Chapter 24

18 1 0
                                    

Jazmine



Ilang araw na akong nakakulong lamang dito sa aking kuwarto. Ayoko kasing lumabas ngayon kahit na sabihing sandali lamang. O sisilip lamang d'yan sa may bayan.

Ayoko.

Dahil may iniiwasan akong tao.

Paano kasi, iniiwasan ko si Chris.

Oo, si Chris.

Hays!

Bakit ko ba kasi nagawa ang bagay 'yun? Bakit naman kasi masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko noong araw na iyon?

Hindi ko tuloy magawang harapin ito ngayon. At mas lalong hindi ko siya magawang tignan sa kanyang mga mata oras na muling magkita na kami.

Argh! Hindi ko mapigilan ang mapasabunot sa aking sarili bago muling ibinaon ang aking mukha sa unan at parang tanga na nag pagulong-gulong aking higaan.

Nahihiya ako sa aking ginawa! Parang pakiramdam ko, bigla-bigla eh nawala ang aking pagkababae.

Eh paano ba naman kasi!

Waaaah!

Bakit ba niya ako hinalikan?

Nadala lamang din ba siya sa moment? Kaya niya 'yun nagawa?

Hindi ko na rin naman kasi siya tinanong eh. Mas nakakahiya 'yun kapag nagkataon. Kaya mas minabuti ko na lamang ang manahimik hanggang sa makauwi kami noong araw na iyon.

Pagkatapos noon, hindi na ako muling nagpakita pa sa kanya.

Kahit na ilang beses nang sinasabi sa akin ng front desk officer na mayroong naghahanap sa akin palagi, eh hindi ko ito pinapayagan na ituro sa kanya ang kwarto ko.

Aba! Kung magpupumilit siya ay talagang magwawala ako.

Ayoko.

"Ayoko ko munang makita si Chris, pakiusap!" Parang nababaliw na ako habang kinakausap ang sarili ko.

Kaya lang kasi, hindi naman pupwede na mabulok nalang ako sa loob ng apat na sulok ng kwartong ito, ano? Unfair yun!

Nagsasayang na ako sa oras, nagsasayang pa ako ng pagkakataon na mas ma-enjoy ang ganda nitong Coron.

Kaya lang kasi...hays! Bahala na nga.

Kakapalan ko nalang ang mukha ko.

Pero sana, kahit ngayon araw lang, makalabas ako ng guesthouse na ito nang walang Chris na makikita.

Please, Lord. Lihim ba pakiusap ko pa.

Kaya naman, hindi nagtagal ay tamad na tamad na tumayo na ako mula sa higaan at agad na nagtungo sa banyo.

Maliligo na lang ako at para naman makalabas na ng lungga ko.

---

Pagkatapos ng halos isa't kalahating oras ay natapos na rin ako sa lahat. Pasado alas singko na ng hapon nang mag desisyon akong lumabas na mula sa aking kuwarto.

Nagulat pa nga silang lahat sa front desk noong makita nila akong buhay pa at malaya pang nakakahinga. Haha.

Eh sino ba naman kasi ang may sabing patay na ako?

Hinalikan lang naman ako ni Chris, ano?

Hindi naman niya ako pinatay sa sarap! Este, hindi naman niya kinuha ang buhay ko. 'Yung puso ko lang.

Here's Your Perfect COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon