"MISS MAAAAAAM!"dinig kong may sumigaw mula sa labas dahil nasa terrace lang naman kami ni Grae at nilalaro sya.
"Yohoooo! Miss ma'am, nood ka"nakangiting dungaw niya sa di kataasang gate nila Auntie
Ano ba to, nakakahiya!
"Aray!"dinig kong daing niya dahil binatukan sya nang kararating na Vince
"Pasensya ka na sa mala palakang bunganga ng kaibigan ko"paumanhin niya at tinakpan ang bibig ni David saka hinila palayo.
Nakita kong binatukan sya ni Vince at biglang tumakbo, hinabol sya ni David.
Parang di kolehiyo kung umasta!
Dumating na sila Auntie kasama si Xian agad niyang binuhat si Grae at hinalikan.
"Tumawag yong pamangkin kong si Kyline Mae pupunta raw sya dito mamaya gusto ka niyang makilala"nakangiting kwento ni Aunt sakin
Nahihiyang tumango ako "Okay po Aunt..Kumain na po ba kayo? Nagluto si Nay Nena ng maruya"alok ko
"Sige, kunin mo muna si Grea bibihisan ko muna si Xian"paalam ni Aunt at inakay si Xian papasok ng bahay.
~broom~broom~broom~
Tumingin ako sa gate dahil don nagmumula ang tunog ng motorsiklo.
Napatitig ako sa babaeng bumaba ng single motor.
Hindi sa ngayon lang akong nakakita ng babaeng nagmo-motor gusto ko lang malaman kung anong pakiramdam nila habang nag m-motor. Parang ang cool.
Nakangiti syang kumaway sa gate "Hi, pwede bang pumasok?"tanong niya at tumango ako
"Si Tita ba nandyan?"nakangiting tanong niya sakin
"Nasa loob binibihisan si Xian"
"Hi, Grea!"pinisil niya ang pisngi ni Grea at tumingin sakin "Ikaw yong pamangkin ni Tito?"tumango ako dahil si Uncle kadugo ko
"Nice to meet you! I'm Kyline, 21 years of age and I believe that the essence of beauty is...is.. basta yon na"natatawang aniya sabay lahad ng kamay
Tinanggap ko yon at bahagyang natawa"Denise, 19 years of Age" pakilala ko
Sabay kaming lumingon ni Kyline kay Auntie na lumabas "Tita"nakipag appear sya ganon nalang ang gulat ko ng binangga nila ang magkabila nilang balakang.
"Pano ba yan tita? pwede ko bang isama si Denise mamaya?"tanong niya kay tita
Tumingin sakin si Auntie "Siya ang tanungin mo at hindi ako. Okay lang naman sakin kung paminsan-minsan ay isama mo sya para hindi sya mailang satin"nakangiting ani Auntie
Nahiya akong tumingin kaya kay Grea ako tumingin na buhat-buhat ko "San ba tayo pupunta?"tanong ko
"Secret, pero magugustuhan mo don, marami kang makikilala"dagdag niya
Bumaling ako kay Aunt "Okay lang po ba?"
"Oo naman para magkaroon ka ng bagong kaibigan"
"Yes! The best ka talaga Tita at dahil dyan...Tatlo na tayong maganda"nagtawanan silang dalawa
"Oh siya..sakin na si Grea dahil oras na ng pagtulog niya sa hapon..Pwede na rin kayong umalis ni Kyline"aniya at kinuha sakin si Grea na humihikab
"Maiwan ko na kayo"dagdag ni Tita atsaka pumasok sa loob"uhmm, magbibihis lang ako..pasok ka muna may merienda sa kusina"anyaya ko
"Sure! Diko tatangihan yan"nakangiting aniya at sabay kaming pumasok.
![](https://img.wattpad.com/cover/320313180-288-k633949.jpg)