Chapter 1

11 1 0
                                        

"A-ate sigurado ka bang gusto mong mag trabaho?" tanong ng kapatid ko habang nag e-impake ako ng mga gamit na dadalhin ko sa bahay ng tita ko

Lumingon ako sa kanya at masiglang ngumiti "Oo naman saka para makatulong narin sa gastusin ko sa paaralan"

Bumuntong hininga siya "Makakauwi ka naman sa graduation mo no?"

Tumango ako"syempre, importante yon sakin"

ginulo ko ang buhok niya at pilit na ngumiti "Matulog ka na may pasok ka pa bukas"nakanguso siyang tumayo at lumipat sa higaan niya katabi ng kama ko.

Bumuntong hininga ako at itinabi ang bag na puno ng mga gamit ko. Inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto namin

Babalik din ako...

Lumabas ako ng kwarto namin para uminom ng tubig sa kusina at nadatnan kong nag-uusap o sabihin na nating nagtatalo ang mga magulang ko.

Hindi ko nalang pinansin dahil sanay na ako sa ganitong eksena panigirado akong pinagtataluhan na naman nila ang pagsusugal ni papa. Pero kahit nagsusugal sya hindi niya parin kami pinapabayaan sa pag-aaral.

Ibang-iba na ngayon ilang buwan nalang mag k-kolohiyo na ako may kalakihan ang matrikula kaya kailangan kong mag trabaho para maiwasan na rin ang gastusin sa bahay.

Huminto sila nong dumaan ako sa gilid kinuha ko nalang ang pitsel at ang isang baso saka bumalik sa kwarto dala-dala ang tubig.

Pinagmasdan ko ang kapatid kong mahimbing na natutulog. Malungkot akong ngumiti at tahimik na bumulong.

Sana hindi mo marinig o masaksihan yong mga nakikita ko.

Humiga ako sa kama ko at nag-isip.

'Ano kayang pakiramdam ng isang mayaman? Nakahiga lang ba sila sa mga salapi nila? Naranasan din ba nilang naghirap?'

Iwinakli ko ang nasaisip ko at tahimik na nagdasal.

Aminin kong kinakabahan ako para bukas. Pano kung hindi ako gusto ng mga pinsan ko? Malilikot kaya sila? Masyado pa kasi silang bata at minsan ko lang rin sila nakikita.

Maaga akong nagising kinabukasan para maghanda ng almusal. Hindi ko alam kung ilang oras lang ang itinagal ng tulog ko dahil sa pag-iisip.

Habang nagluluto ako ay lumabas ang bunso kong kapatid mula sa kwarto nila mama "Good morning ate"aniya habang kinukusot ang magkabilaang mata.

Lumapit ako at pinisil ang matambok niyang pisngi "Good morning Aidan" pinaupo ko siya at pinagtimpla ng gatas

Natapos ko ang paghahanda at sabay-sabay silang lumabas ng silid pero si mama lang ang lumabas mula sa kwarto nila. Ngumiti siya at naupo.

"Anong oras ka susunduin?" tanong niya at kumuha ng priting itlog at kanin

Kumuha na rin ako "mga eight, Ma" tumango sya at sinubuan ang bunsong kapatid ko.

Tahimik si Bea habang kumakain "Oy! Mag-aaral kang mabuti ha" paalala ko

Tumango sya at ngumiti "Oo, naman ako pa hehe"

Nagpaalam na sila sakin dahil ihahatid pa sila ni Mama sa school.

Naligo na ako at naglinis ng bahay tama-tama nong pagkatapos kong naglinis ay may narinig akong bumusina sa labas ng bahay.

Binuksan ko ang pinto para patuluyin sana si tita kaso isang hindi pamilyar na lalaki ang bumaba sa Hyundai na kotse.

Tatawagin ko sana si papa kaso umalis daw sya kagabi at hanggang ngayon ay dipa umuuwi. Tinext ko nalang si mama na umalis na ako.

"Tuloy ka muna"binuksan ko ang pintuan pero umiling sya

"Hindi na dito nalang ako...Ikaw ba yong pamangkin ni Aunt Mela?"tanong niya at tumango ako

"Ako nalang ang inutusan niyang sumundo sayo kasi busy sya sa pagbabantay sa mga pinsan mo"inilahad niya ang kamay niya saka ngumiti

Tumaas ang isang kilay ko at kalaunan tinanggap ko 'yon "Vince"pakilala niya

"Denise"sambit ko saka binitawan ang kamay niya

Saglit kaming nagtitigan at ako ang unang umiwas "Kukunin ko lang ang gamit ko"sambit ko at pumasok ng bahay

Sinigurado kung na lock ko ang bahay bago ako umalis. Iniwan ko nalang sa may paso ang susi dahil don namin iniiwan kapag umaalis kami ng bahay.

Si mama ay nag t-trabaho sa karenderya si papa naman ay construction worker dating bokalista sa banda kaso hindi sumikat ang Banda nila at may kanya-kaya na silang career si papa nalang ang napag iwanan dahil palaging hindi natatangap sa mga pinag a-auditionan niya.

Tinulungan nya akong magbuhat at pinagbuksan ng pinto "Salamat"

Habang nasa byahe ay tahimik ako at nandon na naman ang mga what ifs na bumabagabag sakin.

"Magugustuhan mo don samin"biglaang sabi niya

"I don't have a choice"bulong ko at tumawa sya

"Pasan mo yata ang mundo at ganyan kalalim ang buntong hininga mo?"aniya

"tss"

Mahigit isang oras kaming bumyahe at tanaw ko na ang malaking bahay ng tita ko. Pinagbuksan kami ng gate at ipinark sa garahe ang sasakyan.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto kusa na akong bumaba ng sasakyan at kinuha ang mga gamit ko sa likuran.

Nakangiting sumalubong samin si Tita habang bitbit ang batang mahigit apat na buwan at sa likuran naman niya ang batang nakanguso na limang taong gulang.

"Good morning, Auntie"agad na pagbati ko

"Good morning, Denise"akma niya akong yayakapin kaso may batang maliit na ngumiti sakin

"Hi, Grae"nakangiting sambit ko at mahinang kinurot ang pisngi ganon nalang ang pag tawa ng bata pati kami ni Auntie at natawa.

"Salamat sa pagsundo Vince, mamaya kana umuwi may merienda sa loob"ani tita pero agad na tumanggi si Vince

"Salamat, Aunt pero may practice pa kami ng basketball para sa liga"aniya

"Sige, salamat ulit" ani ni tita

"No problem, aunt basta kayo"aniya at nagpaalam na

Tumingin siya sakin saka ngumiti "Nice meeting you, Denise"aniya ngumiti lang ako ng tipid

Pumasok kami ni Auntie sa loob at may mga kasambahay na nag-aayos ng merienda sa sala.

Nahiya pa akong kumain pero wala rin akong nagawa nong si Xian na ang nagbigay sakin ng merienda "Thank you, Xian"sambit ko sa limang taong gulang na pinsan

Sinabi ni Auntie na ayaw niyang ibang tao ang mag-aalaga kay Grae dahil mas gusto niyang kamag-anak ang mag-aalaga dahil mas may tiwala raw sya.

Si Auntie ay nag t-trabaho sa bangko at si Uncle naman ay seaman tapos may mga businesses pa kaya ganito kalaki ang bahay nila.

Alam kong masama ang ma-inggit pero masama bang mag hangad ng ganito para sa pamilya mo?

Balang-araw mabibigyan ko rin ng ganitong bahay ang mga magulang ko


To be continued...


:>

Love at First Sight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon