Chapter 8

47 3 0
                                    

Jazmine



"Are you sure you wanna ride that one?"May pagka-alanganing tanong ko sa kanya.

"Hell yeah! I'd like to ride this one. Gusto mo bang masubukan mamaya?" Magiliw na tanong nito habang nagchecheck ng motorsiklo na rerentahan namin.

"No..?" Alanganing sagot ko naman. "I don't know how to ride a motorbike. Ikaw nalang." Dagdag ko pa at ngumiti ng alanganin.

Saglit siyang natahimik at napatingin sakin. "Hmmm, alright! But I can teach you if you want?" Pangungumbinsi pa nito.

"My fiance will gonna kill you if you insist too much!" Atsaka ko itinaas baba ang aking kilay.

"Alright, sabi mo eh." Saka ito tumalikod na mula sa akin. Habang napapakagat labi nalang akong pinagmamasdan siya ng palihim.

Sa totoo lang, ayoko lang talagang subukan. Hindi naman sa natatakot ako kung hindi AYOKO lang talaga. Period.

"We'll take that one miss." Sabi nito sa kahera habang itinuturo ang motorsiklo na gusto niya.

"Which one Sir?" Magalang at medyo nahihiyang tanong nito atsaka ngumiti.

"The big one." Tipid naman na sagot ni Chris.

"Alright Sir, it's 800 pesos cost per day." May iniabot itong papel kay Chris, na siya namang binasa niya at penermahan. Isa itong Agreement between Renters and the owners, na nagsasabing hindi na nila pananagutan ang anumang mangyayari kapag nasa clients na ang motorsiklo. At ano mang mangyaring aksidente, ay hindi na rin nila pananagutan ngunit kailangang bayaran ang anumang masira sa sasakyan.

Pagkatapos pumerma ni Chris ay ibinigay nito ang kanyang I.D as a rule of the owner at syempre nagbayad...

"Thank you, Ma'am/Sir! Enjoy your adventure and have a good day!" Masiglang sabi nito sa amin at nag wave pa. Ngumiti ako rito at nag thank you. Habang palihim ko naman na kinurot si Chris sa tagiliran. Medyo napalakas ata kaya napa angat ang kabilang balikat nito.

"What?!" Iritableng tanong nito sakin.

Napairap ako atsaka ngumuso doon sa babaeng kahera na hanggang ngayon ay nakatingin parin pala samin. "Mag thank you ka naman." Medyo pabulong na sabi ko rito sakto lang para marinig niya.

Napahinga siya ng malaim at humarap sa babae. "Thank you, Miss." Walang kaemo-emosyon na sabi nito.

"Samahan mo naman ng konting ngiti." Medyo inis narin na bulong ko rito at mas madiin na kurot ang ibinigay ko sa kanya na lalong mas ikinapakla ng kanyang itsura.

"What the fuck is wrong with you?! Nag thank you na ako." Saka ito nakabusangot na nag walk-out. Pero infairness ang pogi parin kahit suplado.

Hay ano ba naman 'tong naiisip ko. Nagawa ko pa talagang isingit 'yung bagay na iyon sa isipan ko.

Pagkaraan ng ilang sandali ay nasa biyahe na kami habang binabaybay ang daan papuntang Busuanga. Yes! Pupunta kaming Busunga. Hindi ko man alam sa kasama kong ito kung bakit sa dami ng pwedeng mapuntahan rito sa Coron eh doon pa niya naisipang pumunta. Well, gusto ko naman mag-iinarte pa ba ako? At isa pa, iyon naman ang dahilan kaya ako napunta sa islang ito eh. Ang maglibang at eenjoy ang bawat moment na nandito ako.

Habang binabaybay namin ang main road going to Busuanga ay naglalakihan ang aking mga mata sa mga nagagandahang mga tanawin na matatanaw rito. Grabe! Panalo talaga ang Palawan sa likas nitong mga tanawin.

"Oh, bakit ka huminto?" Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil sa bigla nitong paghinto.

"Nakakangalay pala, biruin mo isang oras na akong nagmamaneho samantalang ikaw diyan nakaupo lang." Reklamo nito sakin. At dahan dahan na bumaba ng motorsiklo kasabay narin ng pagtanggal ng helmet mula sa kanyang ulo.

Here's Your Perfect COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon