Chapter 1: Louisiana University

581 39 20
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction, names, characters, places, and events are either the products of author's imagination. Any resemblance to an actual person, living or dead actual events is purely coincidental.

                             Author's Note:
This story contains brutal and crime scene. A thriller-romance novel, I'm not going to spoil and I'll let you think of the flow, plot etc.  READ AT YOUR OWN RISK.

                              ********

"Have you heard the news? May transferee daw sa engineering department?"

Pabagsak kong iniupo ang sarili ko sa silya na para sakin. Minding my own business.

"Keirra, may bagong transferee da—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya nang bigla kong iniharang ang palad ko sa chismosa nyang bibig. Umagang-umaga nakakasagap ako ng chismis dahil sa kanya.

"I'm not interested, Saph." Tamad na wika ko sa kanya, first day palang at ganito na siya kung umasta, hindi ba puwedeng maging mahinhin muna?

"Hindi mo man lang ba 'ko papatapusin?" Natatawang sabi nya, pilit inaalis ang nakaharang kong palad sa bibig nya.

"What's with him?" I already know, she's Saphira Lavriel by the way.

"Ang gwapo kaya!" Lagi naman. Guess what? Unang araw palang namin dito, may kinahuhumalingan na agad ang mga mata niya.

"Therefore?" Tumaas ang kilay ko, nakita niya sigurong hindi ako interesado. She knows me a bit pagdating sa mga ganitong bagay, alam niyang hindi ako naging interesado sa mga lalaking kinikwento niya. Puro ba naman lalaki ang kasama ko noon...

Napa-face palm nalang sya at tumahimik na, napangiwi nalang ako sa reaction nya. Meet my best friend, Saphira. She has long ash-grey-colored hair with an intimidating face card. If you don't know her, iisipin mong tinatarayan ka nya dahil sa paraan ng pagtingin nya which is casual look nya lang.

Ang red flag sa babaeng 'to gusto ng gwapo pero pag umamin sa kanya, sya na mismo ang iiwas and pretending that she didn't know you. Wala daw thrill pag ganoon.

By the way, my name is Keirra Hechanova, 1st-year archi student at Louisiana University. Kilalanin nyo nalang ako sa mga susunod pang pahina.

Kakasimula pa lang ng pasukan kaya wala pa 'kong kilala sa mga blockmates ko maliban kay Saph, kaya rin siguro may nakakapasok pang transferee. Transferee rin naman ako pero maaga akong nag enroll.

Speaking of transferee, may transferee daw sa engineering department, good looking? Heh, as if I care. Iwinaglit ko nalang ang isiping iyon hanggang sa pumasok na ang professor namin para sa first period.

Since first day hindi naman masyadong hard ang mga pinapagawa, kadalasan ay puro pagpapakilala lang.

Malaki ang Louisiana University, lalo na ang field nito kung saan maraming nakatambay na student pag vacant time galing sa iba't ibang department. Mahaba rin ang hallway dito, hindi mo na hihilinging gumala dahil sa lawak, bukod sa mapapagod ka pabalik, mal-late kapa sa next period mo. Merong auditorium for an announcement, may poolside din para sa mga athlete, soccer field at basketball field para sa mga varsity.

"Tara na," aya sakin ni Saph habang inaayos ang mga gamit nya, vacant na pala namin at hindi ko namalayan sa sobrang pag-iisip.

Naglakad kami papuntang cafeteria. Maganda ang cafeteria kaya I'm convinced na dito mag-aral, their wall is made of glass kaya kahit nasa labas ka ay makikita mo ang mga nasa loob.

"Pizza lang sakin." Sagot ko agad nang makahanap kami ng table. "Coffee pa pala," I added.

Umalis narin agad si Saph para umorder, mukhang maganda naman ang aura ko sa school na 'to at walang magiging problema. I hope so.

To Be With YouWhere stories live. Discover now