Chapter 7

8 1 0
                                        


Levi



"Eira, you're not replying to my texts. Are you so busy that you can't even type a reply?" Si Calli habang sinasabayan akong maglakad papunta sa classroom ko. Kasama ko rin si Katrina na abala sa phone. 


Nagmamadali na kaming makarating sa next class dahil galing pa kami sa labas ng university kanina para sa isang interview.


"Yes, Cal. I'm busy. I have my next class... can't you wait?" Iritado na ako dahil halos pigilan na niya ako sa paglalakad. 


"I've been waiting for weeks. You agreed for a date last time but it's been what... almost a month?!"


"Oh my gosh, you're not my boyfriend, stop overreacting!" Although it was a bit rude, binalibag ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.


Napatingin nga lang ako agad sa kanan nang makita si Vance sa tabi ng vending machine kasama ang isang lalaking siguro ay classmate niya. Nakasandal sa pader at may hawak na kape. Kausap niya noong una ang lalaki pero nang nahagip ako na dumaan ay nagtagal na sa'kin ang tingin kahit na may sinasabi pa siya.


Dahil iritado pa kay Calli at nagkatinginan na kami, hindi na nawala sa mata ko ang iritasyon at marahil ay nakita niya iyon. Umiwas ako ng tingin.


Nalagpasan na namin sila at hinablot muli ni Calli ang braso ko. This time, napahinto na talaga kami sa paglalakad. Even Katrina who is busy on her phone noticed us, too and stopped.


"I'll reach that part eventually! I thought we have a mutual understanding about this?"


"What mutual understanding? Calli, you're just flirting with me back then!"


"And you flirted back, too! Stop giving me mixed signals!"


Napanganga ako at napatingin sa banda nila Vance hindi kalayuan sa amin. Hindi pa kami gaanong nakakalayo kaya rinig na rinig niya iyon for sure!


Umiwas siya ng tingin at uminom na lang sa kanyang kape. Ang kanyang kasama na lalaki ay tumatawa sa kinukwento nitong kung ano. But Vance's expression is nowhere near impressed. 


"M-Mixed signals!?"


"Hey, that's enough! Calli, we have class. Major. So Eira, let's go," hinila na ako ni Kat paalis kahit na gustong-gusto ko pang banatan si Calliester.


Pabalik-balik ang tingin ko sa kanya kahit na umiiling siyang tumalikod at galit na naglakad pabalik sa building nila. I saw how Vance's cold eyes trailed him.


"Saan ka ba nag lunch, Rara? Sa KFC? Anong flavor? Spicy? Kaya nadala mo pati yung red flag mo hanggang dito sa uni? Mag isip-isip ka nga!" Sermon ni Kat sa'kin habang hinihila ako papuntang drawing lab. 


"Stop leading the poor man if you're not actually interested! Makakasakit ka lang!"


Arid TrialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon