Chapter 8: Crush on Liwan

0 0 0
                                    

Ary's Pov
Pagkaligo ko ay tamang tama na may kumatok. Agad ko itong binuksan. Tumambad sakin ang nag-iisang lalaki.... Ang crush ko?

"Hmm.. hi? Si Rolf at Azi nandito ba?"

"Wala po, sino po pala kayo?" Tanong ko kahit kilala ko naman siya

"Ako nga pala si Minji Rizgl Rans, call me Riz or Minji whatever you want to short my name. And you?" sabay lahad niya ng kamay niya. Nahihiya kong tinanggap yun.

"Ary"

"Ary what?" di niya pa rin inaalis yung kamay niya sa kamay ko. Jusme ka crush OmO

"Ackary Zenn Rosh" pagbubuo ko

"Can I call you Ack or Zen? when we're alone then if sa harap ng iba I just call you Ary"

"Ikaw bahala, nga pala bago ka pumasok ka ano ano mo po sila Ate Azi at Kuya Rolf?"

"Kaibigan ko"

"Ay kayo po pala yung sinsabing isa pa nilang kaibigan, pasok po kayo pasensya na at hindi ko po kayo nakilala"

"Buti naman may balak kang papasukin ako kanina pa ako tinitingnan dito"

"Sorry po"

"Nah it's fine"

"Maupo po muna kayo ipaghahanda ko lang kayo ng inumin, ano pong gusto niyo?"

"'kaw"

"kaw?"

"cow milk, fresh kase yun since it's province baka meron dyan"
"Ahh cow milk, sige po"

Iniwan ko na siya sa munting sala at pumasok sa  kusina at maghahanap pa ko ng cow milk na gusto niya. Dati ko pa siyang crush sa totoo lang wala pa kami ni Walter crush ko na siya. 'Di ko pa yun nakakausap ngayon lang. Lagi lang naman kasi akong nakaw tingin sa kanya kapag malapit siya di tulad ngayon na manginginig na yung tuhod ko ng makita siya tapos hinawakan niya pa talaga yung kamay ko ng matagal sabay kausap jusmeee. I can't breath choz. Paano na ko ngayon? Ito pala yung sinasabi ni Ate Azi noong nakaraan na kaibigan niya na pupunta ngayon. Ate Azi help me ♧_♧.

Patuloy ako sa paghahanap at tiningnan ang ref. ni ate Azi. Wala akong nakitang cow milk. Kaya ang ginawa ko kumuha ako ng coffee then yung fresh milk pinaghalo ko tenen ^__^

"here" pakita ko sa kanya

"Ano yan? bakit brown?" inabot ko iyon sa mga kamay niya

"Tikman mo" agad niyang tinikman kahit nagaalangan.
"Ang sarap, ano 'to?" °○° gulat niyang sabi

"cow milk na may tae ng baka hinalo ko kaya ganyan" birong ngiti kong sabi. Duduwal na sana siya ng magsalita ako
"Joke lang*peace sign*"

"Ano nga kasi Zen?"

"Fresh Milk with coffee, my favorite of all drinks"

"Ahh, Ang sarap ah nice blend"

"thankyou"

"Thanks to you, may bago na kong favorite"

"Ba't dati ano?" pagtutukoy sa dati niyang paborito
"Alcohol"

"Anong alcohol? green cross, hygieni-"

"Not that alcohol haha, It's wine, beer, liquor any beverages"

"Ahh mga nakakalasing pala"

"Oo"
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin kaya gagawa muna ako ng maiinom nila ate Azi at Kuya Rolf. Pumunta ako ng kusina at iniwan siya doon ulit. Hindi ko kase makayanan na titigan siya baka mahuli ako.

Minji's Pov
Yung tinulungan pala nila Rolf ay si Ackary Zenn Rosh which is yung babaeng nagkakagusto sakin sa Antius. Antius ang pinanggalingan ko bago kami lumipat sa bayan. Alam ko yun syempre ang iingay ng mga maisyusong mga nilalang sa palagid. Kilala ko siya dahil sikat siya sa may pamilihan. Siguro tindera siya dun kaya ganun. Kanina ko pa siya napapansin na nanginginig siguro kilig na kilig HAHAHA. Sino ba namang hindi?. Tinanong ko siya kung anong pangalan niya para naman hindi ako nag-aasume na siya nga at tama ako sya nga yun. Ineenjoy ko ngayon yung binigay niyang drinks sakin. Nakakatuwa at marunong siya sa mga ganitong bagay. Balak ko tuloy magpatayo ng drinks shop HAHAHAH. What if? hmmm..

Umalis siya at nag punta ng kusina hindi man lang nagpaalam tsk. Pero di bali na baka may gagawin pa yun at nakaistorbo lang ako sa ginagawa niya. Wala akong na gawa kundi ang antayin siya.

Ilang oras na lumipas at wala pa rin siya. Hindi naman sa nag-aalala ako pero ba't ang tagal niya di ba?. Kaya na pagdesisyonan ko na puntahan siya sa kusina kasi nakita ko siya doon patungo kanina.

Pagkakita ko ay nandun nga siya kaso..

TULOG?

Hala ka ba't diyan siya natulog. Kawawa naman
Kaya pala ang tagal kasi tulog na. Maaga pa kasi e mga 5:30am pa lang kaya ganyan. Hay naku po, aga-aga magising e dito lang naman punta nila Azi. tsk

Binuhat ko siya pa punta sa isang silid na sa tingin ko ay tinutuluyan niya dahil may mga pang babaeng damit sa mga sulok sulok. Damak naman nito. Hindi naman totally nakakalat na nakatupi nga siya pero sa gilid gilid niya nilalagay kita tuloy yung shorts,pants,damit buti na lang walang pangibaba kundi baka maihulog ko siya hawak ko pa naman. Nang makalapit sa kama ay dahan dahan ko siyang nilapag. Noong nailapag ko siya ay bigla akong hinila. Nagulat ako pero napatitig sa maamo niyang mukha. Maganda kaso bata pa, maamo pero daming kalokohan, anghel pagtulog nevermind kapag gising HAHAHA.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First At LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon