"Love, it does exist." saad ni Jenelle.
"Hmm, if it does, then why are you both still looking for it?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"In the right time, Hera. Good things happened for those who waits." Ani Aia.
I just smirked at hindi na sumagot pa, okay, if that's then it will happen.
"Duh, kaya ba ganyan ka kasi hindi kami pumayag sa Mang Inasal kumain kaya umaasta ka ngayon na parang si Doctor love, ang sama mong magtampo." irap ni Jenelle at inubos ang pag-kain niya.
Tumawa na lamang ako at sumandal sa upoan habang palipat-lipat ang tingin ko sa mga kaibigan ko at kay Ace na naghaharutan pa rin kasama ang girlfriend niya. Mukhang wala naman pakialam ang mga kaibigan nila na kakarating lang dala ang pag-kain nila.
What the heck--may fiesta ba sila? Halos pwedeng pang buong barangay na ang kumain ng in-order nila. Bakit ba? Anong pakialam ko sa kanila? Hindi ko naman sila kilala at mas lalong Lalo na na hindi nila ako kilala, kaya bakit nangingialam ako?!
"May activity daw tayo sa PE sabi ni Mayora sa GC." saad ni Aia at pinakita ang chat ng Teacher namin.
"Ano?! Hindi ko dala ang uniform ko!" Saad ni Jenelle
Aia held her chest dramatically. "Oh eh bakit parang kasalanan ko pa?"
"Bookstore, bili ka na lang kesa naman may lalabas na namang usok mamaya sa ilong ni Miss kasi pasaway ka." saad ko.
"Jenelle moments. Tatanga-tanga." Aia said at tumawa.
"Duh alam mo namang next month pa magre-restock yung booktore ng mga uniform. Halos nabili na ng mga freshmen, grabe ang bilis." saad nito at tumayo. "Tara na, ihahatid ko kayo sa school tapos uuwi ako para kunin ko yung P.E uniform ko."
"Diba malayo pa Bahay niyo? Sayang gasolina." saad ko. "Maiintindihan ka naman siguro ni Miss."
"Duhh kesa naman pagalitan niya ako, kundi uuwi na lang ako para kunin...at maiintindihan? Nakalimutan mo na ba na kulang na lang itakwil niya ako bilang isang estudyante?" Umirap siya.
Tumango na lamang ako at inalala ang nangyari...sa isang lingo ay isang beses lamang pumasok ang PE subject namin at nong time na yun ay nakalimutan ni Jenelle yung uniform niya, halos isang buwan hindi pumasok si Miss sa klase namin. Hindi naman sa sinasabi naming mali siya pero sana maintindihan niya minsan na estudyante lamang kami at freshmen pa kami nung oras na yun. Of course, may mali din kami mas Lalo na si Jenelle, yun lang naman ang kaisa isahan rule ni Miss, na pag klase niya whether may activities or wala ay dapat naka-PE uniform kami.
"Alam mo namang feeling Major yun!" rinig kong saad ni Jenelle.
Tumayo na lamang kami at laking gulat ko na halos magkabanggan pa kami ng mga grupo nila Ace nang bigla din itong tumayo at naglakad papalabas ng pinto. Nangunot naman ang uno ko at nilingon ang table nila, halos hindi nagalaw ang pag-kain nila, halos wala pa ngang kinse minutos simula nang dumating ang in-order nila...
Alam kong wala na dapat ako don, dapat labas na ako kaso nga lang maraming nagugutom na mga bata at pamilya pero sila parang ang liit lang na bagay ang pagaksaya ng pag-kain. Very ungrateful, hindi man lang nila iniisip ang dugot pawis ng mga magulang nila para lang may maibigay na baon sa kanila araw-araw.
"Nakakainis talaga ang babaeng yon minsan. Paano ba naman sinabihan na kagabi na ipasok na sa bag ang PE uniform tapos sasabihin lang na mamaya na kasi may kalandian pa siya." Saad ni Aia habang padabog na naglalakad papasok sa school.
I chuckled. "Hayaan mo na, masipag naman mag-drive yun." Saad ko.
Umirap siya at pinag-krus ang kamay niya dibdib niya. Mukhang wala talaga siya sa mood. Totoo naman kasi, pagdating sa driving at lakwatsa si Jenelle ang pinakamasipag na taong nakilala ko doon.
YOU ARE READING
Love and Madness (USLS Series #1)
Fiksi PenggemarNothings more pain than being betrayed and left without saying goodbye. WHAT IF you thought that you are forever and ever but in just one mistake, one misunderstanding, one betrayal, one good bye, it changes everything?