Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Dis oras na nang gabi at may tumatawag parin kaya agad kong sinagot baka importante.
Hindi ko na tinignan kong sino ang caller dahil inaantok ako "Hello?"
"A-ate.."ang kapatid kong umiiyak bigla akong napaupo sa kama at nahimasmasan
"Bea, anong nangyari? Bakit umiiyak ka?" Nag-aalalang tanong ko
"Nag-aaway sila mama at papa"umiiyak na aniya
"Sundin mo ako Bea, okay?"huminga ako ng malalim
"Breath in...Breath out....Breath in...Breath out"pagpapakalma ko sa kanya
Hindi na sya umiiyak "Okay kana?" hindi siya umimik
"Makinig ka sakin...Normal lang sa mag asawa ang mag-away Bea..Kung ano man ang narinig mo, kalimutan mo nalang ha? Magbabati rin yan sila nila mama at papa"nag-aalalang sambit ko she's just 16 years old alam kung bukas na ang isip niya tungkol sa ganyang sitwasyon pero hindi ko kakayanin kung lubos syang maaapektuhan sa pag-aaway nila mama.
"Narinig ko kasi ate na pangalan ng babae ang pinag-uusapan nila"pag kwento niya at bigla akong kinabahan
Sana hindi gagawin yon ni papa dahil hindi ko alam kung mapapatawad ko sya.
"Matulog kana,okay? Baka mali yang narinig mo"bumuntong hininga sya sa kabilang linya
"Okay ate, good night"paalam niya
"Good night, Bea"paalam ko
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Bea hindi na ako ulit dinalaw ng antok. Paano nalang kung totoo yong sinabi ni Bea?
Pilit kung inaalis sa isipan ko ang tungkol sa pinag-usapan namin ni Bea. Nagbilang ako ng isa hanggang isang daan para dalawin ako ng antok.
Wala pa man sa kalahati ang nabibilang ko ay tumunog na naman ang cellphone ko but this time unknown number na.
Pinatay ko nalang dahil hindi ko kilala pero tumawag ulit kaya sinagot ko na
"Hello?" sagot ko hindi pinapahalatang naiiinis dahil naudlot ang pagbibilang ko para makatulog
"Shoppee delivery Ma'am"kumunot ang noo ko
"Gag* dis oras ng gabi may shoppee? Hahaha epic"dinig ko sa kabilang linya
"Manahimik ka nga"dinig ko ulit sa kabilang linya
"Sino to?"inis na tanong ko
"Shoppee delivery Ma'am"sagot niya ulit
"huwag mo nga akong pinagluluko dahil wala akong ino-order at higit sa lahat walang mag d-deliver dis oras ng gabi"inis na sambit ko
"Sino ka? At pano mo nakuha ang number ko?" Tanong ko ulit
"Chill hahaha ang puso mo babe"
"Babe mo mukha mo!disturbo!"pinatay ko ang tawag dahil si Vince na naman
Nakakainis ang feeling close masyado kanina niya pa ako hindi tinatantanan sa babe, babe na yan.
From: +639876543210
Sorry, kinuha ko kay Mae yong number mo, naiwan mo kasi yong panyo mo kanina.
Kaya pala parang may nakalimutan ako kanina
To: +639876543210
Kunin ko nalang bukas
From:+639876543210
dadaan ko nalang bukas jan
To:+639876543210
k.sige