral. Minsan lang.
Sa mga nagdaang araw at linggo ay mas lalo kong napansin ang mga pagbabago ng pakikitungo ni Gian sakin. Sa bawat araw na nalipas kapag nakikita at nakakasama ko siya ay nakikita ko ang totoong Gian na nakatago sa malamig niyang mukha. His eyes speaks emotions i feel only i can see. Naging kumportable nadin siya sakin na napansin din nina Vanessa at Sean. Hindi na nila kami inaasar sing dalas ng dati pero minsan nalang.
Nakapag-pares 'date' kuno narin kami ni Jay ng ilang beses. Naging abala siya sa training niya raw sa basketball kaya konting oras lang ang meron para makalayo muna sa toxic na court. Nagte-text pa rin kami pero hindi naman sobrang dalas dahil may kanya kanya kaming gawain sa buhay. Mas nagiging maayos din ang pagkakaibigan namin. Hindi naman kasi mahirap maging kaibigan si Jay.
Sabado ngayon at wala akong magawa sa bahay kanina pa. Si Mama at Papa ay nasa trabaho dahil tapos na ang leave nila, si Ate at Kuya naman ay nasa university kasi may klase sila ngayon. Naalala ko bigla na opening pala ng café ng ate ni Geor ngayong araw. Actually kaninang umaga. Pangatlong café na yata itong nabuksan ng ate niya at so far ay puro success naman.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe kay Vanessa.
Ako:
Nasaan ka?
Vanessa:
Otw sa café. Opening kanina ah wala ka din? May ginawa kasi ako.
Ako:
Wala, hindi nagtext si Geor sa'kin. Nakita ko nalang yung mga picture sa IG ng ate niya.
Masyado sigurong abala si Geor kanina kaya hindi nakapag message. Ang sabi niya kasi kagabi ay ime-message niya kami kapag konti na ang tao para may table kami. Sobrang dami rin daw kasing pupunta sa umaga kaya hindi niya sigurado kung kasya kami.
Vanessa:
Punta na tayo. Nandun na si Zara, nagreserve ng table para satin. Magbihis ka na kitain kita 'don.
Agad naman akong nagbihis, nagsuot ako ng skinny jeans, halter top bilang pang-taas at pares ng vans slip ons. May dala akong maliit na bag at lumabas na sa kwarto. Magpapahatid nalang ako sa driver o 'di kaya'y magcocommute nalang.
"Manang, Wala pong driver?" Tanong ko kay Manang na nagpupunas ng mga frame sa tanggapan ng bahay.
Tinignan niya muna ang suot ko at nangunot na noo.
"Wala eh, inutusan ng Mama mo. Aalis ka ba?" Tanong niya.
"Opo eh, 'di bale magco-commute nalang po ako!" Sagot ko.
Binilinan niya ako na mag-iingat raw ako at sasabihin nalang din niya kay Mama na nakaalis na ako. Nag text na rin naman ako pero baka hindi pa nababasa. Baka tawagan ni Manang si Mama.
Palubog na ang araw nang makarating ako sa café. Nakita ko ang lamesa malapit sa maliit na stage kung saan naroon si Vanessa at Zara, hindi ko nakita si Geor baka natulong pa sa ate niya. Nang makita ako nina Vane ay kumaway sila sakin.
"Sorry late ako!" I apologized.
"Ayos lang, hindi naman kami nainip. May nagperform kanina," sabi ni Zara.
BINABASA MO ANG
So Into You
Teen Fiction"After all these years im still so into you.." Aniya habang nakatingin sa mga mata ko. Alexine Francesca has been crushing over a guy for years. She was really shy at first but when jealousy and fear ate her up she made a move. She's s...