Chapter 5: Taho

1 0 0
                                    

Ary's Pov
Mga ilang araw nang lumipas at magaling na ko. Sa paglipas ng araw si Oyi lagi kong nakakasama. Sa pag-alalay siya pa rin. Nakakatuwang isipin na sa gitna ng dalamhati ko mapapawi ang sakit na idinulot ng lalaking mahal ko. Oo hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya ganun na rin yung sakit na idinulot nila ni Marga. Sila Azi at Rolfer ay na una sa syudad upang ipabluter yung sasakyang nakabangga sakin. Sa tutuusin akala ko sila ang nakasagasa ngunit mali sila lang pala ang nagdala dito sakin sa Liwan upang gamutin. Nakakapagtaka 'man bakit dito pa pero laking pasasalamat ko sa kanila. Ngayon araw ng linggo madaling araw pa lang ay gising na ako. Balak kong magsimba para sa ikalawa kong buhay. Na sa kusina ako upang magluto ng kakainin ni Oyi pagkagising. Ayaw ko naman siyang iwan dito kahit na nakapagpaalam na ko sa kanya na magsisimba nga ako.
Pakanta kanta ako ng may yumakap sakin sa likod. Bahagya akong nagulat ngunit hinayaan ko na lang si Oyi 'to tulog na naglalambing. Medyo sanay na kahit nakakailang kasi nga babae ako lalaki naman siya. Unang beses niya itong ginawa at sobra akong nabigla nakita ito ni Rolf .

Flashback

"Huy gising Oyi! Si Ary yan hindi si Ann tigilan mo yan ano ka ba?!" si Rolf nakinakausap niya ang tulog na si Oyi.

"Ok lang Rolf, hayaan mo na..baka na pagod kapabalik balik dito sa Liwan dahil sa mga sugat ko"

"Ayos lang ba sayo na nakayakap siya?"

"Oo, walang malisya naman ang ginagawa niya. Naiintindihan ko naman kasi nga pagod siya"

"Osige, salamat sa pagiintindi ah? Pasensya ka na sa kaibigan ko ganyan kasi talaga yan e" kakamot kamot sa ulo niyang sabi halatang nahihiya. Nginitian ko na lamang siya.

End of Flashback

Pagod siya kaya hinayaan ko pero ngayon hindi dahil mahuhuli ako sa misa. Nag-aalinlangan man ay ginising ko na siya.

"Oyi, pst Oyi" tawag ko ng paulit ulit sa kanya sabay tapik sa mukha niya. Infairness ang kinis nakakahiya sa kamay kong magaspang.

Oyi's Pov
"hmmm" at niyakap muli ang unan

"Oy--i di-- ako makahi-nga!" munting tinig na rinig ko.

Nagmulat ako ng marinig ko iyon. Ako na nakayakap kay Ary ang nakita ko ng buksan ko ang aking mga mata. Bumilog ang mga aking mga mata at tinanggal ko ang aking mga kamay na nakayakap sa kanya at lumayo sa kanya ng bahagya

"Hala Ary. Sorry sorry-" pagpapaumanhin ko

"Ok lang, pasensya ka na rin at ginising kita magsisimba kasi ako"

"sama" parang bata kong sabi. Mukha 'mang nagtataka siya ay pumayag na. Kita ko ng nakabihis siya kaya gumayak na ko at kumuha ng masusuot at naligo.

Ary's Pov
Na sa simbahan na kami. Oo kami, kasama ko si Oyi. Gusto sumama e kaya sinama ko na baka umiyak HAHAHAH. Na sa loob kami at taimtim na nagdadasal.

Maya-maya ay kumanta na ng 'Ama namin'. Nagtaas ako ng kamay sa kabilang gilid. Tiningnan ko si Oyi at nagtataka na parang hindi alam ang gagawin, gagayahin niya ba o hindi

"Itaas mo mga kamay mo gan'to oh" pagpaoakita ko ng mga kamay ko

Kinuha ko ang kamay niya at bahagyang itinaas ko iyon habang kumakanta. Natatawa ako sa reaksyon niya gulat na gulat HAHHAHA.

"Kapag ganto na ang kanta dapat itaas mo ang mga kamay mo"

"ahh"

"Di mo ba 'to alam?"

"Hindi e, wala namang ganito samin"

"Ay weh? Ano ba relihiyon mo?"

"Born Again"

"ahh kaya pala"

Na tapos na ang kanta at ako ay lumuhod. Sumunod din siya sa pagluhod ko. Mga ilang sandali ay nag abutan ng donasyon inilabas ko ang pitaka at kumuha ng barya at inalagay sa lalagyan nito.

Matapos ang misa ay lumabas kami. Napahinto ako ng may makita akong

"Taho!" Masaya kong sabi. Nahatak ko sa wala sa oras si Oyi.

"Kuya pabili po ng taho dalawang tig- sampu" nang maglagay na siya ay

"Kuya pwede po dagdagan pa ng sago tas syrup hehe"

"syempre naman" magtataho

"Yehey" parang bata kong sabi sa harapan ni Oyi. Si Oyi na titig na titig lang sa ginagawa ni Kuyang magtataho.

"Oh iha" abot sa akin ng dalawang baso na may lamang taho.
Kukuha na sana ako ng pera ng mag abot si Oyi ng One thousand??
"Here Sir, keep the rest"

"Naku Sir sobra-"

"Nah it's fine with me.. wala akong barya e. Salamat sa taho kuya"

"Maraming salamat din po sir, enjoy po kayo sa taho date niyo ng girlfriend niyo" may ngiting sabi ng magtataho at umalis. Hahabulin ko na sana siya para malaman niyang hindi ako girlfriend ni Oyi at kaibigan lamang ako ngunit mayroon ng bumibili.

"Si kuyang magtataho talaga" iiling iling kong sabi

"Ayaw mo nun girlfriend kita" Oyi

"Pero hindi naman talaga? Oh magtaho ka na nga lang. Sayo 'tong isa" turo ko sa hindi ko pa naiinuman na taho

"Salamat" sabay kuha ng tinuro ko para sa kanya

"Salamat ka diyan e ikaw nga nagbayad"

"Ikaw naman nag-order" may oa order ha? kung sa bagay mayaman nga naman.

First At LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon