Chapter 7: Kreiouz Cyrvelio

101 10 2
                                    

TUMUNOG ang alarm ng phone ko dahilan para magising ang diwa ko. I immediately turned it off at bumalik sa pagkakahiga, hindi pa handang bumangon.

~FLASHBACK~

"Some of them are newbies..." Kyuri muttered while scanning all the folders we got from them, nandito kami ngayon sa condo ni Aeilous, sinabi niya ring mas safe kung dito kami tutuloy, sa isip ko ay baka pinasundan lang kami para makakuha rin ng impormasyon.

They looked at it contents one by one and separated from the unnecessary ones, tumulong rin ako sa ginagawa nila, inilagay ko sa center table ang mga hindi kailangan at tiningnan rin iyon isa-isa. I wanted to make sure na hindi na iyon kailangan aside sa pagiging curious.

The fact na in the first place, it was not my part na mainvolve sa kung ano mang ginagawa nila, iba ang field ko kaysa sa kanila. It was me lang ang namilit na sumama ako. Napairap ako sa isiping iyon, sigurado akong may magagalit pag nalamang sumama ako, pero hindi iyon ang priority ko right now.

Although nakalabas kami doon ng ligtas ay hindi ko maiwasang magtaka. I never underestimate someone's capabilities kaya sigurado akong may pinaplano sila kaya kami nakalabas nang ganon-ganon lang. I chuckled, sa liblib na lugar, madilim at mahigpit ang security, impossible na wala silang napansing kakaiba habang nasa loob kami.

Nakatunog na 'ko nang sabihin ni Aeilous na dumiretso nalang kami sa condo niya, hindi iyon kalayuan kung nasaan ang pinanggalingan namin. Knowing him, paiba-iba siya ng mga unit. I'm probably sure na aalis na naman siya dito kinabukasan para lumipat sa panibagong unit.

I calmly examined each document when I read a familiar surname. Syrine Lavria Delutch... Wala namang kakaiba sa mga info's niya. Name, age, sex, etc. Those are all normal information pero parang kulang or should I say wala silang makuhang rare information sa babae. I looked at her picture and examined it, her lips were red and she had a pointed nose, her eyelashes were thick and her eyes were even closer, she looked intimidating like Kyuri. I mean, I am too but she's even more.

But one thing is for sure, she's related to Saphira Lavriel.

"Keyu," Pagtawag sakin ni Kyuri para lingunin ko sila na ngayo'y parang kakatapos lang din nilang mag usap, hindi ko tuloy napakinggan dahil lunod ako sa panibagong isipin. "You can go now and rest, ipapahatid na kita kay Wyne." Seryoso siya nang sabihin iyon, tumingin ako kay Raze na saktong nakatingin rin sakin, umiwas ako nang tingin nang maramdaman ang pamumula ko.

"What about you and Aeilous?" I asked to calm myself, papayag naman kaagad ako, kailangan ko lang magtanong ulit para naman hindi nila isipin na gusto kong makasama siya. Ay?!

"Maiiwan kami dito, we still need to talk about this," magtatanong pa sana ako nang magsalita ulit siya. "Don't ask too many questions, Yuari. You need to leave before they come, understood?" She said using my second name, nagpapasensiya. I just nodded, a sign of approval.

"Okay, but..." I trailed off. "Can I take this?" Winagayway ko ang folder na hawak ko, she just nodded at me at yumakap sakin. She probably didn't suspect me dahil gusto kong tangayin ang folder na 'yon.

We said goodbye before leaving them, mabigat ang paghinga ko habang tinatahak namin ang parking lot dahil kaming dalawa nalang ang magkasama, hindi naman ganito ang naramdaman ko kanina noong magkasama kami, nakakainis pa dahil wala man lamang nagsasalita sa aming dalawa!

Sumakay kami sa sasakyang pinahiram ni Aeilous, aniya pa ay mas magiging safe kung ibang sasakyan na ang gagamitin namin papunta sa condo. Three A.M na rin nang pauwi na kami pabalik, pero hindi ko maramdaman ang antok sa mga oras na 'to. Ang sabing friendly date ay nauwi sa risky date. I sighed. Wala paring nagsasalita sa aming dalawa, it was so awkward! Okay naman kami kanina ah?

To Be With YouWhere stories live. Discover now