Chapter 2

5 0 0
                                        

Sinigurado kung maaga ang alarm ko dahil nakakahiya naman kila auntie kung tatanghaliin ako ng gising.

Kahit anong baling ko sa higaan Hindi ako makatulog. Ito ata yong sinasabi nilang namamahay.

Hindi ako nasanay sa ganito kalambot na kama kaya siguro hindi ako makatulog. Sa guest room ako pinatuloy ni Auntie dahil ayaw niya akong ituring iba sa kanila. Kinuha ko ang keypad kong cellphone at tinext ang kapatid ko.

Send to Beayakin
     Kamusta? Kumain na ba kayo? Yong homework mo wag kalimutan bago matulog.

Pagka send ko non ay agad syang nag reply

From Beayakin:
     Okay lang ate, kumain na kami. Atsaka kanina ko pa tapos yong homework ko.

Nag beep ulit ang cellphone ko

From Beayakin:

Kahit pangit ka namiss na kita ate hehe

May kung anong bumara sa lalamunan ko pinipigilan ang umiyak. Ngayon lang kasi kami nagkahiwalay kaya hindi pa kami nasasanay.

May luhang namumuo sa mata ko habang nag t-type.

To Beayakin:

Sus! At least hindi ako iyakin hahaha

Pinakawalan ko ang luhang kanina pa nagbabadya.

To Beayakin:

Sige matutulog narin ako. Gudnyt at alagaan mo si Aidan wag maging matigas ang ulo.

Hindi na ako nakatanggap ng message galing sa kanya kaya nakatulugan ko ang pag-iiyak.

Kinabukasan ay maaga akong nagising ginawa ko ang mga bagay na ginagawa ko sa bahay. Nag walis ako sa labas ng bahay nila Auntie kahit madaling araw pa. Medyo natatakot pa ako dahil madilim at bago lang ako dito. May mga puno sa harap at mahangin dahilan para kabahan ako sa kaluskos ng mga dahon.

"Ang aga nating nagising ah?"

"Ay pulang kabayo!!"bahagya akong napatalon at napahawak sa dibdib dahil sa gulat

"Masarap yon lalo na kung malamig"tumatawang aniya

"Bat ba nang gugulat ka ha?!!"inis na sambit ko

"Sorry, nag j-jogging lang naman ako tapos nakita kita"nakangiting aniya

"Tss"

"Nakakunot na naman yang noo mo, alam mo madali kang tatanda niyan"biro niya

"Ano bang pakialam mo? Mag j-jogging ka nalang nga"inis na sambit ko at nagsimula ulit na mag walis

"Liga namin mamaya baka gusto mong manuod dyan lang sa may covered court di kalayuan"aniya diko sya pinansin at nagpatuloy lang sa pagwawalis

"Sungit, bye na nga"aniya at dinig kong umalis na sya base sa pagtakbo.

Napailing nalang ako at hinakot na ang mga dahon na winalisan ko.

Pagpasok ko ay may nagluluto na sa kusina "Magandang umago po"

"Ay anak ng tipaklong! Ano bang bata ka at nang gugulat ka"

"Pasensya na po aling Nena"paumanhin ko

"Pasensya na rin at magandang umaga. Nanay Nena nalang ang itawag mo sakin"nakangiting aniya bago bumaling sa kanyang niluluto

Medyo nahiya pa ako pero agad ko rin namang sinunod "Nanay Nena, may maitutulong ba ako?"tanong ko

"Naku! Wala na pero pwede mo akong tulungan sa paghanda ng lamesa"aniya at tumango ako

Love at First Sight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon